Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Kim Chiu donates P300,000 for mass testing as “Bawal Lumabas” journey ends

by Jet Hitosis
Jun 30, 2020
Actress Kim Chiu says proceeds from the sale of her "Bawal Lumabas" merchandise were used to buy food packs for 1,500 poor families, including public-utility drivers with no income for nearly four months now.
PHOTO/S: @chinitaprincess on Instagram

Naging daan ang hindi sinasadyang pagkakamali ng aktres na si Kim Chiu upang makatulong siya sa libu-libong tao.

Mahigit isang buwan matapos ng kontrobersiya ng kanyang law of classroom analogy, libu-libong mahihirap ang nabigyan ng pagkain at masusuri sa COVID-19 dahil sa aktres.

Nagmula ang pondo sa pinagbentahan ng T-shirts na inspired ng kantang “Bawal Lumabas” ng 30-year-old Kapamilya actress.

Sa Instagram post ni Kim ngayong Martes, June 30, abut-abot ang pasasalamat niya sa lahat ng bumili ng “Bawal Lumabas” shirts.

Gamit ang kinita sa shirts, ibinalita ni Kim na nakapagbigay siya ng food packs sa 1,500 mahihirap na pamilya.

Ibinahagi niya sa post ang mga litrato ng daan-daang loot bags na ni-repack at ipinamigay nang dalawang batch.

Kabilang sa mga nabigyan ng food packs ang mga driver ng jeepney, taxi, at tricycle, na halos apat na buwan nang hindi nakakapamasada.

KIM CHIPS IN FOR MASS TESTING

Bukod dito, nakalikom din si Kim ng PHP300,000 cash para sa Shop & Share project.

Continue reading below ↓

Ang Shop & Share ang online fundraiser ng mga aktres na sina Angel Locsin, Anne Curtis, at Dimples Romana.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Layunin ng grupo ni Angel na mapondohan ang mass testing kontra COVID-19 sa mahihirap na komunidad.

Mababasa sa post ni Kim (published as is): “Thank you po sa lahat ng sumupporta sa #bawallumabasmerch

Continue reading below ↓

“we were able to give food package sa 1,500 families and 300 thousand pesos for mass testing donated to shop and share!

“@therealangellocsin @dimplesromana @annecurtissmith [three heart emojis].”

Nagpasalamat din si Kim sa kumpanyang nag-donate ng libu-libong sanitary kits, gayundin sa iniendorso niyang noodles brand.

Kabilang ang donasyon ng mga ito sa items na nakasilid sa loot bags at food packs na ipinamahagi ni Kim sa mga pamilyang hindi kumikita ngayong may pandemya.

Sa huling bahagi ng post, inilarawan ng aktres ang nakalipas na buwan matapos ang matinding kontrobersiyang pinagdaanan.

“Journey was like a roller coaster ride but Im glad it ended this way,” sabi pa ni Kim.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

ABS-CBN SHUTDOWN AND THE “LAW OF CLASSROOM”

May 8 nang maghayag si Kim ng saloobin sa #LabanKapamilya online protest kasunod ng ABS-CBN shutdown.

Tinangka niyang ikumpara ang shutdown sa pagpapairal ng “law of classroom.”

Pero marahil dahil sa biglaang pagsalang, hindi naipaliwanag ni Kim nang maayos ang kanyang punto.

Nag-viral sa social media ang analogy niyang ito.

Kahit nag-sorry na ang aktres, pinutakti pa rin siya ng bashers, at ginawan ng memes, jokes, kanta, at dance challenge ang pagkakamali niyang ito.

Matapos ang ilang araw na social-media hiatus, noong May 18 ay nagbalik si Kim sa pamamagitan ng isang vlog.

Inanunsiyo ng aktres na ire-record niya nang buo ang kanta, na may title na “Bawal Lumabas.”

Nag-trending ang kanta at pumatok maging ang dance cover nito.

Dahil dito, naisipan ni Kim na magbenta ng “Bawal Lumabas” shirts upang mapondohan ang plano niyang tulungan ang mga naghihikahos dahil sa pandemic.

THE “BAWAL LUMABAS” JOURNEY

Sa latest vlog ni Kim nitong Lunes, June 29, ibinahagi nito ang mahahalagang detalye ng tinawag niyang “Bawal Lumabas Journey.”

Continue reading below ↓

Napanood kung paanong unti-unting bumangon ang aktres mula sa matinding kontrobersiya, na sumubok sa kanyang katatagan.

Aminadong isa sa “lowest points” ng kanyang buhay ang nangyari, sinabi ni Kim na marami siyang na-realize bilang tao.

“Let us always be reminded to spread kindness, love, generosity,” pahayag ni Kim sa huling bahagi ng kanyang latest vlog.

“Dahil kung ano ang ibinigay mo sa kapwa mo, yun din ang matatanggap mo.”

Para kay Kim, dahil sa kanyang classroom analogy ay natutuhan niya ang napakahalagang “lesson” sa buhay.

Iyon ay kung paano mapagtatagumpayan ang mga pagsubok, gaano man kahirap ang mga pinagdadaanan.

“You can win by doing good, by spreading love, by spreading kindness.

“Life goes on and life teaches you lessons. And this is my lesson.”

Sana raw ay nagsilbing inspirasyon din sa iba ang naging karanasan niya.

“And I hope I inspired my classmates sa nangyari…to keep going."

Ang mahalaga, ayon sa aktres, ay magtiwala sa sarili, manalig sa katotohanan, at laging piliin ang paggawa ng tama at mabuti.

Continue reading below ↓

“Huwag nating hayaan iyong mga tao na hindi naman nakakakilala sa atin na apakan tayo.

“Basta alam natin ang totoo, and mag-comply tayo na gumawa ng mabuti.

“Dahil mare-rewardan tayo sa Itaas,” nakangiting sabi ni Kim.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress Kim Chiu says proceeds from the sale of her "Bawal Lumabas" merchandise were used to buy food packs for 1,500 poor families, including public-utility drivers with no income for nearly four months now.
PHOTO/S: @chinitaprincess on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results