Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Luis Manzano, John Lapus mock Harry Roque's triumphant declaration the Philippines beat forecast of UP for COVID-19

by Arniel C. Serato
3 days ago
Luis Manzano (left) John Lapus (center) take a swipe at Presidential Spokesperson Harry Roque (right) for celebrating the country's win against the forecast of UP on COVID-19.
PHOTO/S: PEP File / Courtesy: ABS-CBN on Facebook

“Akala ko the whole time COVID ang kalaban, UP pala!"

Ito ang pang-asar na post ni Luis Manzano kay Presidential Spokesperson Harry Roque ngayong araw, June 30.

Ito ay bilang reaksiyon sa deklarasyon ng tagapagsalita ng Palasyo na natalo ng Pilipinas ang University of the Philippines (UP) forecast sa bilang ng COVID-19 cases pagdating ng June 30.

Saad ni Roque sa kanyang regular press briefing ngayong Martes: "Today is the last day na pala. Ano bang sinasabi ko?

“Wala na po, panalo na tayo! We beat the UP prediction po.

“We beat it so congratulations, Philippines!

“Let's do it again in July,” sabay taas ng kanang kamay nito na sumisimbolo ng pagkapanalo.

Continue reading below ↓
Continue reading below ↓
Recommended Videos

Sinabi noon ng UP-OCTA Research Team na baka umabot sa 40,000 ang COVID-19 positive cases ng Pilipinas sa katapusan ng buwan.

As of 4 P.M. ngayong araw, nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 37,514 COVID-19 positive cases sa bansa.

Para kay Roque, isang panalo na hindi umabot sa 40,000 ang COVID-19 cases na naitala ng Pilipinas sa itinakdang buwan.

Dagdag pa ng tagapagsalita ng Palasyo, “So, we are winning.

“As I have said, titingnan natin.

"Declining mortality, yung case doubling rate, and yung positivity rates na patuloy na bumababa.”

"Binati" naman ni Luis ang Pilipinas sa "pagkapanalo" nito.

Simpleng pang-asar na mensahe ng Kapamilya TV host-actor sa Twitter: “Akala ko the whole time COVID ang kalaban, UP pala! Congratulations!!”

Continue reading below ↓

Ang comedian na si John "Sweet" Lapus ay hindi rin nakapagpigil ng kanyang emosyon.

Nag-tweet din ito kalakip ang screenshot ng pahayag ni Roque.

Patutsada ni Sweet: “Pataas-taas pa ng kamay. Gaga!”

NETIZENS REACT

Marami ring netizens ang naghayag sa social media ng kanilang pagsalungat sa sinabi ng Presidential Spokesperson.

Continue reading below ↓

Sa ngayon, nasa 4th spot si Roque sa top trending topics sa Pilipinas.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Get the latest stories on COVID-19.
All you need to know from your trusted Summit Media network. Sign up here for regular updates delivered to your mailbox.
The email address you entered is invalid.
Thank you for signing up. We'll send updates directly to your inbox!
Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Luis Manzano (left) John Lapus (center) take a swipe at Presidential Spokesperson Harry Roque (right) for celebrating the country's win against the forecast of UP on COVID-19.
PHOTO/S: PEP File / Courtesy: ABS-CBN on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results