Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Rhap Salazar proudly posts photo with boyfriend to celebrate Pride Month

by Bernie V. Franco
3 days ago
Rhap Salazar boyfriend
Rhap Salazar (behind) celebrates Pride Month by posting photo with his non-showbiz boyfriend. Last April 2020, the singer confirmed to PEP.ph that he has a gay relationship.
PHOTO/S: @rhapsalazar on Instagram

Buong pagmamalaking ibinahagi ni Rhap Salazar, 24, sa kanyang social media accounts ang larawan kasama ang boyfriend.

Sa caption ng kanyang post ngayong Martes, June 30, ang panawagan ng singer ay para sa pagkakapantay-pantay.

Mensahe niya: “All people should be treated equally, regardless of who they are and who they love.

“Life gets better together. Happy Pride! [rainbow emoji]”

Continue reading below ↓

Tila kuha ang larawan ni Rhap at ng kanyang nobyo sa isang park.

Magkahilera ang dalawa habang nakaupo sa bench.

Nakaupo sa sandalan ng bench si Rhap at nasa harapan niya ang partner.

Sa kabuuan, larawan ang dalawa ng pagiging proud members ng gay community.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Ang post ni Rhap ay bilang paggunita sa Pride Month, na ipinagdiriwang ng LGBTQIA (lesbian, gay, bisexual, transgender, queer, intersex, asexual) community tuwing Hunyo.

RHAP ON HIS RELATIONSHIP

Noong April 2020, kinumpirma ni Rhap sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na boyfriend niya ang non-showbiz guy na kasama sa ilang larawang ipinost niya sa social media.

Bagamat out na si Rhap tungkol sa kanyang same-sex relationship, hindi pa rin niya pinapangalanan ang kasintahan.

Una na rin niyang nabanggit na may permiso ang kanyang boyfriend na i-post ang kanilang mga larawan.

Nakilala si Rhap nang hiranging grand winner sa ABS-CBN kiddie singing contest na Little Big Star Season 1 noong 2005.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rhap Salazar (behind) celebrates Pride Month by posting photo with his non-showbiz boyfriend. Last April 2020, the singer confirmed to PEP.ph that he has a gay relationship.
PHOTO/S: @rhapsalazar on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results