Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

ABS-CBN TV Plus digital broadcast goes off air

by Arniel C. Serato
2 days ago
ABS-CBN digital broadcast goes off air around 8:38 P.M. after the National Telecommunications Commission (NTC) directed the company to cease operations.
PHOTO/S: Jerome Ascano

Nag-shutdown na ang lahat ng channels ng ABS-CBN TV Plus bandang 8:32 ngayong Martes ng gabi, June 30, pagkatapos umere ng TV Patrol sa Teleradyo.

Ito ay bilang pagtalima sa alias cease and desist order ng National Telecommunications Commission (NTC) laban sa ilang channels sa ABS-CBN TV Plus.

Ibig sabihin, hindi na maaaring magpatuloy sa pagbu-broadcast ang mga channels gamit ang digital transmission ng TV Plus.

Kabilang sa mga channels na itim na lamang ang mapapanood ngayon sa telebisyon ay ang Teleradyo, Jeepney TV, Yey!, Asianovela Channel, CineMo, at KBO.

Nagsara ang free-to-air broadcast ng ABS-CBN noong May 5, 2020, isang araw pagkatapos mapaso ang kanilang legislative franchise.

ABS-CBN PROGRAMS IN KAPAMILYA CHANNEL, IWANT, TFC

Samantala, patuloy pa ring mapapanood ang ilang Kapamilya programs sa Kapamilya Channel, iWant, The Filipino Channel (TFC), at sa online.

Ito ang nilinaw ni Laurenti Dyogi, head of TV production ng ABS-CBN, sa huling bahagi ng TV Patrol sa Teleradyo kanina.

Continue reading below ↓

Saad niya, "Mga Kapamilya, hindi niyo muna mapapanood ang inyong mga minamahal na programa sa TV Plus sa Metro manila.

"Subalit ang mga programang ito ay inyong mapapanood via satellite and cable TV, sa Kapamilya Channel, sa online, sa pamamagitan ng iWant.

"At sa ibang bansa, through the Filipino Channel."

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Nanawagan din si Dyogi sa taumbayan na ihayag ang kanilang nararamdaman sa shutdown ng ABS-CBN.

"Nagpapasalamat po kami sa inyong suporta.

"Ramdam po namin ang inyong pagmamahal at makakaasa po kayo na patuloy naming ipaglalaban ang oportunidad para makapaglingkod sa bawat Pilipino sa buong mundo.

"Muli, nakikiusap po kami na inyong ipaalam, iparinig, at ipadama ang inyong saloobin tungkol sa shutdown.

"At tulungan niyo po kaming manawagan sa Kongreso na ibalik sa ere ang ABS-CBN.

"Maraming salamat po. Forever Kapamilya."

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ABS-CBN digital broadcast goes off air around 8:38 P.M. after the National Telecommunications Commission (NTC) directed the company to cease operations.
PHOTO/S: Jerome Ascano
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results