Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Sharon, Regine, Angel, Zsa Zsa, Liza, other Kapamilya stars dismayed by TV Plus, SKY Direct closure

by Jet Hitosis
Jul 1, 2020
(L-R) Sharon Cuneta, Regine Velasquez, Angel Locsin, Zsa Zsa Padilla, and Liza Soberano are among the Kapamilya stars who openly said they were sad and disappointed after the National Telecommunications Commission ordered ABS-CBN TV Plus and SKY Direct to cease operations on June 30.
PHOTO/S: @reallysharoncuneta, @reginevalcasid, @therealangellocsin, @zsazsapadilla, @lizasoberano on Instagram

Dismayado ang maraming Kapamilya stars sa panibagong tigil-operasyon na ipinataw ng National Telecommunications Commission (NTC) sa ABS-CBN Corporation.

Ito ay matapos mag-isyu ng dalawa pang Cease and Desist Order ang NTC laban sa Kapamilya network nitong Martes, June 30.

Ang una ay isang alias Cease and Desist Order para sa ABS-CBN TV Plus sa Metro Manila.

Simula Martes ng gabi, hindi na napapanood ang DZMM Teleradyo, Jeepney TV, Yey!, CineMo, Asianovela Channel, at Kapamilya Box Office sa TV Plus setup boxes sa Metro Manila.

Sa franchise renewal hearing sa Kamara nitong Lunes, June 29, iginiit ni NTC Commissioner Gamaliel Cordoba na saklaw ng naunang Cease and Desist Order noong May 5 ang digital platforms ng network.

Dahil dito, inatasan si Cordoba ng ilang kongresista na agarang mag-isyu ng Cease and Desist Order laban sa TV Plus at sa SKY Direct, ang satellite cable service ng SKY Cable.

Ang SKY Cable ay pagmamay-ari rin ng ABS-CBN Corporation.

Continue reading below ↓

EXPIRED FRANCHISE COVERS TV PLUS, SKY DIRECT

Ang unang Cease and Desist Order ay inilabas isang araw makaraang mapaso ang 25-year legislative franchise ng ABS-CBN nitong May 4, 2020.

Ipinaliwanag sa House hearing kahapon na ang TV Plus ay saklaw ng nag-expire na prangkisa ng network.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Binigyang-diin ng mga kongresista na ilegal daw ang operasyon ng TV Plus simula May 5.

Ang isa pang Cease and Desist Order nitong Martes ay para sa SKY Direct.

Ayon sa bagong order, sabay nag-expire ang franchise ng ABS-CBN at ang prangkisa ng Sky Cable “to install, operate, and maintain a Direct Broadcast Satellite Service,” na tulad ng SKY Direct.

Dahil dito, sa Kapamilya Channel, iWant, ABS-CBN Online, at The Filipino Channel (TFC) na lang mapapanood ang natitirang Kapamilya programs na ipinalalabas ng network.

HOT STORIES

ANGEL, LIZA, KARLA SLAM “HEARTLESS PEOPLE”

Kasunod ng malungkot na balitang ito, napa-tweet ang Kapamilya actress na si Liza Soberano, 22.

Continue reading below ↓

“No words for these heartless people #ABSCBNFranchise,” post ni Liza sa Twitter.

Mahihinuhang para sa NTC at sa mga kongresistang kontra sa franchise renewal ang tweet ng young actress.

Makalipas ang ilang minuto, muling nagpahayag ng ngitngit si Liza sa mga nangyayari.

Tanong niya, bakit mas pinagtutuunan ng pansin ng gobyerno ang pagpapabagsak sa Kapamilya network kaysa tulungan ang mga apektado ng COVID-19 pandemic?

Continue reading below ↓

Tweet ni Liza (published as is): “How come there’s so much time being spent on bringing ABS-CBN down but little to no time figuring out ways to help our kababayans who are struggling during this pandemic, kasi naka GCQ parin tayo?????”

Ang actress na si Angel Locsin, nag-post sa Instagram ng litrato niya sa harap ng ABS-CBN Communications Center.

Continue reading below ↓

Pag-amin ni Angel, 35, naiiyak na pinahinto niya ang kanyang sasakyan sa harap ng building ng Kapamilya network.

Caption ni Angel: “Kanina pumara ako sa harap ng ABS nung nabalitaan ko ang posibleng pagtigil sa TV Plus at Sky.

“Eto na naman yung pakiramdam na maiiyak ka na lang.

“Sana may option na pwede kang mamili kung saan pupunta ang binabayad mong tax.”

Continue reading below ↓

Nag-aalala para sa ABS-CBN employees ang Magandang Buhay host na si Karla Estrada, 45.

Sinegundahan ni Karla ang tweet ni Senator Sonny Angara tungkol sa usapin.

Sana raw, ayon kay Karla, ay isinaalang-alang ng mga kongresista at ng NTC ang kapakanan ng libu-libong empleyado na mawawalan ng trabaho sa kalagitnaan ng krisis.

Naghihimutok ang tweet ni Karla: “Wala na kapwa kapwa tao?

“Bahala nalang sila sa buhay nila???

“Hindi na iniisip ang mga taong mawawalan ng trabaho na pwedeng magutom ang mga pamilya??

“Baket ngayon pa lahat kailangang gawin ito sa gitna ng crisis...

“KAPWA PILIPINO PINAHIHIRAPAN NINYO.”

Continue reading below ↓

REGINE, ZSA ZSA, SHARON CHOOSE TO PRAY

Tungkol din sa umano’y kawalang-malasakit ng mga nasa gobyerno ang Twitter post ng singer-actress na si Regine Velasquez, 50.

Mababasa sa tweet ng Asia’s Songbird: “Talaga bang bulag pipi at bingi na tayo????

“Anong nangyayari pilipinas kong mahal???”

Tinuldukan ni Regine ang kanyang tweet ng crying face at tatlong heart emojis na ang mga kulay ay sumisimbolo sa logo ng ABS-CBN: pula, berde, at asul.

Continue reading below ↓

Ang 56-year-old singer-actress na si Zsa Zsa Padilla, napaiyak daw sa nabalitaan.

Ipinost niya kahapon sa Instagram ang screenshot ng tweet ng ABS-CBN News tungkol sa dalawang Cease and Desist Order.

Sa caption, ikinuwento ni Zsa Zsa na kagagaling lang niya sa unang taping day para sa Love Thy Woman matapos ang mahigit tatlong buwang quarantine.

Post ni Zsa Zsa: “Hindi ko na talaga mapigilang umiyak.

“Pasensya na.

“Galing ako sa first taping day ko after lockdown.

“Napakaraming pagbabago... at lahat ginagawa namin para maihatid sa inyo ang Love Thy Woman.

“Pero itong balitang ito... napakasakit. Nakapanlulumo.”

Sa huli, ipinagpasa-Diyos na lang ng singer-actress ang lahat.

“Lord Jesus, bigyan nyo po kami ng lakas para ipagpatuloy ang aming trabaho,” dagdag ni Zsa Zsa.

“Gabayan nyo po sana lahat ng kasamahan ko sa Kapamilya Channel.

“Kayo na po ang bahala sa amin. [praying hands emoji]”

Continue reading below ↓

Ni-repost ng Megastar na si Sharon Cuneta, 54, ang Instagram post na ito ng kaibigang si Zsa Zsa.

Tipid na caption ni Sharon: “I am so, so sorry, KAPAMILYA…There are just no words [three praying hands emojis]”

GARY, MARTIN, BIANCA ARE HEARTBROKEN

Pareho namang walang caption ang Instagram posts ng ASAP Natin ‘To pioneers na sina Gary Valenciano, 55, at Martin Nievera, 58.

Continue reading below ↓

Nag-post ang veteran singers ng tatlong heart emojis na pula, berde, at asul, sa black blackground.

Continue reading below ↓

Ang TV host at YouTube creator na si Bianca Gonzalez, 37, sinabing sa TV Plus nakatutok ang mga kasama niya sa bahay simula nang magtigil-operasyon ang Channel 2.

At ngayon nga, wala na ring ABS-CBN TV Plus.

Tweet ni Bianca: “Ang Jeepney TV, Teleradyo, Asianovela channel ang nakakapagbigay saya sa mga tao dito sa bahay magmula nung nawala ang ABS-CBN nung May 5..

“ngayon naman.. ito.. [five broken heart emojis] #IbalikAngABSCBN.”

Continue reading below ↓

Makalipas ang mahigit isang oras, ipinost ni Bianca ang “E52 No Signal” advisory sa screen ng kanilang telebisyon.

Caption ni Bianca: “Yung naramdaman ko nung May 5, naramdaman ko ulit.”

“PURE HARASSMENT”

Samantala, ang broadcast journalist na si Karen Davila, diretsahang sinabing “harassment” ang ginagawa sa kanyang home network.

Ipinost niya sa Twitter ang kopya ng Cease and Desist Order ng NTC laban sa SKY Direct.

Continue reading below ↓

Kinuwestiyon ni Karen, 49, kung bakit ang ibang network ay pinayagang magpatuloy ang operasyon kahit expired na ang prangkisa, pero hindi ganoon ang polisiya para sa ABS-CBN.

“Pure harassment,” tweet ni Karen.

“Bakit po ganon? Ang mga ibang media company pinayagang mag-operate habang dinidinig ang prankisa nila sa kongreso, ang ABSCBN pinatitigil?”

Continue reading below ↓

Ang kapwa Kapamilya broadcaster ni Karen na si Julius Babao, 51, nag-tweet ng quote card.

Ang popular quote ng English writer na si Alan Moore tungkol sa publiko at gobyerno ang ibinahagi ni Julius.

Mababasa sa quote card: “People shouldn’t be afraid of their government. Governments should be afraid of their people.”

Continue reading below ↓

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(L-R) Sharon Cuneta, Regine Velasquez, Angel Locsin, Zsa Zsa Padilla, and Liza Soberano are among the Kapamilya stars who openly said they were sad and disappointed after the National Telecommunications Commission ordered ABS-CBN TV Plus and SKY Direct to cease operations on June 30.
PHOTO/S: @reallysharoncuneta, @reginevalcasid, @therealangellocsin, @zsazsapadilla, @lizasoberano on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results