Bianca King opens up about struggles as freelance artist: “I don’t have a regular paycheck.”

by Bernie V. Franco
Jul 1, 2020
Bianca King as a freelance artist: “I have to give myself jobs to do & hope they yield income.”
PHOTO/S: @bianca_king on Instagram

Patuloy si Bianca King, 35, sa pagdiskubre ng kanyang gustong tahakin sa buhay.

Dahil sa kasalukuyang pandemic ay nagkaroon siya ng mahabang panahon upang makapagnilay-nilay.

Ibinahagi ito ni Bianca sa kanyang Instagram post noong nakaraang linggo.

Kalakip nito ang kinunan niyang larawan ng double rainbow.

Bahagi ng kanyang caption, “A double rainbow supposedly symbolizes transformation and good fortune. The world is definitely going through a transformation.”

Simula noong February 2020, nakabase na si Bianca sa Sydney, Australia.

STRUGGLES AS A FREELANCE ARTIST

Inilahad ni Bianca kung gaano kahirap ang maging isang freelance artist.

Patuloy daw siyang nag-iisip ng maaaring maging livelihood niya, pero hindi raw ito madali.

“I struggled to find motivation during the lockdown.

“As a freelance creative, I don't have a regular paycheck. I don't have a set job to do every day.

“I have to give myself jobs to do & hope they yield income.”

Pag-amin niya, “It can be overwhelming, trying to do too much but not achieving anything.

Continue reading below ↓

“Not being clear with what you're supposed to be doing.”

Sa sumunod na bahagi ng kanyang caption, bakas sa mga salitang ginamit ni Bianca ang pagkakaroon ng personal issues at ang kagustuhan niyang maging productive.

Pinagtutuunan daw niya ng pansin ngayon ang isang malaking proyekto, pero hindi niya tinukoy kung ano ito.

“First, I had to accept when I'm down & be kind to myself.

“Next, I took a productivity course online & learned how to tune out distractions.

“I pared down my extracurricular activities to that one big project that matters the most.

“Now every work hour is spent on working towards the milestones within the project."

Aniya pa, bagamat wala siya sa Pilipinas, hindi daw niya maiwasang hindi mag-alala sa mga kaganapan dito.

“Some days I’m still emotional over my country’s situation & have so much self doubt.”

Sa huli, umaasa raw si Bianca na magkakaroon ng linaw ang lahat sa kanya.

Continue reading below ↓

Sa kasalukuyan, visible si Bianca dahil sa kanyang YouTube videos na karamihan ay may kinalaman sa fitness, wellness, at cooking.

Nagsimula siya sa showbiz noong 2004 sa bakuran ng GMA Network, kung saan nakagawa siya ng maraming acting projects.

Pagsapit ng 2014, lumipat siya sa TV5 at nagtrabaho doon hanggang 2015.

Lumipat siya sa ABS-CBN noong 2017.

Kabilang sa naging proyekto niya sa Kapamilya network ay ang mga teleseryeng Pusong Ligaw (2017-2018) at Halik (2018-2019).

Sa ngayon, wala pang nababanggit si Bianca kung kailan siya babalik ng Pilipinas.

Noong April 2019, ipinost ni Bianca ang sweet photos nila ng kanyang rumored boyfriend na si Ralph Wintle, nakababatang kapatid ni Ben Wintle, ang Australian husband ni Iza Calzado.

Bagamat wala pang kumpirmasyon, may mga recent post si Bianca na kasama niya si Ralph at mahihinuhang may espesyal na namamagitan sa kanila.

Continue reading below ↓

RELATED STORY

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bianca King as a freelance artist: “I have to give myself jobs to do & hope they yield income.”
PHOTO/S: @bianca_king on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results