Erik Matti calls out Liza Diño for alleged lies, oppressive policies of FDCP

by Rachelle Siazon
Jul 2, 2020
Erik Matti on FDCP Chair Liza Diño allegedly imposing rules without proper dialogue with film workers: "How difficult is it to see and feel the present economic situation of not just our industry but the entire country to know that we need help rather than inane restrictions and bureaucratic red tape?"
PHOTO/S: Noel Orsal / @lizadino Instagram

Kinondena ni Erik Matti ang umano'y "restricting" policies at "self-serving" moves ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) na pinamumunuan ni Liza Diño-Seguerra.

Si Liza ay chairman ng FDCP, habang si Erik ay director-producer na co-owner ng film company na Reality Entertainment Inc.

Kaugnay ito ng protesta ng film workers at stakeholders tungkol sa umano'y mapangsikil na mga polisiya na pilit ipinatutupad ng FDCP sa audio-visual industry.

Noong February 7, nag-isyu ang FDCP ng memo tungkol sa working conditions at safety protocols para maproteksiyunan ang audio-visual workers.

Kung susuriin ang memo, makikita rito ang guidelines sa limit ng working hours sa set, overtime pay, 24-hour cancellation pay, at safety protocols sa set.

May multa para sa mga susuway dito.

Noon namang June 7, lumabas ang FDCP memo na naglalaman ng post-ECQ guidelines para sa mga magbabalik-shooting habang laganap pa ang COVID-19.

Sabi rito, kailangan i-register sa FDCP ang lahat ng production shoots pitong araw bago ang actual shooting.

Continue reading below ↓

Sakop dito ang TV, movies, advertising, corporate AVPs, live event productions, animation productions, at online streaming activities.

Sa online activities, kasama sa pinapa-register sa FDCP ang concerts, live shows, variety shows, stage performances, at panel discussions.

May registration form kung saan ilalagay ang contact details ng production company, complete cast and crew, date of shooting, location, call time, at wrap-up time ng proyekto.

Binigyang diin din ng FDCP ang pagpapatupad ng "safe filming program" kunsaan in charge ang film council sa pag-monitor at pag-coordinate sa LGU kung saan ginaganap ang shooting.

Ito ay upang masiguro raw na nagko-comply ang production company sa workplace guidelines ngayong may pandemya.

Umalma si Erik at iba pang industry stakeholders sa umano'y overreach ng FDCP.

Wala umanong awtoridad ang FDCP na magpatupad ng guidelines sa production shoots sa film, TV, advertising, at online platform, lalo pa't may nagawa nang sariling guidelines ang film guilds.

Sa five-part Facebook post ni Erik noong June 29, ipinaliwanag niyang basta na lang umanong kumilos ang FDCP na maglabas ng mga memo, na hindi isinaalang-alang ang opinyon ng karamihan sa audio-visual stakeholders at workers.

Continue reading below ↓

"In the past few months, FDCP has published several guidelines that instead of addressing more pressing issues that need to be focused on in our industry, they outlined new industry practices that will further restrict our business.

"As of this writing, the industry I am referring to that FDCP tries to have control over is not just films anymore.

"FDCP now has listed advertising, TV, theater, live events, etc. So I am not just talking to colleagues of the film industry here but also on all arts, entertainment, and audio-visual industries as well."

NO REAL DIALOGUE, SELECTIVE MEETINGS?

Ni hindi raw dumaan sa maayos na dialogue, kundi "FYI meetings" para diktahan umano ang iilang industry representatives na hindi kokontra sa nais tahakin ng FDCP.

Sa halip na i-encourage ang self-regulation, dagdag pahirap pa raw ang istriktong proseso ng monitoring na nais ng FDCP.

Nakakabahala na nga raw ang sitwasyon na hindi pa rin bukas ang mga sinehan at wala pang kasiguraduhan ang pagbabalik-shooting ng mga nabinbing pelikula dahil sa COVID-19.

Continue reading below ↓

"FDCP is so hell bent on figuring everything out by themselves that any suggestion coming from people working inside the industry seem to just fall on their deaf ears.

"How hard is it to listen to us working on the ground?

"How difficult is it to see and feel the present economic situation of not just our industry but the entire country to know that we need help rather than inane restrictions and bureaucratic red tape?"

Bago pa raw ang ECQ ay nagkaroon ng consultations ang FDCP sa industry stakeholders tulad ng film producers, pero hindi raw napakinggan ang kanilang concerns.

Isa raw ang Reality Entertainment sa film companies na hindi na naimbitahan sa mga sumunod na meetings ng FDCP.

Tingin ni Erik, "But as we have started questioning their reckless governance, we have stopped receiving anything from them."

Pag-alma pa niya, "What kind of government agency handpicks only the ones they want to talk to?

Continue reading below ↓

"It’s not as if we have a super large industry that’s hard to call in on one meeting.

"We are a small industry that can easily be represented in the meetings."

HOT STORIES

"RESTRICTING" POLICIES ON WORKING HOURS

Base sa FDCP memo noong February 7, ang standard working hours ay walong oras at maximum extension ang 16 hours sa set.

Pagpatak ng 12th hour, may overtime pay na 25 percent ng hourly rate. May premium pay rin para sa shooting na tatapat sa holidays at rest days.

Pinaaprubahan ng FDCP ang memo na iyon sa Department of Health (DOH) at Department of Labor and Employment (DOLE), kaya tinawag iyong joint memo circular (JMC).

May rule din na kailangang bayaran ng production ang lahat ng workers nakansela ang shooting 24 hours bago ang actual shoot.

Wala naman daw problema kung kasalanan ng production. Pero tanong ni Erik, paano kung biglaang schedule ng isang aktor ang sanhi ng cancellation?

Continue reading below ↓

Imposible naman daw na pabayaran sa aktor iyon.

Kaya tingin ni Erik, ideal pero hindi realistic ang guidelines sa FDCP memo.

"We are not Hollywood where we contract people for a film and they are locked on that film doing only that project until it is done.

"Here, we may adhere to the 8-hour rule or the 16-hour maximum with overtime pay but when the member of production or actor segues to the next shoot where we don’t know which shooting set he came from and whether he had enough rest, how will the 8-hour work schedule of that next shoot be efficient?

Diin pa ni Erik: "Let us all remember that we don’t pay Hollywood rates here. Pro-labor guidelines are good for all of us if the 3rd world resources can afford a 1st world set-up.

"Hollywood films costing millions of dollars work on a basic 12-hour work schedule per shoot and here we are poor Filipino people demanded by FDCP that we make films on 8-hour work schedules.

Continue reading below ↓

"Where’s the common sense?"

film PRODUCERS' SUGGESTIONS

Ang suggestion daw ng producers, gawing 12 hours ang standard working hours. Payag daw silang magbigay ng OT pay pero may cap para sa workers na maliit ang suweldo.

Para sa mga malalaki ang suweldo tulad ng actors, cinematographers, production designers, bukas daw ang film producers na isarado sa contract negotiation ang salary at OT fees.

Nagulat na lang daw ang grupo ng film producers, ang Philippine Motion Pictures Producers Association (PMPPA), na hindi nag-reflect sa memo ang napagkasunduan umano sa meeting nila kay Liza.

Lahad ni Erik ng Reality Entertainment: "Liza Diño - head of the FDCP, sat in front of the PMPPA and promised to adjust it based on the concerns of all the producers of the film industry but she still went on and released it to the public, unrevised.

"Did FDCP feel outnumbered in that meeting that’s why they acceded and promised to revise it but actually didn’t want to? Or was the FDCP just being insistent on doing things its way?

Continue reading below ↓

"Why can’t FDCP do the JMC with everyone’s concerns addressed within the JMC? Isn’t the JMC meant to work for and be in favor of the film workers and its stakeholders?"

Ang PMPPA ay binubuo ng 22 film companies kabilang ang Star Cinema Production, Regal Entertainment Inc., Viva Communication Inc., Quantum Films Inc., Reality Entertainment, at The IdeaFirst Company.

Kasama rin ang MZET, OctoArts Films, GMA Films, APT Entertainment Inc., ALV Films Inc., Cineko Productions Inc., at Globe Studios Inc.

Pati na rin ang Spring Films Inc., TBA Studios, TREX Entertainment Prods Inc., Slick Pictures, Megavision Integrated Res. Inc., at Ten 17P.

PENALTY AMOUNTING TO PHP100,000

Two weeks ago, inanunsiyo raw ng FDCP sa isang virtual meeting na aabot sa PHP100,000 ang multa kada araw para sa mga susuway sa FDCP memo na may petsang June 7.

Tinatawag din itong Joint Administrative Order, na ipinaapruba ulit ng FDCP sa DOH at DOLE.

Continue reading below ↓

Ito iyong sakop ang mga production shoot para sa TV, movie, advertising, at online platforms.

Pero kinuwestiyon ito ni Erik.

Aniya, "If that announcement of fines in the meeting will be enforced, where did FDCP get this number? Can they actually fine film productions and the like?

"Do they now have police powers? Yes, they have enforcement powers but only within what’s mandated in the Republic Act 9167.

"How much power does FDCP really hold?"

ERIK CALLS OUT FDCP'S ALLEGED LIES

Base pa rin sa Facebook post ni Erik, ilang beses diumanong nagsinungaling ang FDCP kaugnay ng mga memo.

Lumalabas na binigyan umano ng DOLE ng "instant approval" ang February 7 memo ng FDCP dahil sinabi raw ng FDCP na aprubado ito ng producers at ibang stakeholders.

Gayong nagtungo raw ang PMPPA sa DOLE upang ipaalam na tutol ang grupo ng producers sa inisyung memo.

Taliwas sa nakasaad sa FDCP memo noong June 7, nalaman ng PMPPA na walang maitatalagang DOH officer sa film sets.

Continue reading below ↓

Sabi pa raw ng DOH, wala silang sapat na manpower para sa ganoong protocol.

Saad ni Erik, "So what are these lies? Are these lies being dangled in front of us to sow fear and intimidate everyone with FDCP thinking no one will double check this?

"Is this used to assert the authority of FDCP over us so that we just accept and keep quiet? Just like the 100k penalty, are these all enforceable?

"Or were these concocted by some power-hungry, love-needy agency that only wants to encroach on the workers in the film industry?"

NO REGULATORY POWERS

Sa huli, sinabi ni Erik na walang mandato ang FDCP para maging regulatory body.

Hindi raw tamang idinaan ng FDCP sa DOLE at DOH ang mga memo na nais nitong ipatupad sa audio-visual industry.

Sa pagtatanung-tanong daw ng difrector-film producer, nalaman niya na ang FDCP ay nasa ilalim ng Department of Education.

Continue reading below ↓

Sabi pa ni Erik: "FDCP’s mission according to their website is to recognize Filipino artistry in films, promote our country and its talents globally, protect our film cultural heritage, and empower every Filipino through film development and education.

"Nowhere does it say that they can regulate the industry unless maybe a bill is passed giving them that power.

"With or without the pandemic, it’s time we question the mandate of FDCP...

"If and when FDCP shows us that they can regulate us, then we will follow and recognize their authority.

"Until then, can we just self-regulate as an industry without FDCP getting in our way?"

Tugma ito sa statement ng PMPPA na ang DepEd ang may "oversight functions" sa FDCP at hindi DOH o DOLE.

Gayundin ang opinyon ni Presidential spokesperson Harry Roque, na Department of Trade and Industry at DepEd ang may kapangyarihang magpatupad ng guidelines para sa film industry habang quarantine period.

Continue reading below ↓

Ito ang pahayag ni Roque nang tanungin siya hinggil sa protesta ng film workers laban sa FDCP, sa panayam ng ANC kahapon, July 1:

"I had questions about the alleged guidelines that they have issued to govern the resumption of work in the film industry, noting the statute and the executive orders that created the council did not give it regulatory powers."

STATEMENT OF OTHER STAKEHOLDERS

Halos pareho ng sentimyento ni Erik ang official statement ng ibang industry stakeholders tulad ng Film Workers Unite at Concerned Artists of the Philippines.

Noong June 30, sinabi ng Film Workers Unite na "KONSULTA HINDI DIKTA" ang dapat umanong pairalin ng FDCP.

Kinuwestiyon nila kung bakit pati online panel discussions ay kailangang i-register pa sa FDCP.

Sabi rito, "This vague, over-reaching power teeters dangerously close to government control of free speech online."

Continue reading below ↓

Naglabas naman ng art card ang Concerned Artists of the Philippines na nagsasabing "No to Expanded Powers."

Nakakabahala raw na ang June 7 FDCP memo sa panahong may "public unrest" kaugnay ng "press freedom."

Sana raw ay respetuhin ng FDCP ang nabuong post-ECQ guidelines na ginawa ng Inter-Guild Alliance (IGA), na binubuo ng 500 members mula sa iba't ibang sektor ng film industry.

Ang guidelines ng IGA ay suportado rin ng grupo ng producers na PMPPA.

Nagpadala ng mensahe ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Liza Diño ngayong Huwebes ng umaga, July 2, upang kunin ang kanyang panig tungkol sa isyung ito.

Kaagad naming ilalathala ang kanyang tugon kapag natanggap namin ito.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Erik Matti on FDCP Chair Liza Diño allegedly imposing rules without proper dialogue with film workers: "How difficult is it to see and feel the present economic situation of not just our industry but the entire country to know that we need help rather than inane restrictions and bureaucratic red tape?"
PHOTO/S: Noel Orsal / @lizadino Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results