Heart Evangelista says no to politics: “I can help without that kind of power.”

by Jet Hitosis
Jul 1, 2020
Actress-social media influencer Heart Evangelista on July 1 launches BIG Heart PH project. She sold her artwork (left) to buy 550 tablet computers for poor students.
PHOTO/S: @iamhearte on Instagram

Walang plano ang actress-fashion icon na si Heart Evangelista na pasukin ang pulitika.

Ito ang tiniyak ngayong Miyerkules, July 1, ng 35-year-old social media influencer sa isa niyang Twitter follower.

Ipinost ng Twitter user ang litrato ni Heart habang kasama ang isang matandang babaeng Sorsoganon na tumanggap ng wheelchair mula sa provincial government nitong Martes, June 30.

Continue reading below ↓

Ang picture ay mula sa Instagram Stories ng aktres, na kasalukuyang nasa Sorsogon.

Kasal si Heart kay Sorsogon Governor Francis “Chiz” Escudero.

Sa caption, mistulang dasal ang hiling ng Twitter user na sana raw, "heart evangelista wont enter politics”

Sagot ni Heart sa Twitter user, hindi para sa kanya ang pulitika.

Pupuwede naman daw siyang tumulong kahit hindi siya inihalal ng taumbayan, ayon sa aktres.

Tweet ni Heart: “Politics is not for me [praying hands, heart emojis]

“I can help without that kind of power. [heart emoji]”

Continue reading below ↓

CELEBRITIES USE PLATFORM TO HELP OTHERS

Sumang-ayon sa aktres ang mga nagkomento sa kanyang tweet.

Naniniwala rin ang netizens na hindi kailangang may posisyon sa gobyerno ang isang taong gustong tumulong sa kapwa.

Lalo na ngayong may coronavirus pandemic.

Simula noong March, nagkani-kanyang paraan ang celebrities para makatulong sa mga hindi nakakapaghanapbuhay dahil sa enhanced community quarantine (ECQ).

May namigay ng relief goods at food packs.

May namahagi ng personal protective equipment (PPE), face masks, at face shields.

May nagluto para makapag-supply ng pagkain sa frontliners.

At marami ang naglunsad ng online fundraisers para sa mga pinakaapektado ng pandemya.

HEART’S MEDICAL ASSISTANCE, FREE TABLET FOR LEARNERS

Tulad nila, tumulong din si Heart sa frontliners at sa mga hindi makapaghanapbuhay.

Katuwang ang kanyang endorsements, namahagi si Heart ng multivitamins, PPE, at face shields sa frontliners sa Metro Manila at sa mga taga-Sorsogon.

Continue reading below ↓

Bukod dito, binuksan ng aktres ang sariling Twitter account para sa mga nangangailangan ng tulong medikal.

Partikular na inaayudahan ni Heart ang mga ooperahan, nagpapagamot, o walang pambili ng maintenance medicines dahil sa kawalan ng kita o trabaho.

Continue reading below ↓

Nang ianunsiyo ng gobyerno na magpapatupad ng blended/distance learning sa susunod na school year, nangako ang aktres na mamamahagi ng tablet computers sa mahihirap na estudyante.

Upang hindi na pumunta sa eskuwelahan, kailangan ng mga estudyante ng desktop o laptop computers, tablets, at smartphones para magkaroon ng access sa kanilang leksiyon.

Dahil dito, ibinenta ni Heart ang isa niyang artwork upang makabili siya ng 550 tablet computers.

Continue reading below ↓

BIG HEART PH

Para matiyak na mga karapat-dapat na estudyante ang mabigyan ng tablets, inilunsad ni Heart ngayong Miyerkules ang BIG Heart PH project.

"Through this project, we aim to provide students the proper tools they need so they do not stop learning and educating themselves despite the current pandemic situation of our country," saad sa post ni Heart.

Sa pamamagitan ng BIG Heart PH, mayroon nang official Facebook at Instagram accounts kung saan magpapadala ang mga estudyante ng requests para sa tablet computer at free data.

Naglalabu-labo na kasi sa Twitter at Instagram accounts ni Heart ang posts at direct messages ng mga nanghihingi ng medical assistance at ng tablet computers.

Continue reading below ↓

FUNDRAISING AND POLITICS

Sa kabila ng mga kawanggawang ito, sinabi ni Heart na nagi-guilty siya na napakarami pa rin ang hindi niya naaabutan ng tulong.

Limitado lang daw kasi talaga ang kaya niyang gawin.

“It’s very hard kasi may mga cases na more than once kailangan mo silang tulungan,” sinabi ni Heart sa interview sa kanya sa Kapuso Mo Jessica Soho nitong May.

“But people don’t understand na nagtatrabaho po ako.

“Hindi balon iyong aking pera, na… endless.”

Sariling pera ang ginagastos ni Heart sa kanyang charity efforts.

Hindi siya kumakalap ng pondo sa fundraising, tulad ng ginagawa ng ibang celebrities.

Paliwanag ni Heart, hindi magandang gawin iyon ng isang tulad niyang asawa ng isang pulitiko.

“I don’t do fundraising,” ani Heart. “I don’t do that because I just feel it also gets complicated when you’re married to a politician.

“I don’t want it to have color,” paliwanag ni Heart.

Continue reading below ↓

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress-social media influencer Heart Evangelista on July 1 launches BIG Heart PH project. She sold her artwork (left) to buy 550 tablet computers for poor students.
PHOTO/S: @iamhearte on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results