Kapamilya couples with the sweetest "pa-kiss nga" photos

by Rachelle Siazon
Jul 2, 2020
(Counter-clockwise) Daniel Padilla-Kathryn Bernardo, Kim Chiu-Xian Lim, Alex Gonzaga-Mikee Morada, and Luis Manzano-Jessy Mendiola post near-kiss photos photos on Instagram. Apart from Alex and Mikee, who's next to get engaged among them?
PHOTO/S: @supremo_dp / @xianlimm / @senoritajessy / @cathygonzaga Instagram

Tila lalanggamin sa tamis ang Kapamilya couples na super happy sa kanilang relasyon.

Agaw-pansin ang kanilang kilig photos sa Instagram na waring nagsasabing "pa-kiss nga" sa kanilang girlfriend o boyfriend.

Lahat sila ay ilang taon nang magkasintahan, pero going strong hanggang ngayon.

DANIEL PADILLA AND KATHRYN BERNARDO

Una na rito si Daniel Padilla na bihira mag-post sa social media, pero todo-sweet sa latest Instagram photo nila ni Kathryn Bernardo.

Masuyong hinalikan ni Daniel sa pisngi si Kathryn, na matamis ang pagkakangiti sa picture.

Caption ni Daniel sa kanyang post noong June 28, "Stand by Me."

Lovestruck emoji ang sinagot ni Kathryn sa comments section.

Continue reading below ↓

Umaapaw ang pagmamahal ni Daniel para kay Kathryn na gusto niya raw makasama habang-buhay.

Sina Daniel at Kathryn ay nag-celebrate ng kanilang eight anniversary noong May 27.

KIM CHIU AND XIAN LIM

Kilig din si Xian Lim na makapiling ang kanyang girlfriend na si Kim Chiu.

Ipinost ni Xian sa Instagram ang picture nila ni Kim habang sila ay nakasilong sa isang giant umbrella.

Sa litrato, naka-lean si Kim kay Xian at sobrang lapit ng kanilang mukha sa isa't isa.

Hindi malinaw kung nasaan ang magkasintahan.

Pero kamakailan lang ay nagsimula ang lock-in taping para sa ABS-CBN afternoon series na Love Thy Woman. Bida ang tambalang Kim at Xian (KimXi) sa serye.

"Selfie with petunia," simpleng caption ni Xian sa post ngayong Miyerkules, July 2.

Continue reading below ↓

Halos walong taon na silang magkarelasyon kung pagbabasehan ang "first date" nila sa isang out-of-town trip noong 2012.

Noon lamang November 2018 kinumpirma ni Kim sa isang TV interview na boyfriend niya si Xian.

January 2019 naman nang maging bukas si Xian sa pagsasabing nahumaling siya sa sobrang lambing ni Kim.

LUIS MANZANO AND JESSY MENDIOLA

Hindi nagpahuli ang magkasintahang Luis Manzano at Jessy Mendiola sa paghayag ng kanilang pagtatangi sa isa't isa.

Ang sweet nila sa pictures na ibinahagi ni Jessy sa Instagram ngayong Huwebes.

Nakahiga sa lap ni Luis si Jessy habang akmang hahalikan ng binata ang dalaga sa pisngi.

Kuha iyon sa isang beach resort sa Batangas kunsaan nagdiwang ang couple ng kanilang fourth anniversary.

"4 years and counting," caption ni Jessy na matamis ang ngiti sa picture.

Continue reading below ↓

Dati nang naikuwento ni Luis na una silang naging close ni Jessy nang dumalo ang aktres sa kanyang birthday noong April 2016.

Dalawang buwang nanligaw si Luis hanggang sa naging sila noong June 26, 2016.

Parehong close sina Luis at Jessy sa pamilya ng isa't isa.

ALEX GONZAGA AND MIKEE MORADA

Funny pero sweet ang Instagram post ni Alex Gonzaga kunsaan kasama niya ang boyfriend na si Lipa City Councilor Mikee Morada.

Magkatapat ang kanilang mukha at akmang maghahalikan sila. Bigay todo si Alex na kuwelang nakapikit at bahagyang nakanguso pa.

Sa caption, sinabi ni Alex na idol niya si Ariana Grande kaya gusto niyang gayahin ang picture ng sikat na American singer at ng nobyo nito.

"Yung wala nagagawa si Mikee sa mga gusto ko gayahin pic. Swipe to see. Tag na kita @arianagrande," saad ni Alex kalakip ng laughing emojis.


Continue reading below ↓

Nakilala ni Alex si Mikee dahil sa common friend nilang si Piolo Pascual.

Pitong buwang nanligaw si Mikee kay Alex bago siya sinagot ng dalaga noong October 31, 2016.

Engaged na sila ngayon.

Nag-propose si Mikee kay Alex habang namamasyal sila sa 1881 Heritage Hotel sa Hong Kong noong December 27, 2019.

So PEPsters, sino kaya sa celebrity couples na narito, liban kina Alex at Mikee, ang susunod na magiging engaged?

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(Counter-clockwise) Daniel Padilla-Kathryn Bernardo, Kim Chiu-Xian Lim, Alex Gonzaga-Mikee Morada, and Luis Manzano-Jessy Mendiola post near-kiss photos photos on Instagram. Apart from Alex and Mikee, who's next to get engaged among them?
PHOTO/S: @supremo_dp / @xianlimm / @senoritajessy / @cathygonzaga Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results