Jasmine Curtis-Smith told to be wary of joining groups and withdraw support for ABS-CBN

Jul 2, 2020
Kapuso actress Jasmine Curtis-Smith is a member of the newly formed Aktor (League of Filipino Actors), which has taken a critical stand on the ABS-CBN shutdown, the Anti-Terrorism Bill, and the movie production guidelines from the Film Development Council of the Philippines.
PHOTO/S: @jascurtissmith on Instagram

Pinag-iingat ng isang netizen ang aktres na si Jasmine Curtis-Smith sa mga “grupong pinapasukan.”

Ito ay makaraang ianunsiyo ng 26-year-old Filipino-Australian actress na kasapi siya ng bagong samahan ng mga artista sa pelikula at telebisyon, ang Aktor (League of Filipino Actors).

Ang samahan ay pinamumunuan ng Kapuso actor na si Dingdong Dantes, 39.

Magkatrabaho sina Dingdong at Jasmine sa GMA-7 teleseryeng Descendants of the Sun.

Ipinost ni Jasmine sa Instagram nitong Miyerkules ng gabi, July 1, ang official statement ng Aktor.

Naninindigan ang Aktor sa kawalan ng komprehensibong plano ng gobyerno sa malawakang unemployment na dulot ng coronavirus pandemic.

Kinondena rin nito ang apurahang pagpapasa ng Kongreso sa kontrobersiyal na Anti-Terrorism Bill of 2020.

Binatikos ang “kaduda-duda” na pagpapasara ng National Telecommunications Commission (NTC) sa ABS-CBN.

Tinutulan din ng Aktor ang pagtatakda ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ng bagong guidelines sa paggawa ng pelikula at mga teleserye nang walang pasintabi sa InterGuild Alliance.

Continue reading below ↓

JASMINE IS PROUD AKTOR MEMBER

Bakas ang pagmamalaki sa caption ni Jasmine: “Mabuhay, ako ay isang @aktorph PH #AktorPH”

Kalakip ng statement ng Aktor ang listahan ng mga miyembro nito.

Bukod kina Dingdong at Jasmine, kasapi rin ng Aktor sina Agot Isidro, Angelica Panganiban, Cherry Pie Picache, Gabbi Garcia, Glaiza de Castro, Iza Calzado, at Janine Gutierrez.

Continue reading below ↓

Aktor members din ang mga direktor na sina Joel Lamangan, Andoy Ranay, at ang actors na sina Joel Torre, Michael de Mesa, Richard Gutierrez, Gabby Eigenmann, Joem Bascon, Ketchup Eusebio, Khalil Ramos, at Mikoy Morales.

Miyembro rin ng Aktor sina Meryll Soriano, Lauren Young, Angeli Bayani, Carlo Gonzalez, DMs Boongaling, Gabby Padilla, Gio Alvarez, Joel Saracho, Jojit Lorenzo, Marlon Rivera, at Yan Yuzon.

“INGAT SA GRUPONG PINAPASUKAN”

Sa comments section, isang Instagram follower ni Jasmine ang nagbabala sa Kapuso actress.

“Ingat lang po sa mga grupong pinapasukan Maam,” ang sabi ng lalaking netizen.

Kung “puro galit na lng sa gobyerno” ang pinagtutuunan ng isang grupo, posible raw na “hanay na rin ito ng makakabilang grupo.”

Tinutukoy ng netizen ang leftist groups, o progresibong samahan ng mga aktibista.

Ibinigay pang halimbawa ng netizen ang “LFS” o ang League of Filipino Students, ang 42-year-old student movement na itinatag noong panahon ng martial law.

Continue reading below ↓

Ang salitang "League" sa pangalan ng League of Filipino Students at League of Filipino Actors marahil ang pinagbasehan ng netizen sa kanyang pagkukumpara.

Nilinaw naman ng netizen na nagmamalasakit lang siya kay Jasmine.

Hinahangaan daw niya kasi ang pagganap ng aktres bilang Army official sa Descendants of the Sun, ayon sa netizen.

HOT STORIES

AKTOR IS “PARA SA INDUSTRIYA”

Sa reply ni Jasmine, pinabulaanan niya ang hinala ng netizen tungkol sa Aktor.

Ang mga ipinaglalaban ng bagong samahan, ayon kay Jasmine, ay para sa kapakanan ng industriya na pare-pareho nilang kinabibilangan.

Sagot ni Jasmine sa kanyang fan (published as is): “ito ay grupo para sa mga aktor, wag niyo pong bahiran ng kung ano man pang pag-iisip.

“Ito ay para sa amin at ang aming trabaho sa industriya.

“Salamat po!”

Continue reading below ↓

May ilang nagkomento upang kuwestiyunin ang pagsali ni Jasmine sa panawagan laban sa ABS-CBN shutdown.

Bakit daw ba sinusuportahan ni Jasmine ang Kapamilya network gayung talent siya ng GMA-7?

Nahaharap daw sa mga reklamo ang ABS-CBN kaya hindi ito mabigyan ng panibagong prangkisa, giit ng isa pang netizen.

Continue reading below ↓

Ang isa pa, direktang sinabihan si Jasmine na huwag suportahan ang Kapamilya network at pabayaan na lang itng tuluyang magsara.

Hindi na nag-reply si Jasmine sa iba pang nagkomento sa kanyang post.

Si Jasmine ay nakababatang kapatid ng Kapamilya star na si Anne Curtis.

Sa It's Showtime ng ABS-CBN, kung saan host si Anne, unang ipinakilala sa publiko si Jasmine.

Continue reading below ↓

Pero sa TV5 siya pumirma ng kontrata noong 2010.

Lumipat si Jasmine sa GMA noong 2018.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso actress Jasmine Curtis-Smith is a member of the newly formed Aktor (League of Filipino Actors), which has taken a critical stand on the ABS-CBN shutdown, the Anti-Terrorism Bill, and the movie production guidelines from the Film Development Council of the Philippines.
PHOTO/S: @jascurtissmith on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results