Vice Ganda, Kim Chiu, Kathryn Bernardo, other Kapamilya stars urge lawmakers to give ABS-CBN new franchise

by Arniel C. Serato
Jul 3, 2020
Vice Ganda, Kim Chiu, Kathryn Bernardo, Regine Velasquez, and other Kapamilya stars post messages calling for ABS-CBN's franchise renewal.
PHOTO/S: Noel Orsal / Courtesy: Instagram

Umiinit ang usapin tungkol sa ABS-CBN franchise dahil may kumalat na balitang magkakaroon daw ng botohan ngayong araw sa Kongreso, July 3.

Ito ay kahit magkakaroon pa ng hearing tungkol sa prangkisa ng network sa Lunes, July 6.

Kaugnay nito, nanawagan ang Kapamilya celebrities at personalities sa mga miyembro ng House Committee on Legislative Franchises na pakinggan ang kanilang kahilingang mabigyan muli ng prangkisa ang ABS-CBN.

Noong May 4, 2020, natapos ang 25-year legislative franchise ng network.

May 5, nagsara ang ABS-CBN dahil sa cease and desist order mula sa National Telecommunications Commission (NTC).

June 30, ipinatigil ng NTC ang digital broadcast ng mga programa ng ABS-CBN sa ABS-CBN TV Plus sa bisa ng alias cease and desist order.

Pati ang cable operation ng SKY Direct ng Skycable ay ipinatigil din ng NTC dahil napaso na umano ang prangkisa nito.

Narito ang mensahe ng ilang malalaking artista ng ABS-CBN:

VICE GANDA

Sa Instagram post ni Vice Ganda ngayong hapon, nakalagay sa quote card ang mga salitang “ABS-CBN DESERVES A FRANCHISE.”

Continue reading below ↓

Nakalagay sa kanyang caption: “A network of the Filipinos, by the Filipinos and for the Filipinos.”

KIM CHIU

Dalawang larawan din ang ibinahagi ni Kim Chiu sa kanyang Instagram Stories.

Ang una ay kahalintulad sa ibinahagi ni Vice Ganda.

Continue reading below ↓

Ang pangalawa ay larawan ng mga ABS-CBN executives and employees na may nakasulat na "In the service of the Filipino."

KATHRYN BERNARDO

Kapareho rin ng kay Kim ang ipinost ni Kathryn Bernardo sa kanyang Instagram Story.

Nakalagay rito: "In the service of the Filipino."

Continue reading below ↓

ENRIQUE GIL

"God please help our country," sabi naman ni Enrique Gil sa kanyang post.

REGINE VELASQUEZ

Post naman ng Asia's Songbird: "Kahit kailan, kahit saan, tayo ang magkaramay at magkasama. Dahil ano man ang mangyari, tayo ay #ForeverKapamilya."

Continue reading below ↓

OGIE ALCASID

Iniangat naman ni Ogie Alcasid sa Panginoon ang tungkol sa prangkisa ng kanilang home network.

Saad niya, "Lord, we put our trust in you. #purihinkaPanginoon"

MARTIN NIEVERA

Mahaba naman ang mensahe ni Martin Nievera sa Instagram.

Panimula niya, "As we reach the end of this very painful hearing let me just share with you how affected I am.

Continue reading below ↓

"I am not a lawyer nor do I consider myself a smart man. But I am a kapamilya. A proud kapamilya.

"I just don’t understand how anyone could want abs cbn out of the picture completely and not give us a chance to correct our mistakes, right all our wrongs and continue to serve the Filipino people all over the world."

Hinanakit pa niya, bakit daw may mga gustong ipasara ang kanilang istasyon gayong ang layunin lang naman nila ay maghatid ng kasiyahan, inspirasyon, at balita.

Pahayag ng Concert King, "Why would anyone want to stop us from doing what god intended us to do and that is to inform, inspire and entertain.

"We could help all those who unite this country by having us up and running.

"Who would want to stop us from doing good? Who would stop us from wanting to be better?

"If given a new franchise I believe we could prove ourselves worthy and we could show those who believe in us that we can be better and not repeat whatever mistakes we have made in the past.

Continue reading below ↓

"Who would want us to NOT have that chance to self improve and just cut us off?

"Why would anyone want that? Again, I am not a smart man and I may not know all the facts, but I do know that the Philippines will be incomplete without abs cbn and anyone who just wants to pull the plug for whatever reasons is not thinking of the greater good.

"Why would you not want to complete our city of networks by giving abs cbn a new franchise?

"It’s like you took a beautiful picture of our country and deleted one of its well known beautiful historical sights.

"Please help us pray to keep abs cbn so we can prove ourselves worthy of this second chance.

"Please pray those who hold the key to our destiny will think of the greater good and make their decision without anger or spite.

"Let us continue to serve the Filipino people all over the world. We can do better. We can be better. We just need a chance to prove that we can. #kapmilyaforever"

Continue reading below ↓

ZSA ZSA PADILLA

#ForeverKapamilya naman ang kampanya ni Zsa Zsa Padilla.

Nakalagay sa kanyang post: "Kahit kailan, kahit saan, tayo ang magkaramay at magkasama. Dahil ano man ang mangyari, tayo ay #ForeverKapamilya."

Continue reading below ↓

GARY VALENCIANO

Ganito rin ang sinabi ni Gary Valenciano sa kanyang post: "#kapamilyaforever"

KARLA ESTRADA

Nanawagan naman si Karla Estrada sa mga mambabatas na bigyan na ang network ng bagong prangkisa.

Mensahe niya: "MULA SA AMING MGA KASAMAHAN SA TRABAHO SA ILALIM NG ABSCBN AY NANAWAGAN PO SA LAHAT NG MGA BUTIHING CONGGRESISTA NA MAPAGKALOOBAN PO MULI SANA NG PRANGKISA ANG ABSCBN.ALAMG ALAMG NALA LAMANG PO SA LIBO LIBONG MANGGAGAWA NA MAWAWALAN NG TRABAHO.MARAMING SALAMAT PO."

Continue reading below ↓

"In the service of the Filipino," ang nakalagay sa isa pa niyang post.

Continue reading below ↓

MELAI FRANCISCO

"#IbalikangABSCBN at #WeNeedABSCBN" ang panawagan naman ni Melai Cantiveros.

JOLINA MAGDANGAL

"#IbalikAngAbsCbn" ang mensahe naman ni Jolina Magdangal.

Continue reading below ↓

AMY PEREZ

Dasal din ang ibinahagi ni Amy Perez:

"Rejoice in hope, be patient in tribulation, be constant in prayer. - Romans 12:12

"Praying for us all."

CHERRY PIE PICACHE

Pakiusap sa mga kongresista at dasal din ang laman ng post ni Cherry Pie Picache.

Nakalagay sa kanyang caption: "Today and tom is the first Friday and Saturday dedicated to the Sacred Heart of Jesus and Immaculate Heart of Mary.

Continue reading below ↓

"Let us storm heaven with prayers para maibalik po ang prangkisa ng ABS-CBN.
Sa aming mga Kongresista, sana po mahanap ninyo sa inyong mga puso at isaalang alang ang libo libong mamamayan na mawawalan ng trabaho at ang serbisyo, kontribusyon na kailangan lalo na ngayong nasa gitna tayo ng pandemya.

"Sana po sabay sabay tayo at sama samang magdasal, ipaalam at ikalat ang ating kahilingan at karapatan."

Continue reading below ↓

JAKE CUENCA

Medyo may galit naman ang post ni Jake Cuenca.

Pinuna niya ang gobyerno dahil sa tila kagustuhan nitong isara ang network.

Saad niya, "Mahal ko po ang ABS-CBN. This company has been my home network for 13 years. It has recognized my talent, believed in it when only a few people did, gave it not just a chance but a home.

"It is a home and livelihood to me, my 11071 co-employees and families. ABS-CBN has been a part of millions of Filipino households for over 50 years through its news, entertainment and charity works.

"Despite the threat of it’s closure, it still has managed to help Filipinos in need these past months, as it always has. This is why its fate has become nothing short of a national issue.

"As such, it has also become a distraction from what should be undivided focus and efforts towards survival and eventual recovery from the devastating COVID pandemic."

Continue reading below ↓

Hindi rin niya mapigilang punahin ang cease and desist order galing sa NTC.

Dagdag niya, "Worse, the implementation of the cease and desist orders issued by the authorities (who were appointed, not elected) in particular added to the agony and uncertainty that ABS-CBN employees have been experiencing together with all Filipinos around the world.

"ABS- CBN is not perfect, but neither is it broken beyond repair. It promises to fix and reform its past shortcomings and I can attest they have already been trying to do so these past years.

"The livelihood of 11,071 Filipinos and their families is at stake. To our congress who holds our fate in your hands, I humbly ask you to grant ABS-CBN its franchise. I believe ABS-CBN deserves it.

"No matter what, I stand with ABS-CBN as it has stood by me all these years. This is our home, the home of 11,071 hardworking tax paying filipinos who cherish and love their jobs. Ipinagmamalaki ko pong ako ay isang Kapamilya, sa hirap man o sa ginhawa. Laban, Kapamilya! #labankapamilya #ibalikangabscbn"

Continue reading below ↓

VHONG NAVARRO

Sabi naman ni Vhong Navarro, "Isang mahigpit na yakap."

Continue reading below ↓

ALEX DIAZ

Wala man daw siyang kontrata sa ABS-CBN, nanawagan pa rin si Alex Diaz na bigyan ng Kongreso ang ABS-CBN ng panibagong prangkisa.

Sabi niya, "Karapat dapat ma-renew ang franchise ng ABS-CBN. Hindi dapat mawalang ng kabuhayan ang 11K na empleyado, lalo na’t nasa gitna tayo ng pandemya.

"Sanction ABSCBN for corresponding violations if there’s any pero yung isasara ang buong ABSCBN sa gitna ng palpak na response ng Gobyerno sa pandemyang hinaharap natin? Mali na to.

"Unjust display of power na to. Wala akong kontrata sa ABSCBN, hindi buwan-buwan ang sahod ko sa ABSCBN bilang isang non-contract artist at sa totoo lang natatakot ako para sa #ElevenThousand na mga empleyado na maaring magutom because of what is about to happen, now that is terrorism. #IbalikAngABSCBN"

Continue reading below ↓

SUNSHINE CRUZ

Taimtim na dasal naman ang ibinahagi ni Sunshine Cruz sa kanyang Facebook account.

Sabi ng aktres, "Father God, we lift up to you ABS CBN as we face the 11th hearing for our franchise. Please give our leaders the courage to carry on the fight and please give the congressmen the desire to vote for what is according to Your plans. We pray for the providence for our workers, families, friends and supporters.

"We pray for your favor, Father God and may we be given another chance to serve the Filipino people.

"All these we pray, in the name of Jesus! Amen!"

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda, Kim Chiu, Kathryn Bernardo, Regine Velasquez, and other Kapamilya stars post messages calling for ABS-CBN's franchise renewal.
PHOTO/S: Noel Orsal / Courtesy: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results