Angel Aquino: “I am against the killing of ABS-CBN."

by Bernie V. Franco
Jul 4, 2020
Angel Aquino Ang Probinsyano
Angel Aquino: "Despite the shut down and the bullying in congress and the penalties and the insults and humiliation, my home station is trying to stand its ground while it bleeds..." (In photo) Angel (left) and Coco Martin (right photo, center) and other cast of FPJ's Ang Probinsyano.
PHOTO/S: @imangelaquino and @johnprats on Instagram

The show must go on.

Madamdamin ang mensaheng ipinost ni Angel Aquino, 47, kaugnay ng pagre-resume nila ng taping ng FPJ’s Ang Probinsyano.

Ito ay sa kabila ng wala pang kasiguraduhan sa kapalaran ng ABS-CBN ngayong dinidinig pa rin sa Kongreso ang franchise renewal ng network.

Ayon kay Angel, dalawang linggo na ang nakalilipas nang mag-resume ang taping ng Kapamilya top-rating primetime series na pinagbibidahan ni Coco Martin.

May go-signal na ang TV productions na mag-resume sa trabaho.

Pero mahigpit silang binibilinan na sundin ang health and safety guidelines.

Nakaamba pa rin kasi ang panganib ng pandemya kahit general community quarantine na ang ipinaiiral.

Ito ang “new normal” ng entertainment industry.

Ani Angel, naka-locked-in ang cast, staff, and crew ng Ang Probinsyano sa pagre-resume ng kanilang taping.

Mahigpit daw nilang sinusunod ang safety measures upang matiyak ang kaligtasan ng buong team.

“I am currently on a locked-in taping for Probinsyano,” bungad ni Angel sa kanyang Instagram post nitong Biyernes, July 3.

Continue reading below ↓

“It’s been 2 weeks since we’ve resumed and we’re the first in the industry to go back to work, testing the new normal.”

Nag-a-adjust pa raw sila pagdating sa safety protocol, pero tiniyak ng aktres na ginagawa nila ang lahat ng pag-iingat.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

“There isn’t any manual yet for how this is gonna go, we’re making the rules along the way.

“But one thing was made sure by ABS, that they will do everything to keep us all safe so that after this test run, we can come home to our families healthy and safe to hug.

“Hence the lock-in and I can tell it costs a lot.”

HOT STORIES

BACK TO TAPING

Bumalik ang airing ng FPJ’s Ang Probinsyano noon lamang June 15, matapos maantala ang regular programming ng ABS-CBN bunsod ng COVID-19 crisis simula noong Marso.

Mga replays ng recent episodes muna ang ipinalabas, kasabay ng pag-resume ng taping para makapagbangko ng succeeding episodes.

Continue reading below ↓

Pero simula nang magbalik sa pag-ere ang Ang Probinsyano, limitado ang channels kung saan mapapanood ito at iba pang mga programa ng ABS-CBN.

Dahil ito sa cease-and-desist order ng National Telecommunications Commission (NTC) noong May 5, isang araw matapos mag-expire ang prangkisa ng network.

Gayunpaman, inilunsad ng ABS-CBN ang Kapamilya Channel, kung saan pansamantalang mapapanood ang kanilang mga programa habang sarado ang free TV channel nito.

Ang Kapamilya Channel ay napapanood sa Sky Cable Channel 8 (SD) at Channel 167 (HD), Cable Link Channel 8, at GSAT Direct TV Channel.

Kabilang na rin dito ang TV Plus na tinatawag ding “mahiwagang black box.”

May streaming din ng mga shows ng ABS-CBN via iWant app, YouTube, at social media accounts.

ANGEL LAMENTS THE “KILLING” OF ABS-CBN

Pero muling napilayan ang ABS-CBN nito lamang June 30.

Nabawasan muli ang channels ng Kapamilya programs dahil naglabas ang NTC ng alias cease-and-desist order laban sa TV Plus at sa satellite cable channel na Sky Direct ng ABS-CBN.

Continue reading below ↓

Sa kabila nito, hindi naitago ni Angel ang pagiging proud sa kanyang home network.

Tuloy pa rin sila sa pagti-taping.

Pagmamalaki ni Angel, “ABS was the only one brave enough to try the new normal.

“To get the wheels of the industry slowly running again and prove that we are an essential industry.”

Madamdamin ang sumunod niyang mga pahayag.

“Despite the shut down and the bullying in congress and the penalties and the insults and humiliation, my home station is trying to stand its ground while it bleeds;

“still trying to provide work for as many of us that it can accommodate;

“still trying to provide entertainment and information to anyone that it can possibly reach even after almost all its existing ‘channels’ have been cut off.

“Because that is ABS CBN.”

Dugtong ng aktres, “It is not perfect, it is built on grounds of economics and business, but it is also built on service and family. it is one of the foundations of and probably the biggest machinery in our industry.”

Continue reading below ↓

Deklara pa ni Angel: “I am against the killing of ABS-CBN. It’s injustice to the network and disservice to the people.

“God knows. The universe sees. Life executes.”

Hindi pa rin nakakamit ng TV network ang hinahangad na franchise renewal simula nang mag-expire ang prangkisa nito noong Mayo.

May 11 proposed bills para sa renewal ng lisensiya ng network, pero nakabinbin pa rin ang mga ito sa Kamara.

Taong 2014 pa nang simulang idulog ng ABS-CBN sa Kongreso ang pagpapa-renew ng kanilang prangkisa.

Inabutan na sila ng franchise expiration, naghihintay pa rin ang television network.

Pinupuna ngayon ng publiko ang legislative body dahil mistulang iniipit ang pagbibigay ng franchise renewal sa ABS-CBN.

Sa Lunes, July 6, inaasahan ang botohan ng 46 kongresista na magdedetermina sa magiging kapalaran ng ABS-CBN.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angel Aquino: "Despite the shut down and the bullying in congress and the penalties and the insults and humiliation, my home station is trying to stand its ground while it bleeds..." (In photo) Angel (left) and Coco Martin (right photo, center) and other cast of FPJ's Ang Probinsyano.
PHOTO/S: @imangelaquino and @johnprats on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results