Deputy Speaker Marcoleta on ABS-CBN: “Wala na sigurong puwang para bigyan pa sila ng panibagong prangkisa.”

by Arniel C. Serato
Jul 4, 2020
Deputy Speaker and SAGIP Party List Representative Rodante Marcoleta is apparently personally angry with ABS-CBN personalities and supporters: "Sino ba sila? Na ang isang institusyon kagaya ng Kongreso, isa sa tatlong bahagi na ng ating pamahalaan, pi-pressure-rin nila?"
PHOTO/S: Screenshot from Pugad Bloggers / Jerome Ascano

Mabibigyan ba ng bagong prangkisa ang ABS-CBN?

Kung si Deputy Speaker at SAGIP Partylist Representative Rodante Marcoleta ang tatanungin, isang malaking hindi.

Sa panayam sa mambabatas sa live episode ng Pugad Bloggers ng DZRJ kagabi, July 3, sinabi nito kung bakit hindi karapat-dapat makakuha ng bagong prangkisa mula sa Kongreso ang Kapamilya network.

Sa nasabing episode, tinanong siya ng hosts na sina Mark Lopez at Fiscal Darwin Cañete kung ano ang mga kadahilanan.

Muling inulit ni Marcoleta ang mga pahayag niya sa pagdinig sa Kongreso tungkol sa franchise renewal ng ABS-CBN.

Aniya, “Nahahati talaga sa tatlo, e.

“Unang-una, nilabag nila yung mahigpit na tuntunin ng Saligang Batas.

“Pangalawa, nilabag nila ang mga batas na may kinalaman sa pagpapatakbo nila ng prangkisa—yung mga labor laws, taxation laws, naging partisan sila, sa nilabag na maraming Comelec [Commission on Election] laws.

“Pagkatapos, ang sarili nilang prangkisa, ay nilabag din nila."

Idinamay ni Marcoleta ang buong Kongreso sa pagsasabing, “Kaya sa palagay namin, wala na sigurong puwang para bigyan pa sila ng panibagong prangkisa.

Continue reading below ↓

“Ibibigay na lang ito…dun sa mga taong deserving, magsisilbi talaga sa ating mamamayan. At hindi tayo paiikutin kahit kailan.”

Sa loob ng labing-isang araw na pagdinig sa Kongreso, maraming usapin ang tinalakay at inungkat tungkol sa ABS-CBN.

Kabilang dito ang citizenship ng may-ari ng network na si Gabby Lopez III, ang labor practices, ang diumano'y hindi tamang pagbabayad ng buwis, ang paggamit ng Philippine Depositary Receipts (PDRs), at ang tungkol sa digital operations ng network gamit ang prangkisa ng AMCARA Broadcasting Network kahit bawal umano ito sa batas.

"Usufruct" pa nga ang term na ginamit ng mga mambabatas sa ginawang ito ng ABS-CBN.

Ang usufruct ay ang tuluyang paggamit ng ibang mga pasilidad na parang ikaw na mismo ang nagmamay-ari at umaani ng ganansiya.

PRESSURE?

Kahapon, July 3, kumalat ang espekulasyong baka magkaroon na ng botohan sa Kongreso ukol sa prangkisa ng ABS-CBN.

Kasunod nito ang malawakang social media campaign ng Kapamilya stars and personalities, kung saan pinakalat nila ang email address ng mga miyembro ng Committee on Legislative Franchises.

Continue reading below ↓

Layon nilang kalampagin ng kanilang supporters ang mga mambabatas upang bigyan ang network ng panibagong franchise.

May nagsasabi ring pagdating ng Lunes, July 6, baka raw i-railroad o madaliin ang botohan pabor sa istasyon.

Tanong ni Congressman Marcoleta, “Sinong magri-railroad? Sila?”

Nakarating din daw sa kanyang kaalaman ang mga panawagan ng mga supporters ng ABS-CBN.

“Nanawagan nga sila. Mga bangko, kanilang mga advertising companies.

“Oo, alam ko. Ito ay katibayan lamang na talagang natataranta na ang ABS-CBN. Kumbaga, last-ditch effort.

“Kaya lang, ang ating mga mamamayan ang pinaglilingkuran, hindi lamang ako kundi mga kasama ko sa Kongreso.”

Hindi rin daw ito makatarungan at bawal na bawal sa Saligang Batas.

Saad ng mambabatas, “Palagay ko, kapag nagpa-pressure sila, lantad naman sa taong bayan ang ginawa ng ABS-CBN.

“Maaaring magkaroon ng pananagutan ang mga kasama namin kapagka sila’y nagpa-pressure sa kanila. Kapagka kami, pinaikutan nila at kung halimbawa ito'y... itong pressure-pressure na ginawa nila, ito lang ay labag na sa batas ito, e.”

Continue reading below ↓

Giit ni Marcoleta na tila personal na ang galit, “Sino ba sila? Na ang isang institusyon kagaya ng Kongreso, isa sa tatlong bahagi na ng ating pamahalaan, pi-pressure-rin nila?

“Palagay ko, nakatuon naman ang ating mga kababayan dito.”

Ang lahat ng mga paratang laban sa ABS-CBN ay sinagot na ng mga executives ng network at pinabulaanan din maging ng ilang ahensiya ng gobyerno.

May 4, napaso ang prangkisa ng ABS-CBN.

May 5, ipinatigil ang operasyon ng TV at radio stations ng network saa buong bansa dahil sa cease and desist order ng National Telecommunications Commission (NTC).

Hindi kaila sa mamamayan na ang simula at katapusan ng problema sa prangkisa ng ABS-CBN ay ang galit sa Kapamilya network ni mismong Pangulong Rodrigo Duterte.

Hindi rin kaila sa taumbayan na ang Lower House, gaya ng Upper House—bagama't tinatawag na independent branch of government—ay kasalukuyang dominado ng legislators na pro-Duterte.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Deputy Speaker and SAGIP Party List Representative Rodante Marcoleta is apparently personally angry with ABS-CBN personalities and supporters: "Sino ba sila? Na ang isang institusyon kagaya ng Kongreso, isa sa tatlong bahagi na ng ating pamahalaan, pi-pressure-rin nila?"
PHOTO/S: Screenshot from Pugad Bloggers / Jerome Ascano
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results