Karla Estrada, Jolina Magdangal, Melai Cantiveros light candles for ABS-CBN franchise renewal

by Arniel C. Serato
Jul 4, 2020
Magandang Buhay hosts Melai Cantiveros, Karla Estrada, and Jolina Magdangal visit ABS-CBN premises to pray for its franchise renewal.
PHOTO/S: Courtesy: @karlaestrada1121 on Instagram

Nagtirik ng kandila ang Magandang Buhay hosts na sina Karla Estrada, Melai Cantiveros, at Jolina Magdangal sa bakuran ng ABS-CBN.

Ito ay upang ipagdasal na bigyan ng Kongreso ng panibagong prangkisa ang ABS-CBN.

Sa mga larawang ibinahagi nila sa Instagram kagabi, July 3, makikita ang tatlo sa compound ng ABS-CBN kung saan kita ang transmitter ng network.

Continue reading below ↓

Makikita ring nakapaikot sila sa mga kandilang kanilang sinindihan—na itinayo nilang hugis krus—habang nagdadasal.

KARLA ESTRADA

Kung walang aberyang mangyayari, magkakaroon ng botohan sa Kongreso sa susunod na linggo tungkol sa prangkisa ng network.

Malalaman kung pagbibigyan o ibabasura ito ng ng mga mambabatas.

Sa kanyang caption, sinabi ni Karla na itinataas na niya ang kapalaran ng ABS-CBN sa Panginoon.

Continue reading below ↓

Ito ay alang-alang din sa mga manggagawa at talents ng network.

Mensahe ni Karla, “AMING ALAY NA PAGDARASAL PARA SA PANGKALAHATAN NA NAHIHIRAPAN SA BUHAY SA MGA PANAHONG ITO.

"AT MATAIMTIM NA DASAL PARA SA KAPWA NAMING MGA EMPLEADO NG ABSCBN.

"PANGINOON KAYO NA PO ANG BAHALA, KAYO PO PANGINOONG DIYOS ANG HIGIT NA MAKAPANGYARIHAN SA LAHAT."

Continue reading below ↓

HOT STORIES

JOLINA MAGDANGAL

Dasal din ni Jolina na makabalik ang ABS-CBN.

Sabi niya sa kanyang post: “Isang mataimtim na dasal para sa aming mahal na ABS-CBN #IbalikAngAbsCbn

MELAI CANTIVEROS

Panalangin naman ni Melai sa Diyos na dinggin ang kanilang hiling na panibagong prangkisa ng Kapamilya network.

Sana rin daw ay gabayan ang mga kongresista sa kanilang magiging desisyon.

Continue reading below ↓

Ang bread and butter daw kasi nila ay ang trabahong bigay ng istasyon, kung saan sila nakakabili ng bugas (bigas) at sud-an (ulam).

Ani Melai, “Lord kami ay kumakatok sa inyung damdamin at ang aming dalangin ay pabigyan, Na Sana po ay gabayan nyu ang aming mga kongresista na sa pagdesisyun sa aming bread and butter, bugas sud an (ABSCBNFranchise)"

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Magandang Buhay hosts Melai Cantiveros, Karla Estrada, and Jolina Magdangal visit ABS-CBN premises to pray for its franchise renewal.
PHOTO/S: Courtesy: @karlaestrada1121 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results