Lea Salonga to ABS-CBN President Carlo Katigbak: “Whatever happens, I lift you up and support you.”

by Jet Hitosis
Jul 6, 2020
International singer Lea Salonga (left) on ABS-CBN President-CEO Carlo Katigbak (right): “This is the kind of leader I resonate with, the kind of leader I follow, the kind of leader I aspire to be.”
PHOTO/S: Lea Salonga on Facebook, ABS-CBN News

Buo ang suporta ng international singer na si Lea Salonga kay ABS-CBN President-Chief Executive Officer (CEO) Carlo Katigbak.

Ito ay sa gitna ng kawalang katiyakan kung mabibigyan ng panibagong 25-year legislative franchise ang Kapamilya network.

Idinaan ni Lea, 49, sa Twitter ang pagdedeklara niya ng suporta para kay Katigbak, 50, nitong Linggo, July 5.

Nag-tweet ang music icon ng quote card ni Katigbak.

Ang quote ay bahagi ng apela ng ABS-CBN top honcho sa harap ng mga kongresista nitong June 29 na bigyan ng “due process” ang network sa pagdinig sa franchise renewal nito.

Kaugnay ito ng pagkuwestiyon ng mga kongresista sa National Telecommunications Commission (NTC) kung bakit umeere pa rin ang ABS-CBN TV Plus gayung bahagi ito ng napasong prangkisa ng network.

May 5, 2020 nang nag-expire ang franchise to broadcast ng network.

Mababasa sa quote card ni Katigbak: “We are willing to submit to the judgment of the regulatory agency but we are asking for due process.”

Continue reading below ↓

Nang araw na iyon, nagtigil-operasyon din ang TV Plus at ang SKY Direct, ang satellite cable service ng SKY Cable.

“GRACE” UNDER PRESSURE

Sa tweet ni Lea, nagpahayag siya ng paghanga at respeto sa “grace” na ipinamamalas ni Katigbak sa kalagitnaan ng krisis.

Ayon kay Lea, sa iilang pagkakataong nakaharap niya ang pinakamataas na opisyal ng ABS-CBN, lagi raw itong kalmado at nakangiti.

Mababasa sa tweet ni Lea: “I can vouch for this man’s grace.

“In the few times that I’ve met him, he’s been nothing but filled with grace and calm, and always with a smile on his face.”

Continue reading below ↓

HOT STORIES

“THE KIND OF LEADER I ASPIRE TO BE”

Sa kabila ng pangamba ni Lea na hindi pumabor sa ABS-CBN ang resulta ng pagdinig ng Kamara para sa prangkisa ng network, alam daw niyang mananatiling mababang-loob si Katigbak bilang isang leader.

Si Katigbak daw kasi, ayon kay Lea, ang klase ng pinuno na irerespeto at pipiliin niyang tularan.

Saad sa post ni Lea: “As much as I fear that things won’t go the way of ABS-CBN, this much I know:

“...He will continue to lead without acting the bully or throwing his weight around.”

“This is the kind of leader I resonate with, the kind of leader I follow, the kind of leader I aspire to be.”

Sa huli, may mensahe si Lea kay Katigbak: “Whatever happens, Carlo, I lift you up and support you.”

Continue reading below ↓

Itinakda ngayong Lunes, July 6, ang huling araw ng pagdinig ng Kamara sa ABS-CBN franchise renewal.

Inaasahang ngayong linggo ay pagbobotohan na ng House Committee on Legislative Franchises kung aaprubahan ang panibagong prangkisa para sa pinakamalaking media conglomerate ng bansa.

Isa si Lea sa iilang Kapamilya stars na napapanood pa rin sa Kapamilya Channel, sa pamamagitan ng The Voice Teens.

Nagsisilbing coach si Lea sa contestants ng Pinoy version ng reality singing competition simula noong 2013.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
International singer Lea Salonga (left) on ABS-CBN President-CEO Carlo Katigbak (right): “This is the kind of leader I resonate with, the kind of leader I follow, the kind of leader I aspire to be.”
PHOTO/S: Lea Salonga on Facebook, ABS-CBN News
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results