Korina Sanchez, Karen Davila, Ces Drilon, Ging Reyes defend ABS-CBN News against "bias" accusations

by Arniel C. Serato
Jul 6, 2020
ABS-CBN's journalists (from left) Korina Sanchez, Karen Davila, Ces Drilon, and news head Ging Reyes assert that their news organization is independent and fair in its reportage.
PHOTO/S: Courtesy: Instagram

Ipinagtanggol ng mga beteranang mamamahayag ng ABS-CBN News ang kanilang organisasyon laban sa akusasyong biased umano ito sa pagbabalita.

Ngayong araw, July 6, nag-post sa kani-kanilang Instagram accounts sina Korina Sanchez, Karen Davila, at Ces Drilon ng kanilang pananaw tungkol sa akusasyong ito.

Kaugnay ito sa pagharap ni Ging Reyes sa hearing ng ABS-CBN franchise ngayong araw.

Si Ging ang head ng News and Current Affairs division ng Kapamilya network.

Sa pagdinig ay inakusahan ng mga mambabatas ang ABS-CBN News ng pagiging biased.

KORINA SANCHEZ

Sa kanyang post, inalmahan ni Korina, 55, ang hakbang na ito ng Kongreso.

Ayon sa veteran broadcaster, naging "zarzuela" na ang pagdinig ng Kongreso sa prangkisa ng ABS-CBN.

Humarap daw ang mga namumuno ng ABS-CBN News and Entertainment sa commitee on legislative franchises upang sagutin ang marami pang katanungan "on imagined violations."

Diin ng Rated K host, “Yes, imagined.

“Kase, FACTUALLY, WALA PANG NAPAPATUNAYAN NA VIOLATIONS ANG ABSCBN ON EVERYTHING THROWN AT THE NETWORK regarding operations and dues to government and people and employees, since this zarzuela started.

“This is FACT.”

Continue reading below ↓

Sabi pa ni Korina, panatag ang loob niyang masasagot ni Ging ang mga akusasyon laban sa News department ng ABS-CBN.

Dagdag niya, “And we stand behind the ABSCBN News and Current Affairs Group in proving we all stayed within disciplined objectivity.

“Go, ABSCBN!”

May mensahe rin si Korina sa mga mambabatas na kabahagi ng komite:

“To all Congressmen in the Committee voting on this: more than the pork barrel you think you need from the Executive, more than your palakasan system—— hoping you try to think about what is RIGHT and how your names will forever be etched in historic infamy, kasama pa ang mga anak at apo ninyo na dala ang pangalan ninyo, if you decide against what is RIGHT."

Continue reading below ↓

KAREN DAVILA

Sabi naman ni Karen Davila, 49, ang trabaho ng mga journalists na katulad niya ay ang maglabas ng katotohanan.

Mandato rin daw nilang mapanagot ang mga lumabag sa batas.

Pahayag ng Bandila anchor, “We are the men and women of ABSCBN News & Current Affairs.

“Journalism’s job is to speak truth to power.

“To hold power accountable.

“Today, our head of News & Current Affairs Ging Reyes faces congress.”

Ayon pa sa kanya, lahat daw ng administrasyong nagdaan ay laging hindi masaya sa kanilang klase ng pagbabalita.

Pero ito raw ay bahagi ng kanilang sinumpaang tungkulin bilang mga mamamahayag.

Saad niya, “No administration was completely happy with our reportage.

“I became a journalist in 1993 when FVR was in power and from Erap, GMA, PNoy and now PRRD—all have either felt crossed with an investigative report, expose or a scathing radio commentary we have done.

“But that’s par for the course. That’s part of the job.

Continue reading below ↓

“The relationship between politicians and the press is meant to be uncomfortable.”

Giit ni Karen, sa kanyang karera bilang journalist, sinikap niyang maging patas at hindi nagpapatinag at nagpapatakot.

Sabi niya, “In all my years of doing documentaries for The Correspondents, radio commentaries on DZMM Pasada 630 and interviewing on ANC Headstart, I have tried to be fearless and fair.

“It does come with the price of being bashed and trolled. But that comes with the job, so I roll with the punches.

“I have had good days and bad days and have had my own share of mistakes."

Pero makakaharap daw siya kahit kaninong pulitiko nang may malinis na konsensiya dahil hindi siya naging "corrupted" sa kanyang pagiging journalist.

Saad niya, “But in all my years, I have never corrupted myself in the position ABSCBN has entrusted me with.

“I can face any politician with a clear conscience.

“The power and advantages of a free press far outweigh the discomfort of a few.

Continue reading below ↓

“Yes, there are other sources of news but why limit the choices of the Filipino people? A democracy encourages all voices, even one that disagrees with your own.

“My convictions remain firm but I rest humbly in the Lord and lift everything into His hands.

#july62020 #renewabscbnfranchise #ibalikangabscbn #istandinfaith #istandwithabscbn

Continue reading below ↓

HOT STORIES

CES DRILON

Ayon naman kay dating Bandila host Ces Drilon, 58, nagsusumikap silang makapagbalita nang tama.

Sabi niya, “We strive to speak truth to power.

“As journalists, our job is to hold the powerful accountable.”

Katulad ni Karen, sinabi rin ni Ces na lahat ng administrasyon ay hindi naging masaya sa lahat ng kanilang reporting.

Pero sa panahon lamang daw ni dating Pangulong Ferdinand Marcos at ni Pangulong Rodrigo Duterte napasara ang ABS-CBN.

Sabi pa niya, “It’s not an easy task and no administration was ever happy with our reportage, from Macapagal to Marcos to Cory to FVR, Erap, GMA, PNoy and Duterte.

“But only the Marcos and Duterte administrations shut us down.

“Yesterday marked the second month since we’ve been off the air. Are we still living in a democracy?

“Make your voices known if you want to keep democracy alive.”

Si Ces ang kasalukuyang Content Acquisition Head ng ABS-CBN Lifestyle Ecosystem Group.

Continue reading below ↓

GING REYES

Sa pagharap ni Ging Reyes sa Congress hearing, nanindigan siyang hindi naging biased ang ABS-CBN News sa kanilang mga istorya.

Ayon sa kanyang pahayag na ipinadala ng ABS-CBN: “Every reporter, writer, producer, anchor, every editor, in the newsroom knows that what we do is not just a job.

Continue reading below ↓

"It is a response to a call to tell the truth and work for a cause greater than ourselves.”

Pero katulad ng ibang news organizations, meron pa ring puwedeng ituwid sa kanilang kumpanya.

Saad niya, “Pero tulad ng ibang bahagi ng aming kumpanya, hindi kami perpekto—wala pong news organization na perpekto.

"Sa kabila ng mga pag-iingat at pagbabantay ay inaamin po namin na nagkakamali rin po kami.

"Gayunpaman, agad din po kaming umaaksyon para itama ang mali.”

Dagdag pa ni Ging, "Just like those in government, journalists and the news media operate as trustees of the public.

"As such, our first loyalty is to citizens, and our primary obligation is to the truth.

"We know that as we hold power to account, we ourselves are accountable to the public we serve.”

Dahil sa pansamantalang pagsasara ng ABS-CBN, nawalan daw ang maraming Pilipino ng platform upang makakuha ng impormasyon at balita.

Continue reading below ↓

Aniya, “The shutdown has deprived more than 69 million Filipinos of the kind of information analysis and commentary and public service provided by ABS-CBN News.

"It has cut off our reach such that two out of three viewers are unable to watch our news programs.”

At press time, nagpapatuloy sa pagtatanong ang mga mambabatas sa representatives ng ABS-CBN tungkol sa pagiging biased diumano ng istasyon.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ABS-CBN's journalists (from left) Korina Sanchez, Karen Davila, Ces Drilon, and news head Ging Reyes assert that their news organization is independent and fair in its reportage.
PHOTO/S: Courtesy: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results