Atom Araullo points out why ABS-CBN franchise renewal is a "press freedom issue"

by Rachelle Siazon
Jul 6, 2020
Kapuso TV journalist Atom Araullo adds his voice to journalists lambasting Congressman Mike Defensor for saying that ABS-CBN broadcasting should be limited to non-news shows.
PHOTO/S: Noel Orsal / @jeffcanoy Instagram

Lakas-loob na sinabi ng Kapuso TV journalist na si Atom Araullo na ang panggigisa sa ABS-CBN hinggil sa franchise renewal ay may kinalaman sa isyu ng malayang pamamahayag.

Home network ni Atom sa loob ng 13 taon ang ABS-CBN bago siya lumipat sa GMA-7 noong September 2017.

Sa GMA-7, mayroon siyang programang The Atom Araullo Specials na umeere isang beses kada buwan.

Sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic, may ilang buwan din siyang humalili bilang isa sa news anchors ng 24 Oras, ang primetime newscast ng Kapuso network.

Ngayong Lunes ng gabi, July 7, hindi napigilan ni Atom mag-react sa news report ng GMA News Online na may titulong "NUJP blasts Rep. Defensor over call on ABS-CBN to limit broadcast to non-news shows."

Ang NUJP ay ang National Union of Journalists of the Philippines

Maiksi pero malaman ang tweet ni Atom.

Sang-ayon siya sa NUJP na patunay na "press freedom issue" ang panggigipit sa ABS-CBN, base sa pahayag ni Anakalusugan Partylist Representative Mike Defensor.

Continue reading below ↓

Tweet ni Atom, "If this isn’t a clear indication that ABS-CBN’s franchise woes is a press freedom issue, I don’t know what is."

Dagdag niya, "Let’s refresh Representative Defensor’s memory."


MIKE DEFENSOR'S POSITION

Kalakip ng tweets ni Atom ang link sa GMA News report kunsaan quoted ang opinyon ni Defensor na dapat daw "tanggalin" ang news and public affairs ng ABS-CBN dahil sa "one-sided" reports nito.

Continue reading below ↓

Tingin daw ni Defensor ay nakakaapekto ito sa pagdinig ng Kongreso sa hinihiling na franchise renewal ng ABS-CBN.

Si Defensor ang vice chairman ng good government committee sa Kongreso, at kabilang siya sa mga kongresistang tumatalakay sa mga isyung ibinabato sa ABS-CBN.

Pero hindi kasama ang komite niya sa 46 congressmen na may hawak sa kapalaran ng ABS-CBN franchise.

"Personal ko 'to. Kung ako, kunyari tanggalin mo muna iyong news and public affairs.

"Kasi baka ma-influence ang committee, hindi para ma-curtail ang press freedom.”

Wala raw problema sa "non-political" shows na umeere sa ABS-CBN.

Dagdag niya, "Pabayaan mo iyong shows na non-political.

"Katulad nung reklamo nung isang kasama ko, naka-air na naman sila, tinira si ganito, tumira si ganyan, o one-sided iyong paglabas ng issue.

"Iyong news ang nagiging problem as of now."

NUJP SLAMS MIKE DEFENSOR

Ayon sa ulat ng GMA News Online noong June 29, binatikos ng NUJP ang pahayag ni Defensor na may problema sa news reportage ng ABS-CBN.

Continue reading below ↓

Pagsikil daw ito sa malayang pamamahayag.

Bahagi ng statement ng NUJP:

“Thank you, party-list Rep. Mike Defensor for confirming what practically everyone knows but which this government and its minions have vainly tried to deny — that the shutdown of ABS-CBN and the circus that has become of the House hearings into the network's franchise are, indeed, a press freedom issue."

Paalala ng NUJP, ang pag-ere sa "news" sa mga TV at radio station ay mahalagang "watchdog component" upang masiguro na may "accountability" at "good governance" sa private at public sectors.

“It becomes increasingly clear that putting the squeeze on ABS-CBN is aimed at emasculating the media by holding up the network as an example of the fate that could await other outfits that insist on being true to their watchdog role and maintaining their independence."

Sa huli, nanawagan ang NUJP na suportahan ng taumbayan ang "critical and independent Filipino media" sa ngalan ng demokrasya at karapatang pantao ng bawat Pilipino.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso TV journalist Atom Araullo adds his voice to journalists lambasting Congressman Mike Defensor for saying that ABS-CBN broadcasting should be limited to non-news shows.
PHOTO/S: Noel Orsal / @jeffcanoy Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results