Kapamilya stars thank Daryl Ong for supporting network that cut ties with him

by Bernie V. Franco
Jul 6, 2020
Daryl Ong: "Extending prayers for friends, former co-workers/co-artists in ABS-CBN. my journey with them may have ended but my friendship and love for them will always be here with me."
PHOTO/S: @imdarylong on Instagram

Bagamat hindi na siya isang Kapamilya, nagpahayag pa rin ng pakikisimpatiya si Daryl Ong sa mga dating kasamahan sa ABS-CBN.

Ayon sa 33-anyos na singer, kahit putol na ang koneksiyon niya sa ABS-CBN, patuloy ang malasakit niya para sa mga kaibigan doon.

Sa kanyang Instagram account ngayong Lunes, July 6, ipinahayag ni Daryl ang pakikiisa para sa fellow singers sa ABS-CBN.

Umaasa rin siyang mapabuti ang kalagayan ng mga dating kasamahan sa pagsubok na pinagdadaanan ng kanilang home network.

Caption ni Daryl: “Extending prayers for friends, former co-workers/co-artists in ABS-CBN. my journey with them may have ended but my friendship and love for them will always be here with me.

“I pray and hope for nothing but the best for everyone especially in this time of pandemic.

“God bless us all.”

Kalakip ng kanyang post ang painted red heart-shape image sa itim na background.

Continue reading below ↓

KAPAMILYAS LIKE DARYL'S POST

Nagpasalamat naman si Gary Valenciano sa pakikiisa pa rin sa kanila ni Daryl.

Ang post ni Daryl ay ni-like ng kanyang mga kaibigang Kapamilya singers at celebs, kagaya nina Kyla, Erik Santos, at Vice Ganda.

Continue reading below ↓

Si Daryl ay naging semifinalist ng singing search ng ABS-CBN, ang The Voice Philippines, noong 2014.

Siya rin ang naging boses ng theme songs na ginamit sa maraming ABS-CBN teleseryes kagaya ng On The Wings of Love (2015-2016), Bridges of Love (2015), at ang ongoin na FPJ's Ang Probinsyano.

HOT STORIES

DARYL ONG ALLEGEDLY BANNED FROM ABS-CBN

Noong June 15, naging usap-usapan ang pagbubunyag ni Daryl na banned umano siya sa Kapamilya network.

Continue reading below ↓

Ginawa ni Daryl ang pag-amin sa pamamagitan ng isang YouTube video.

Kuwento niya, isang Kapamilya big boss ang nag-utos ng ban matapos marinig ang audio recording ng pag-uusap ni Daryl at ng kapwa Kapamilya singers na sina Bugoy Drilon at Michael “Khel” Pangilinan.

Pinag-uusapan ng tatlong singers ang pagkalap ng one million signatures ng National Union Journalists of the Philippines (NUJP), sa loob ng isang buwan, para manawagan sa renewal ng ABS-CBN franchise.

Patapos na raw ang itinakdang deadline, pero nasa 200,000 pa lamang noon ang naiipong signatures.

Ganito raw ang binitawang salita ni Daryl: “Naku, malabo na 'yan, mahirap na 'yan. Kalaban pa man din nila ang gobyerno. Si Presidente ba naman ang kalaban. So, malabo na 'yan.”

Hindi raw alam nina Daryl na isang di-kilalang lalaking kasama nila noon ay inirere-record pala ang kanilang usapan.

Nagkataong kilala raw ng lalaki ang isang big boss ng ABS-CBN, at ipinadala ang private conversation.

Continue reading below ↓

Tila ang dating ay walang utang na loob at walang malasakit si Daryl sa pinagdadaanan ng home network.

Ani Daryl, nadamay rin sa ban si Bugoy kahit wala naman itong sinabing masama sa conversation.

Sinikap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na kunan ng reaksiyon ang kampo ng ABS-CBN sa kainitan ng isyung ito, pero hindi kami nakatanggap ng sagot.

Samantala, patuloy pa rin ang panawagan ng ABS-CBN sa Kongreso na mabigyan ito ng panibagong 25-year franchise.

Dalawang buwan na ang nakalilipas mula nang mag-expire ang prangkisa ng network.

Mula noon, hindi na umeere ang free channel nito.

Sunud-sunod at tuluy-tuloy ang posts sa social media ng ABS-CBN stars and employees na hindi nawawalan ng pag-asang mari-renew ang prangkisa ng kanilang network.

Inaasahan namang makapagdedesisyon na ang Kongreso sa loob ng linggong ito kung mabibigyan ng bagong prangkisa ang ABS-CBN.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Daryl Ong: "Extending prayers for friends, former co-workers/co-artists in ABS-CBN. my journey with them may have ended but my friendship and love for them will always be here with me."
PHOTO/S: @imdarylong on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results