John Manalo recounts encounter with holdupper: "Natutukan din ako."

by Bernie V. Franco
Jul 7, 2020
Former child star John Manalo recounts recent experience of a holdupper pointing gun at him. “Ganon pala feeling pag narinig mo yung kasa ng baril."
PHOTO/S: @manalojohn on Instagram

Tinutukan ng baril ang ABS-CBN actor na si John Manalo, 24, habang bumibili ng lechon manok.

Ikinuwento ng dating child star ang kanyang karanasan sa sunud-sunod na tweets noong Biyernes, July 3.

Lahad niya (published as is), “Bumibili ako ng baliwag sa concepcion tapos biglang na hold up yung store.

“Tinutukan ng baril yung nagtatadtad ng liempo at manok ko.

“Natutukan din ako.

“Sobrang bilis ng pangyayari.

“Di ko alam rereact ko nung una.

“Nahihiya lang ako kasi nakita sigurong tumatakbo ako sa CCTV.”

Continue reading below ↓

Naaalala pa ni John ang mga kilos ng suspek nang maganap ang panunutok.

“Ganon pala feeling pag narinig mo yung kasa ng baril.

“Sobrang kalmado lang nung holdaper."

Bagamat lubos siyang natakot sa pangyayari, sinabi ni John na wala namang naiulat na nasaktan sa insidente dahil rumesponde agad ang mga pulis.

“Buti naman safe lahat. Buti nalang may mga authorities na nag roronda.”

Bilang panghuli, tiniyak ni John sa mga nag-aalala na walang masamang nangyari sa kanya.

“Guys, sa mga nag tatanong safe naman kaming lahat.

“May mga rumespondeng mga authorities agad.

“Walang nasaktan.

“Hassle lang kasi sobrang nag ccrave talaga ako sa baliwag lechon at chicken.”

Si John ay homegrown talent ng Star Magic, ang talent-management arm ng ABS-CBN.

Continue reading below ↓

Naging regular member siya ng dating Kapamilya kiddie gag show na Goin’ Bulilit, kung saan nakasama niya sina Kathryn Bernardo at Julia Montes.

Siya ang naging kapareha ni Julia sa ABS-CBN teleseryeng Mara Clara noong 2010-2011.

Isa rin siya sa lead cast ng dating youth-oriented teenage show na LUV U (2014).

Kabilang sa mga pinakahuling nilabasan niyang programa ay ang All of Me (2015) at FPJ’s Ang Probinsyano (2019).

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Former child star John Manalo recounts recent experience of a holdupper pointing gun at him. “Ganon pala feeling pag narinig mo yung kasa ng baril."
PHOTO/S: @manalojohn on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results