ABS-CBN personalities thank GMA News anchors, reporters for showing support

by Bernie V. Franco
Jul 7, 2020
GMA News and Public affairs anchors and reporters take to Twitter to show support for colleagues from ABS-CBN. Among them are (L-R) Raffy Tima, Sandra Aguinaldo, Ivan Mayrina, and Lyn Ching.
PHOTO/S: Facebook (Raffy Tima, Sandra Aguinalod, Ivan Mayrina, and Lyn Ching)

Respeto at suporta.

Ito ang ipinaabot na mensahe ng GMA News reporters at anchors para sa mga kasamahan nilang mamamahayag sa ABS-CBN.

Bagamat maituturing na magkatunggali ang news and public affairs department ng dalawang leading networks ng bansa, nagsusuportahan sila sa panahon ng pangangailangan.

Ito ang pinatunayan nina Ivan Mayrina, Raffy Tima, Sandra Aguinaldo, Lyn Ching, at iba pang GMA News and Public Affairs personalities.

Buong-puso nilang ipinahayag ang kanilang respeto at simpatiya sa pinagdadaanan ng mga kasamamang reporters mula sa Kapamilya Network.

Sa hinaharap na hamon ngayon ng ABS-CBN kaugnay ng kanilang franchise, ang news department ng GMA-7 ang nagsisilbing frontliner sa patuloy na pagbabalita.

RAFFY TIMA

Nitong Lunes, July 6, ipinost ng GMA News senior reporter na si Raffy Tima ang larawan ng 720-feet transmitter ng ABS-CBN.

Caption ni Raffy (published as is): “Respeto at suporta sa aking mga kapya mamamahayag. Naway patuloy namin kayong makasama sa pagbabalita.”

Continue reading below ↓

Napansin naman ito ang Kapamilya news anchors, reporters, at hosts.

Kabilang sa nagpasalamat kay Raffy sina Ces Drilon, Bianca Gonzalez, Mike Navallo, Jacque Manabat, Doland Castro, Sherrie Ann Torres, Zen Hernandez, at Jeff Canoy.

Pahabol pang tweet ni Raffy sa mga taga-Kapamilya: “Kapit lang!”

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

IVAN MAYRINA

Ito naman ang tweet ng Unang Hirit host na si Ivan Mayrina: “Respeto at pakikiisa, mga kasamang taga Mother Ignacia.”

Ang kalsada ng Mother Ignacia ang lokasyon ang ABS-CBN.

Nagpasalamat naman kay Ivan ang dating GMA News reporter na si Sherrie Ann Torres at ang ABS-CBN News reporter na si Jacque Manabat.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Si Ivan ay senior reporter ng GMA News at reliever news anchor ng Kapuso news program gaya ng 24 Oras.

SANDRA AGUINALDO, sTEVE DAILISAN, AND LYN CHING

Ramdam naman sa tweet ni Sandra Aguinaldo ang pakikisimpatiya niya sa mga kasamahan at kaibigan mula sa ABS-CBN.

“This Kapuso is thinking of her Kapamilya friends,” tweet ni Sandra, GMA News senior reporter.

Maging ang former Kapuso reporter na si Steve Dailisan ay nagpaabot ng “mahigpit na yakap” sa mga dating kasamahang reporters mula sa ABS-CBN.

Continue reading below ↓

May Twitter activities din ang Unang Hirit host na si Lyn Ching na nakikiisa sa ABS-CBN.

Nakipagpalitan din siya ng mensahe sa ABS-CBN sports reporter na si Gretchen Ho.

Ni-retweet din niya ang mga sentimyento ng Kapamilya hosts at reporters na may kinalaman sa sitwasyon ng kanilang network ngayon.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Una nang nagpakita ng suporta via Twitter ang Stand For Truth host na si Atom Araullo sa mga kasamahang mamamahayag sa ABS-CBN.

Dating reporter at host si Atom sa ABS-CBN bago lumipat sa GMA-7 noong 2017.

Ngayong linggo ay inaasahang magbobotohan na ang 46 members ng House legislative franchises committee na siyang magdidikta ng kapalaran ng ABS-CBN.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
GMA News and Public affairs anchors and reporters take to Twitter to show support for colleagues from ABS-CBN. Among them are (L-R) Raffy Tima, Sandra Aguinaldo, Ivan Mayrina, and Lyn Ching.
PHOTO/S: Facebook (Raffy Tima, Sandra Aguinalod, Ivan Mayrina, and Lyn Ching)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results