Willie Revillame forgives Super Tekla years after sudden exit from Wowowin

by Rachelle Siazon
Jul 7, 2020
Willie Revillame (left) on Super Tekla's decision to leave Wowowin without formal notice: "Wala kang narinig sa akin, 'Yan si Tekla, walang utang na loob.' Bakit? Lagi ko iniisip sa sarili ko, kailangan niyo siguro 'yan."
PHOTO/S: Screengrab from Wowowin

Sa unang pagkakataon, inamin ni Willie Revillame na sumama ang loob niya noong panahong siya raw ang sinisi sa biglaang pagkawala ni Super Tekla sa Wowowin.

"Para alam na ng tao. Si Tekla, ang galing, mabait... Nawawala lang bigla, hindi nagpaalam, hindi namin alam," bungad ni Willie.

Ang Wowowin ang blocktimer variety show na ipinapalabas sa GMA-7.

June 2017 nang kumalat ang haka-hakang tinanggal si Super Tekla bilang co-host sa Wowowin dahil sa kawalan umano nito ng disiplina sa sarili na nakaapekto sa trabaho nito.

Makalipas ang dalawang linggo na hindi siya napapanood sa show, inanunsiyo ni Super Tekla na tapos na ang "journey" niya sa Wowowin.

Idinaan niya ito sa kanyang mahabang Facebook post noong July 6 at Facebook Live video noong July 7, 2017.

Sa halip na malinawan ang Wowowin viewers, nag-iwan ng malaking katanungan ang pahayag niya na, “WALA AKONG HINANAKIT SA PUSO KO BAGKOS LUBOS AKONG NAGPAPASALAMAT KAY KUYA WIL."

Continue reading below ↓

Walang dahilang binanggit si Super Tekla kung nagkaroon ba sila ng hidwaan ni Willie, at tikom din ang bibig ni Willie sa isyu.

HOT STORIES

no FORMAL RESIGNATION

Hanggang sa nitong July 3, 2020, nagkaharap ang dalawa sa Wowowin.

Pahayag ni Willie: "Para malaman niyo ang totoo, there was a time bina-bash niyo ako, pero hindi ako nagsasalita, hindi ako kumikibo.

"'Ganyan naman si Willie, pag ayaw na yung co-host, iniiwan, inaalis na.'

"Wala ho akong tinanggal na co-host na kasalanan ko. Lagi hong may rason—nawawala sila, umaalis, nag-a-abroad."

Sa kaso ni Super Tekla, nilinaw ni Willie na hindi niya ito sinisante sa trabaho.

Balik-tanaw ni Willie: "There was a time, nagte-taping kami, wala si Tekla, nagsisimula na kami.

"And then, nalaman ko natutulog. Nung pagkatulog niya, sabi ko, 'Pagpahingahin niyo, baka puyat.'

"Nung hinahanap namin, umuwi na daw. So, para malaman niyo yung totoo."

Mula noong araw na iyon, sinabihan daw ni Willie ang kanyang staff na hayaan na lang muna si Super Tekla.

Continue reading below ↓

Hindi malinaw kung kinontak ba si Super Tekla tungkol sa hindi nito pagsipot sa taping.

Pero nagulat na lang daw si Willie nang malaman niyang wala nang balak si Super Tekla na bumalik sa Wowowin.

"Hindi ko siya tinatanggal, ha. Siya ho nagsimula sa Facebook na nagpaalam siya sa amin nang hindi formal.

"Isipin niyo, nagpaalam sa amin sa Facebook nang hindi namin nakakausap. Bigla na lang nawala."

Direktang tanong ni Willie kay Super Tekla, "Hindi ba, yun ang totoo?"

Sagot ni Super Tekla, "Yes, Kuya."

August 2016 nang unang lumabas si Super Tekla bilang contestant sa "Wheel of Fortune" segment ng Wowowin.

Ayon kay Willie, ang isa pang Wowowin co-host na si Donita Nose ang nag-suggest na subukan ang talento sa comedy ni Super Tekla.

Kinalaunan ay nakilala ang tambalan nina Super Tekla at Donita Nose na "DonEkla" sa show.

super tekla LOOKs FOR BETTER OPPORTUNITIES

Sa salaysay ni Super Tekla, dumating daw sa puntong gusto niyang lumaya para makahanap ng better opportunities.

Continue reading below ↓

"Hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na makausap ka nang personal," nahihiyang paliwanag ni Super Tekla.

"May gusto akong gawin Kuya, e. Pakiramdam ko, di ako maggro-grow sa poder mo. So I tried na mag-explore sa ganung ano...

"And then, pinangako ko sa sarili ko, na hinding-hindi ko sisirain... Or na makikita mo one day, naglalakad, nanghihingi, namamalimos. Hindi.

"I have a plan, Kuya. Gusto ko mag-level up ba para ma-try yung other side ko."

Aminado si Super Tekla na maling umalis siya nang hindi sila nagkakausap ni Willie.

Sabi ng 38-year-old comedian: "I admit that, Kuya. May mga pasya tayo sa buhay na akala natin tama, yun pala hindi.

"Pero may kaakibat palang leksyon at aral sa mga pasya mo minsan na mali, na hindi mo naman puwedeng i-consider na mali talaga.

"Dun mo matututunan yung mga aral, yung mga desisyon na yun.

"Sa mga points na yun, pinanghihinayang ko naman."

Continue reading below ↓

willie NO ILL WILL against tekla

Nagsentimyento si Willie na kahit nabastusan siya sa biglaang pag-alis ni Super Tekla, hindi raw niya hinarang ang pag-manage ng GMA Artist Center sa career ni Super Tekla.

Ang GMA Artist Center ang talent-management arm ng Kapuso network.

Sabi ng 59 years old na si Willie: "Alam mo Tekla, sa totoo lang, kung masama akong tao...

"Tinawagan ako ng GMA Artists, 'Okay lang ba na tanggapin namin si Tekla?'

"Puwede ko sabihin, 'Huwag niyo tanggapin 'yan. Binastos ako niyan.'

"Pero hindi ko ginawa yun. Alam mo kung bakit? Hindi ako ganung klaseng tao, e. Gusto ko lahat kayo umasenso sa pamamaraan na gusto niyong gawin."

Hindi rin daw kinompronta ni Willie si Super Tekla.

"Pero wala kang narinig sa akin, not even a single word.

"Wala kang narinig sa akin, 'Yan si Tekla, walang utang na loob.'

"Bakit? Lagi ko naman kayo iniintindi. Lagi ko iniisip sa sarili ko, kailangan niyo siguro 'yan."

Continue reading below ↓

Bilang pinuno ng Wowowin, ang hiling lang naman daw ni Willie sa kanyang mga katrabaho ay "be professional" at pahalagahan ang "means of living" para sa ikagaganda ng kanilang buhay.

Sa kabila ng lahat, na-appreciate daw ni Willie ang pagpapakumbaba ni Super Tekla.

Balik-Wowowin na rin si Super Tekla.

Sabi ni Willie, "Anyway, ang importante, yung pagpapakumababa, e.

"Nandito ka na, you're back. And siyempre, welcome back, Tekla!"

Madamdamin naman ang pasasalamat ni Super Tekla.

"Though kinakabahan ako, this is the right time na magpakumbaba.

"Thank you so much. Alam kong bukal ang puso mo na tulungan mo ako.

"Kailangan ko humarap kay Kuya kasi matutulungan ako nito, and laking dugtong sa buhay ni Angelo."

FOR THE LOVE OF BABY ANGELo

Hindi naman napigilang mapaluha ni Super Tekla nang ikuwento niya ang hirap na pinagdadaanan at pag-aalala sa health condition ng kanyang anak na si Baby Angelo.

Si Super Tekla ay kilalang Romeo Librada sa tunay na buhay.

Continue reading below ↓

Isinilang ng girlfriend ni Super Tekla si Baby Angelo, noong June 22, na may anorectal malformation o walang butas ang puwet nito.

Aminadong kapos sa pera si Super Tekla sa medical operation at hospitalization para gumaling si Baby Angelo.

Sikat si Super Tekla sa Kapuso weekly variety show na The Boobay and Tekla Show. Pero panay replay pa ang ipinapalabas sa show dala ng COVID-19 pandemic.

Saad ng comedian, "Nung una, matigas pa ang puso ko, 'Sige, kaya ko 'to. Mareresolba ko 'to.

"Ayaw kong sumurrender sa Kanya. Nung na-realize ko na wala akong choice... Nung time na walang wala ka nang magagawa, you have to surrender everything.

"Sabi ko, 'Tulungan Mo ako.'"

Taimtim na nagdasal si Super Tekla, at isa nga raw sa mga naisip niyang tutulong sa kanya ay Willie.

Hindi raw siya nito binigo.

Pangako naman ni Wilie: "Tutulungan kita. Pagdasal mo na sana lumaban ang bata. Huwag kang mag-alala, makakaraos 'yan.

Continue reading below ↓

"Hindi lang naman pera, e. Prayers.

"Eto yung time na you're down, nandito yung mga taong nakasama mo dati."

Sabi pa ni Willie hinggil sa samaan ng loob nila dati, "Kalimutan mo na yun. Dapat lagi may forgiveness ang puso."

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Willie Revillame (left) on Super Tekla's decision to leave Wowowin without formal notice: "Wala kang narinig sa akin, 'Yan si Tekla, walang utang na loob.' Bakit? Lagi ko iniisip sa sarili ko, kailangan niyo siguro 'yan."
PHOTO/S: Screengrab from Wowowin
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results