Sunshine Cruz bans sexual predators from her Facebook page

by Arniel C. Serato
Jul 7, 2020
Sunshine Cruz on nasty comments on her swimsuit photos with daughters: "Wearing shorts or a swimsuit is not a crime. If these guys are uncomfortable, they can unsee it or unfollow.”
PHOTO/S: Hans Fausto

Pinaglaanan ng oras ni Sunshine Cruz, 42, ang pagba-block ng mga tinatawag niyang “sexual predators” sa kanyang official Facebook page.

Sobrang bastos at laswa kasi ang mga komento ng karamihan tungkol sa larawan niya at ng tatlong anak na babae na sina Angelina (18), Samantha (15), at Chesca (14) na naka-swimsuit.

Pero bago niya i-block, ini-screenshot daw muna ito ng Love Thy Woman actress.

Post niya sa kanyang official Facebook page na Sunshine Cruz: “Enjoy din naman palang mang-BAN, block and delete.

“Nagkalat ang 'sexual predators' online.

“Parang ngayon lang nakakita ng mga babae.

“Ako po ang nahihiya para sa mga magulang nyo.

“You guys know who you are.

“I am saving those messages before banning you.

“You’ve been warned.”

Paalala ni Sunshine, hindi lamang siya ang administrator ng kanyang Facebook page kundi may access din dito ang mga abugado niya at talent management.

Sabi niya, “My lawyers and management are also admins of this page.

Continue reading below ↓

“Remember, you have relatives na mga babae din.

“THIS PAGE IS OPEN FOR PEOPLE WHO KNOW HOW TO RESPECT WOMEN. HINDI PARA SA MGA SEXUAL PREDATORS O MANYAK.

“If you have nothing good to say, keep it to yourself.”

“MGA BABOY AT MANYAK”

Sa kanya namang personal Facebook account na Sunshine Braden Cruz, inihayag ng aktres ang pagkadismaya sa mga taong nilalagyan ng malisya ang pagsusuot nilang mag-ina ng swimsuit at shorts habang nagsu-swimming.

Sabi niya, “Nagkalat ang sexual predators sa social media lalo na dito sa Facebook.

"Check out my public page Sunshine Cruz.

“Sad na ginagawang rason ng mga manyak na ito na naka swimsuit or shorts daw kami.

“Do not blame women for the choice of clothes they wear.”

Paalala pa niya sa netizens, walang pinipiling kausotan ang mga bastos na tao.

“Believe me kahit nakabalot o gown pa kami sa beach may mga bastos pa din.

"Never blame women rather blame yourself dahil kahit pinagaral kayo ng mga magulang mo, lumaki parin kayong bastos at manyak..

"Andito sa comment section ang mga baboy at manyak.”

Continue reading below ↓

Isinama ni Sunshine dito ang link ng Facebook post niya noong June 28.

HOT STORIES

THE FACEBOOK POST

Noong June 28, nag-post si Sunshine sa kanyang Facebook page ng larawan niya kasama ang tatlong anak na sina Angelina, Samantha, at Chesca.

Nakababad silang apat sa isang malaking inflatable pool sa loob ng kanilang bakuran.

Nakalagay sa kanyang caption: “Ang aking mga prinsesa..I love you all so much!”

Continue reading below ↓

Sa ngayon, meron na itong 58K likes, 4.4K comments, at 45K shares.

"WEARING SHORTS OR A SWIMSUIT IS NOT A CRIME"

Sa pakikipag-usap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Sunshine ngayong Martes ng hapon, July 7, sinabi nitong may mga bastos na mga lalaking nagkomento sa post niya na hindi talaga katanggap-tanggap.

Hindi raw niya kinaya ang sobrang pagiging manyakis ng karamihan sa mga ito.

May nagpadala pa raw ng mga larawan ng kanilang ari.

Saad ni Sunshine, "Kaloka, di ba? E, wala naman akong oras mag react pa at busy ako.

"Alam ko naman na prone ang mga artista sa ganyan pero wag naman magpadala ng mga pics ng ari o mambastos ng ganyan kasi gawain na ng manyak yan."

Paala niya sa netizens, kung ayaw nilang makakita na mga babaeng naka-shorts at naka-swimsuit, i-unfollow na lang ang kanyang account.

Aniya, “Alam ko naman na naglipana ang trolls/bashers and even sexual predators.

Continue reading below ↓

"I do get these kinds of comments kahit pa naka gown kami but It just makes me sad na during this crisis mas dumami sila.

"Wearing shorts or a swimsuit is not a crime.

"If these guys are uncomfortable, they can unsee it or unfollow.”

Sa ngayon, wala pang sinabi si Sunshine kung ano ang susunod niyang hakbang laban sa mga sexual predators.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sunshine Cruz on nasty comments on her swimsuit photos with daughters: "Wearing shorts or a swimsuit is not a crime. If these guys are uncomfortable, they can unsee it or unfollow.”
PHOTO/S: Hans Fausto
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results