Former ABS-CBN stars Glaiza de Castro, Mark Bautista, Christian Bautista post support for Kapamilya network

by Bernie V. Franco
Jul 7, 2020
Kapuso celebrities Mark Bautista, Glaiza de Castro, and Christian Bautista air support for Kapamilya network, which is now hoping for a franchise renewal. Mark, Glaiza, and Christian began their showbiz careers in ABS-CBN.
PHOTO/S: @iammarkbautista, @glaizaredux, and @xtianbautista on Instagram

“Hindi na ito labanan ng mga istasyon, laban to ng mga Pilipino.”

Bahagi ito ng tweet ng GMA-7 actress na si Glaiza de Castro, 33.

Ang tweet ng aktres ay malinaw na patungkol sa panawagan ng ABS-CBN Network na ma-renew ang prangkisa nito.

“Dasal, kapit, akap,” karugtong pang tweet ni Glaiza nitong Lunes, July 6.

Continue reading below ↓

Bagamat highly identified si Glaiza bilang Kapuso, mas nauna siyang maging artist ng ABS-CBN.

Kabilang siya sa Star Magic Batch 11. Batchmates niya sina Maja Salvador, Pia Wurtzbach, at Nikki Gil.

Ka-batch din niya sina Pauleen Luna at Rayver Cruz, na pareho na ring nasa GMA-7.

Kabilang sa mga proyektong ginawa ni Glaiza sa ABS-CBN ay ang Berks (2002), Spirits (2004), Habang May Buhay (2004), at Ikaw ang Lahat sa Akin (2005).

Lumipat siya sa GMA-7 noong 2006.

MARK BAUTISTA

Nagpakita rin ng suporta ang singer na si Mark Bautista, 36, para sa mga kaibigan sa ABS-CBN.

Tweet ni Mark kahapon: “Praying for my fellow artists at this very trying time..”

Ipinost din ito ni Mark sa kanyang Instagram Story.

Continue reading below ↓

Mula 2004 hanggang 2010 ay nagtrabaho si Mark sa ABS-CBN. Naging mainstay siya noon sa ASAP, ang Kapamilya Sunday musical-variety show.

Lumipat siya sa GMA-7 noong 2010.

CHRISTIAN BAUTISTA

Bagamat simple, may bakas ng pagsuporta si Christian Bautista sa ABS-CBN sa social media.

Kahapon, ipinromote ng 38-anyos na Kapuso singer ang kanyang bagong kanta sa Instagram Story.

Continue reading below ↓

Ang tanging caption ni Christian ay ang titulo ng kanyang single na “Kapit,” at sinundan ng pitong heart emojis.

Pero ang unang tatlong emojis ay ang color symbol ng ABS-CBN: red, green, at blue.

Na-discover si Christian nang maging finalist siya sa ABS-CBN singing contest na Star in a Million noong 2003, kung saan si Erik Santos ang naging grand winner.

Continue reading below ↓

Pagkatapos nito ay tuluyan nang pinasok ni Christian ang pagkanta at pag-arte sa ABS-CBN. Sina Mark at Christian ay kabilang noon sa ASAP Singing Champions, kasama sina Erik, Rachelle Ann Go, at Sarah Geronimo.

Lumipat siya sa GMA-7 noong 2013.

BING LOYZAGA

Nag-post din ng pagsuporta sa ABS-CBN si Bing Loyzaga, na ang huling proyektong ginawa ay sa Kapuso Network.

Gayunpaman, marami ring ginawang projects si Bing sa ABS-CBN.

Continue reading below ↓

Ang iba pang Kapuso stars na nauna nang nagpahayag ng suporta sa dati nilang home network, ang ABS-CBN, ay sina Eugene Domingo at Aiko Melendez.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso celebrities Mark Bautista, Glaiza de Castro, and Christian Bautista air support for Kapamilya network, which is now hoping for a franchise renewal. Mark, Glaiza, and Christian began their showbiz careers in ABS-CBN.
PHOTO/S: @iammarkbautista, @glaizaredux, and @xtianbautista on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results