Maja Salvador appeals to congressmen to vote yes to ABS-CBN franchise renewal

by Arniel C. Serato
Jul 7, 2020
Maja Salvador to fellow Kapamilyas: “Hindi po madali ang pinagdadaanan nating lahat, huwag po tayong sumuko, Kapamilya.”
PHOTO/S: Courtesy: @iammajasalvador on Instagram

“Hindi po madali ang pinagdadaanan nating lahat.”

Inamin ni Maja Salvador, 31, na labis nababagabag ang Kapamilya talents and employees sa problemang kinakaharap ng ABS-CBN tungkol sa prangkisa.

Sa Instagram kagabi, July 6, ibinahagi ni Maja ang kanyang pangamba at dasal para sa mga kapwa Kapamilya.

Hinihikayat din niya ang mga kasamahan na kumapit sa Panginoon at huwag sumuko dahil malalagpasan din daw nila ang pagsubok na ito.

Mensahe ni Maja sa kanyang post, “Dasal ko po na sana mabigyan ng panibagong prangkisa ang aming pangalawang tahanan.

“Dasal ko din na patibayin niyo po at mas bigyan ng lakas ang aking mga Kapamilya at Kaibigan sa industriya.

“Hindi po madali ang pinagdadaanan nating lahat, huwag po tayong sumuko, Kapamilya.”

Nagsusumamo rin si Maja sa mga mambabatas na kabahagi ng komite na dumidinig sa franchise renewal application ng broadcast giant.

May 46 na kongresista ang kabilang sa House Committee on Legislative Franchises.

Continue reading below ↓

Pakiusap ni Maja, sana raw ay bigyan ng pangalawang pagkakataon ang ABS-CBN na itama kung may nagawa itong pagkakamali.

Sabi niya, “Sa ating mga Congressmen, isa po ako sa mga Kapamilya na nakikiusap na sana po bigyan niyo po ng panibagong pagkakataon ang ABSCBN.

“Pagkakataon na araw araw natin ibinibigay sa ating mga sarili para itama ang ating mga pagkakamali.”

Itinigil ng ABS-CBN ang kanilang broadcast noong May 5, 2020 matapos hainan ng cease and desist order ng National Telecommunications Commission (NTC).

“DINGGIN NIYO ANG AMING PAKIUSAP”

Patapos na ang congressional hearing tungkol sa ABS-CBN franchise.

Inabot ng hatinggabi nitong July 6, Lunes, ang ika-12 hearing ng prangkisa ng istasyon.

Sa Huwebes, July 9, magdadaos muli ng pagdinig ang Kongreso pero summation na lamang ito sa mga isyung natalakay sa loob ng halos lagpas isang buwang hearing.

Pakiusap ni Maja sa mga lider ng bansa: “Sa ating mga Pinuno, sana po ay pagbigyan niyo ang aming hiling, dinggin niyo ang aming pakiusap.

Continue reading below ↓

“Nananalangin po kami na sana po mag YES kayo sa renewal ng prangkisa ng aming minamahal na ABSCBN.”

Giit ng aktres/singer/dancer, “Hindi man po perpekto pero marami din pong naidulot na maganda sa mga Pilipino na tulad ko.

“Maraming salamat po."

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maja Salvador to fellow Kapamilyas: “Hindi po madali ang pinagdadaanan nating lahat, huwag po tayong sumuko, Kapamilya.”
PHOTO/S: Courtesy: @iammajasalvador on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results