ABS-CBN will not get new franchise from Congress, report says

by Arniel C. Serato
Jul 8, 2020
According to a Manila Times report today, July 8, majority in the House Committee on Legislative Franchises and the House committee heads will reject ABS-CBN's franchise application.
PHOTO/S: Courtesy: Michael Bagtas, ABS-CBN News online

Malaki ang posibilidad na hindi makakakuha ng panibagong prangkisa ang ABS-CBN, ayon sa dokumentong nakuha ng The Manila Times.

Sa banner headline ng broadsheet ngayong araw, July 8, mukhang maibabasura sa committee level pa lamang ang franchise application ng broadcast giant.

Ayon sa artikulong isinulat ni Divina Nova Joy Dela Cruz, na may pamagat na “ABS-CBN doomed,” karamihan daw sa mga mambabatas na miyembro ng House Committee on Legislative Franchises ay kontra sa pagbibigay ng bagong prangkisa sa istasyon.

Bukod sa 46 miyembro ng komite, kasama ring boboto ang liderato ng Kongreso, kasama na ang Speaker, Deputy Speakers, Majority Leader, Minority Leader, at mga pinuno ng lahat ng komite.

May 92 na mambabatas ang kailangang bumoto para rito.

Ayon sa The Manila Times, sa dokumentong nakuha nila ay mas maraming mambabatas ang hindi pabor sa pagbigay ng bagong prangkisa sa ABS-CBN.

Base sa initial tally, may 57 daw na kontra sa prangkisa, 25 ang pabor, at 10 ang hindi sigurado sa kanilang boto.

Continue reading below ↓

Hindi tinukoy ng Manila Times kung sino ang source ng report nilang ito.

Nagdaos ng labindalawang hearing ang joint committee ng Legislative Franchises at Good Government at Public Accountability sa Kongreso para sa franchise renewal ng ABS-CBN.

Sa Huwebes, July 9, magdaraos ng summation ang dalawang komite mula sa lahat ng natalakay na isyu tungkol sa mga paglabag diumano ng ABS-CBN sa napaso nitong prangkisa.

Continue reading below ↓

Sa Biyernes, July 10, baka magkaroon na raw ng botohan.

Kung ibabasura ito sa committee level pa lamang, hindi na ito maipapadala sa plenaryo para sa second reading.

SPEAKER ALAN PETER CAYETANO

"Conscience vote" naman ang tila paiwas na posisyon ni House Speaker Alan Peter Cayetano.

Ayon sa ulat ng Philippine News Agency (PNA), hinikayat ni Cayetano ang mga mambabatas na bumoto ayon sa kanilang konsensiya.

Saad niya, “Well, I cannot speak for the parties, kasi mag-uusap-usap din sila, but from the start, we’ve been urging a conscience vote.

“From the start we’ve been saying na kung ikaw ay pro, open mo ‘yung mind mo dun sa mga umaangal.

"Kung ikaw ay isa sa umaangal, open your mind sa sagot nung management."

Dagdag pa nito, ginawa raw ng Kongreso na bukas sa publiko ang pagdinig upang makapagdesisyon din ang mga manonood tungkol sa takbo ng hearing.

Saad ng House Speaker, "This is one of the rare cases where representatives will decide for the people, but the people themselves also have a stand on this kaya kailangan maging sensitive din ang bawat isa."

Continue reading below ↓

Pinili raw ni Cayetano na hindi dumalo sa pagdinig noong Lunes, July 6, tungkol sa "bias" diumano ng ABS-CBN upang hindi maimpluwensiyahan ang kanyang mga kasamahan.

Ngunit may malinaw siyang himutok sa istasyon noong tumakbo siya sa 2016 Presidential Elections bilang runningmate ni Davao City Mayor at ngayo'y Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang Pangulo naman ay makailang bees nang nagsapubliko na haharangin niya ang anumang prangkisang hihingin ng ABS-CBN.

HOT STORIES

KAPABAYAN PARTY LIST WITHDRAWS SPONSORSHIP BILL

Noong Lunes, July 6, iniatras ni Kabayan Partylist Representative Ron Salo ang kanyang House Bill 6901, na isa sa labintatlong panukalang batas na naglalayong mabigyan ng bagong prangkisa ang istasyon.

Ayon sa kanya, habang tumatakbo ang pagdinig, hindi raw napatunayan ng ABS-CBN na mali ang mga ibinintang na lumabag ito sa dating prangkisa.

Saad ni Congressman Salo, "Sa pagtatasa namin, ang mga nailatag na ebidensiya ay mas pumapabor sa mga hindi pumapayag na mabigyang muli ng bagong prangkisa ang ABS-CBN.

Continue reading below ↓

"My party-list deems that ABS-CBN failed to successfully rebut the long list of alleged violations and thus, this representation cannot anymore support the grant of a new franchise to ABS-CBN.

“Dahil dito, hindi na kayang suportahan ng Kabayan Party-List ang pagbibigay ng bagong prangkisa sa ABS-CBN."

Napaso ang dating prangkisa ng ABS-CBN noong May 4, 2020.

Nagpaalam ang network sa ere noong May 5, alinsunod sa cease and desist order mula sa National Telecommunications Commission (NTC).

Humingi ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng pahayag mula sa ABS-CBN tungkol dito, ngunit hindi pa sila nagbibigay ng sagot.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
According to a Manila Times report today, July 8, majority in the House Committee on Legislative Franchises and the House committee heads will reject ABS-CBN's franchise application.
PHOTO/S: Courtesy: Michael Bagtas, ABS-CBN News online
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results