Korina Sanchez to congressmen who will vote No to ABS-CBN franchise: "Di kaya sila kidlatin ng langit?"

by Arniel C. Serato
Jul 8, 2020
Broadcast journalist Korina Sanchez: "What huge infraction did ABSCBN commit to merit such bullying and torture and disrespect from some of the Lower House Committe members? Anyway, hindi naman siguro krimen na naman ang magtanong lang."
PHOTO/S: Courtesy: Korina Sanchez-Roxas / Kapamilya Online World on Facebook

“Di kaya sila kidlatin ng langit?"

Ito ang tila babala ni Korina Sanchez sa mga mambabatas na hindi boboto pabor sa pagbibigay ng bagong prangkisa sa ABS-CBN.

Sa kanyang Instagram kagabi, July 7, pinanindigan ni Korina na walang napatunayan ang mga mambabatas sa hearing ng ABS-CBN franchise na may nalabag na batas ang pinaglilingkurang istasyon.

Gayunpaman, sinabi rin ni Korina na walang perpektong kumpanya.

Pahayag ng veteran broadcaster, “Wala mang mapatunayang violations, nagpapakumbaba ang pamunuan ng network at umaaming walang perpektong kumpanya.

“Wala. At bukas ang network sa pagtutuwid ng hindi perpekto.”

Kung walang perpektong kumpanya, ipinagdiinan ni Korina na wala ring perpektong kongresista.

Nagpakumbaba pa rin daw ang mga namumuno ng istasyon, kaya walang rason upang hindi pagkalooban ng bagong prangkisa ang ABS-CBN.

Saad ng Rated K host, “Lalo naman na hindi perpekto ang mga kongresista.

Published as is: “Kung walang mapatunayang violations, at nagpapakumbaba parin ang network executives, ipagkakait parin ang franchise renewal at isasarado parin ang ABSCBN?

Continue reading below ↓

“Di kaya sila kidlatin ng langit?”

“65 YEARS OF BROADCAST EXCELLENCE”

Sa isa pa niyang post ngayong araw, July 8, muling iginiit ni Korina na kahit hindi perpekto ang ABS-CBN, walang napatunayang paglabag sa dati nitong prangkisa.

Kung mayroon man daw, hindi ito sapat na dahilan upang tuluyang isara ang network.

Continue reading below ↓

“Sino ba yung nagsasabing walang ginawang tama ang ABSCBN?

“And that because of imperfections, and not even proven violations, it needs to be shut down?

“After 65 Years of broadcast excellence?”

Kalakip ng post ni Korina ang larawan ng mga trophies ng mga palabas na kinabibilangan niya. Patunay raw ito na naglilingkod talaga sa bayan ang ABS-CBN.

“Am looking at just a few of the awards received by TV Patrol and Rated K, from both here and abroad.

“Modesty aside, there is a room full of trophies for just these 2 ABSCBN shows.

“Parang nakakalimutan yata ito.

“Kung napakaraming parangal mula sa pinaka-prestihyosong mga organisasyon ang network, hindi nga ba’t patunay yan na In The Service of the Filipino ang pinaghirapan naming lahat na gawin?”

Pinuna naman niya ang tinawag niyang pambu-buly ng mga miyembro ng committee members sa mga kinatawan ng ABS-CBN sa isinasagawang hearing sa Kongreso.

Tanong ni Korina: “What huge infraction did ABSCBN commit to merit such bullying and torture and disrespect from some of the Lower House Committe members?

Continue reading below ↓

“Anyway, hindi naman siguro krimen nanaman ang magtanong lang. Ewan ko ba.”

Nakatakdang magdaos ng summation ang joint committee ng Legislative Franchises at Good Government at Public Accountability bukas, July 9, upang pag-usapan ang mga natalakay nang isyu tungkol sa ABS-CBN.

Kung walang mangyayaring aberya, magbobotohan na sa komite sa Biyernes, July 10.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Broadcast journalist Korina Sanchez: "What huge infraction did ABSCBN commit to merit such bullying and torture and disrespect from some of the Lower House Committe members? Anyway, hindi naman siguro krimen na naman ang magtanong lang."
PHOTO/S: Courtesy: Korina Sanchez-Roxas / Kapamilya Online World on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results