Kapuso actress Lauren Young continues to rally behind ABS-CBN: “My heart is with you.”

by Bernie V. Franco
Jul 8, 2020
Kapuso actress Lauren Young: “ABS-CBN invested and trained me into the actress that I am today and opened the door to so many opportunities.”
PHOTO/S: @lo_young on Instagtam

Tuluy-tuloy ang pagpapakita ng suporta ng Kapuso actress na si Lauren Young, 26, sa ABS-CBN.

Sa kanyang Instagram noong Lunes, July 6, inalala ni Lauren ang ilang unforgettable moments niya bilang Kapamilya.

Kalakip nito ang throwback photo niya nang i-launch siya ng Star Magic, ang talent-management arm ng ABS-CBN.

Ang larawang ito ng aktres ay lumabas sa catalogue ng Star Magic.

“I was 11 years old when ABS-CBN gave me a chance.

“I remember walking into the audition and meeting AJ for the first time,” pagtukoy niya kay AJ Perez, na pumanaw sa isang vehicular accident noong April 2011.

Kabilang sina Lauren at AJ sa Star Magic Batch 13, at naging magkapareha sa mga youth-oriented drama series ng ABS-CBN.

Kuwento pa ni Lauren, “[W]e talked for a bit (little did I know I was talking to my first and future loveteam), then I was called in to share my ‘talent’."

Continue reading below ↓

Para sa kanyang audition: “I sang 'Sana' by Nikki Gil from the Coke commercial during that time and did a cheerleading routine for my ‘dance’ part."

Ang ABS-CBN din daw ang naghinang sa kanyang talento, na kinalaunan ay nagamit niya para magkaroon ng maraming oportunidad.

Taong 2006 nang pasukin ni Lauren ang pag-aartista.

“I was just a little girl from Subic Bay fighting for a dream in the big city—I had no idea during that time that that said dream would eventually come true.

“ABS-CBN invested and trained me into the actress that I am today and opened the door to so many opportunities.”

HOT STORIES

"MY HEART IS WITH YOU"

Kaya naman lubos na apektado si Lauren sa pinagdaraanan ngayon ng ABS-CBN, na nanganganib na tuluyang magsara dahil hindi pa nare-renew ang prangkisa nito.

Inaasahang ngayong linggo ay magbobotohan na sa Kongreso tungkol sa franchise ng Kapamilya network.

Libu-libong empleyado rin ng ABS-CBN ang nanganganib mawalan ng trabaho.

Continue reading below ↓

Saad ni Lauren, “I will forever be grateful to everything that was given to me because of this break and it breaks my heart to see thousands of employees suffer during this time.

“My heart is with you [heart emoji] Now, more than ever, it's important to use our voices to fight for what is right!

“No network wars now, just justice.”

Sabi pa niya sa ibinahaging larawan, “Btw, this was my first ever photoshoot with ABSCBN. How time flies.”

Ginamit din ni Lauren ang hashtags na #LabanKapamilya #IbalikAngABSCBN

Noon Linggo, June 5, sa pamamagitan ng Twitter, nanawagan si Lauren sa Kongreso na i-renew ang prangkisa ng ABS-CBN.

Sinagot din niya ang isang netizen na pumuri sa kanyang pagiging supportive sa Kapamilya network kahit wala na siya roon.

Sabi ni Lauren, "You should never forget where you come from. I owe my career to ABSCBN for giving me a chance and training me.

Continue reading below ↓

"Everything I learned there I was able to bring and apply to my work in GMA.

"I’ll always be grateful to them.”

Nanatiling Kapamilya si Lauren hanggang 2012.

Ang pinakamalaking break niya roon ay nang magbida siya sa Mula sa Puso (2011), ang remake ng 1997 teleserye ni Claudine Barretto.

Pumirma si Lauren ng kontrata sa GMA-7 noong 2013, at nakagawa ng mga teleseryeng karamihan ay kontrabida ang kanyang mga ginanapan.

Ang kanyang huling teleserye sa Kapuso network ay ang Hiram na Anak (2019).

Hindi lang si Lauren ang Kapuso star, na dating Kapamilya, ang nagpahayag ng suporta sa ABS-CBN.

Nitong mga nakalipas na araw, nagpakita rin ng suporta sa ABS-CBN ang former talents nito, gaya nina Glaiza de Castro, Mark Bautista, Christian Bautista, at Eugene Domingo.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso actress Lauren Young: “ABS-CBN invested and trained me into the actress that I am today and opened the door to so many opportunities.”
PHOTO/S: @lo_young on Instagtam
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results