Kris Aquino show on TV5 cancelled before it could begin—why?

by PEP team
Jul 9, 2020
Kris Aquino on cancelled blocktimer show on TV5: "Let’s let this battle go."
PHOTO/S: Kris Aquino Facebook

Napulitika ba ang nakatakda sanang pagbabalik-telebisyon ni Kris Aquino?

Ito ang malaking katanungan matapos biglaang makansela ang TV show ni Kris na eere na dapat sa TV5 sa July 25, Sabado.

Dalawang linggo pa lang ang nakakaraan mula nang sorpresahin ni Kris ang masugid niyang fans tungkol sa nalalapit na bagong yugto ng kanyang buhay.

Malapit na raw matupad ang matagal na niyang hinihintay at pinagdarasal.

Ipinahiwatig niya iyon sa kanyang Facebook at Instagram posts noong June 16.


Continue reading below ↓

Makalipas ang anim na araw, noong June 22, inanunsiyo ni Kris na dumating na ang pinakahihintay niya.

Pumirma raw siya ng isang kontrata, pero tumanggi siyang idetalye kung ano iyon dahil may nakapaloob daw ditong "CONFIDENTIALITY" agreement.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Kasama ni Kris ang manager niyang si Erickson Raymundo, presidente ng talent management company na Cornerstone Entertainment Inc.

Naroon din ang kaibigan ni Kris na si Atty. Gideon Peña.

Ang kabuuang caption ng post ni Kris: "i was reminded by attorney @gideon.pena that the contract i signed had 3 paragraphs regarding CONFIDENTIALITY. So for now it’s just this video.

"i am allowed to thank my @cornerstone family for their patience & perseverance; thank you to new partners for their vote of confidence;

"thank you @jonathanvelasco__ ; thank you @rbchanco for the pics & video; thank you to me for the editing & choice of background music;

"and THANK YOU to my FAMILY & all of you, my loyal FOLLOWERS for helping me pray for this moment to finally arrive."

Continue reading below ↓


Pagsapit ng July 1 hanggang July 5, sunud-sunod na ang teaser ni Kris sa inaasahang bagong proyekto niya.

Naglabas din siya ng mga litrato ng kanyang new look—shoulder-length hair with side-swept bangs. Nakasuot ng high heels at formal wear si Kris, hindi tulad ng mga kaswal na kasuotan nito sa nagdaang ECQ.

Continue reading below ↓

Noong una ay wala pang logo, pero noong July 4 at July 5 ay kapansin-pansin ang branding na "LOVE LIFE WITH KRIS" sa mga litrato.

Caption niya sa kanyang post noong July 4, "can i be your #SATURDATE? please save the date? #SOON."


Noong July 5, ito ang written text kalakip ng kanyang litrato: "there’s nothing better than giving yourself a new beginning..."

Continue reading below ↓

Kinabukasan, July 6, lumabas ang balitang "kanselado" na ang show ni Kris sa TV5.

SOURCE: KRIS A "BUSINESS RISK"

Sa pagsasaliksik ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), Miyerkules, July 8, napag-alaman naming walang direktang pakikipagnegosasyon si Kris sa TV5.

Ang kumuha sa kanya para gawin ang proyekto ay isang independent producer.

Ayon sa insiders, sumailalim ang TV5 sa "bidding" para makuha ang blocktimer arrangement sa prodyuser ng show ni Kris.

Noon nga raw Sabado, July 5, kasado pa ang TV show at inaasahang eere ito sa TV5.

Hanggang sa lumitaw ang balitang kanselado na ito.

Ayon sa isang insider, ang desisyon na hindi iere ang blocktime program ni Kris ay nanggaling mismo sa executive tier ng TV5.

Ang lumalabas na dahilan: "Business risk na kunin si Kris."

Hindi nilinaw ng insider kung bakit nasabing business risk ang paglabas ni Kris sa TV5.

Pero may mga espekulasyong ito ay dahil kapatid ni Kris si dating Presidente Benigno Aquino III, na sa hinaharap ay maaaring magkaroon ng sigalot kay Rodrigo Duterte, ang sumunod sa kanyang Presidente.

Hangga't maaga, umiiwas na umano ang istasyon sa maaaring umpugan ng dalawang magkaaway sa pulitika.

Continue reading below ↓

ISSUE BETWEEN TV5 AND PRODUCER?

May nagsabi namang "may hindi yata napagkakasunduan" ang isang TV5 executive at ang prodyuser ng blocktimer program kaya naudlot ang pag-ere ng show.

Base ito sa hiwalay na ulat ng entertainment editor na si Dondon Sermino, sa kanyang Youtube vlog, noong July 6.

Mula sa kampo ni Kris, nakalap daw ni Sermino na ang konsepto ng show ay makatulong at makapagpagaan ng pakiramdam ng mga manonood.

Sa dulong bahagi ng vlog ni Sermino, sinabi niyang sa ngayon ay hindi na tuloy ang proyekto.

Pero mukhang may kaunting pag-asa pa rin daw ang kampo ni Kris na maplantsa ang kung anumang isyung namamagitan sa independent producer at sa TV5.

HOT STORIES

KRIS'S OFFICIAL STATEMENT

Kasabay ng balitang hindi tuloy ang TV show ni Kris sa TV5 ay kapansin-pansing deactivated na ang Instagram nito.

Noong weekend ay open to the public pa ang Instagram ni Kris, pero as of July 8, kapag pupuntahan ang handle niyang @krisaquino, makikita ang notification na "SORRY, THIS PAGE ISN'T AVAILABLE."

Continue reading below ↓

Tila umiiwas si Kris maurirat ng netizens hinggil sa isyu, at maaari ring pinagsabihan ng kanyang managers na manahimik muna.

Nakakuha ang PEP.ph ng opisyal na pahayag mula kay Kris sa pamamagitan ni Dindo Balares, dating entertainment editor at malapit na kaibigan sa media ni Kris.

"Let’s let this battle go. There are ones worth fighting, this isn’t one of them," saad ni Kris.

Hindi raw nagbigay ng detalye si Kris kung bakit naudlot ang TV comeback nito.

Ang tanging ipinahiwatig daw ni Kris ay ayaw na niyang pagpiyestahan ang kanyang problema sa social media.

Ani raw ni Kris, "Andami-dami nang problema ng mga tao, 'di na ako dapat dumagdag pa.

"Gaano ba naman kalaki ang problema ko kumpara sa pinoproblema araw-araw ng mga kababayan natin?"

"POLITICAL REALITY"

Maiksi pero malaman ang minsang pahayag ni Kris kung bakit madalas mapurnada ang kanyang TV comeback.

Noong February 2018, isang netizen ang lakas-loob na nagtanong kay Kris: "Bakit po walang kumukuhang network sa iyo, Miss Kris, eh ang galing galing nyo po...every Filipino wants to see you in television."

Continue reading below ↓

Simpleng sagot ni Kris: "political reality."

Nag-comment pa uli ang netizen: "Exactly po Mam Kris, political reality...you have nothing to prove to anyone, you have proven long time and above all you are not just kind, you are a good person as well...basta we always support you. God bless po and we missed you on TV."

Pero hindi na sumagot si Kris, at wala siyang ibang detalye sa sinabi niyang "political reality."

LEAVING ABS-CBN

Halos apat na taon na ang nakalilipas mula nang umalis si Kris sa ABS-CBN, ang home network niya sa loob ng 20 taon.

March 23, 2016 nang mag-expire ang kanyang kontrata sa ABS-CBN.

Nakatakda sana siyang mag-renew noong February 2016, pero tinanggihan niya ang offer ng network.

Nagtapos ang daily morning talk show niyang Kris TV noong April 15, 2016.

Hanggang sa noong September 12, 2016, pormal na inanunsiyo ni Kris ang pag-alis niya sa ABS-CBN.

Continue reading below ↓

Idinetalye noon ni Kris sa kanyang Instagram post na naka-meeting pa niya ang ABS-CBN management noong July 2016, pero "no definite show & no assured time frame" ang kanyang pagbabalik sa ere.

Inamin ni Kris na mali na inuna niya ang oras para sa sarili kaysa tanggapin ang offer sa kanya noong February 2016.

“I perfectly understood—as much as I wanted to believe I was a pillar of the network, everybody is dispensable," sentimiyento ni Kris.

JOINING APT ENTERTAINMENT

Noon ding September 12, 2016, inihayag ni Kris na magiging bahagi siya ng APT Entertainment.

Ang APT Entertainment ang production house na pag-aari ni Antonio "Mr. T" Tuviera, producer ng daily noontime show na Eat Bulaga! at ng defunct weekly variety show na Sunday PinaSaya.

Ang mga nabanggit na programa ay pawang napapanood sa GMA Network.

Wala noong binanggit na lilipatang TV network si Kris, maliban sa pahiwatig na mayroong iprinisinta sa kanya ang APT na "TV collaboration."

Continue reading below ↓

Naka-schedule ng September 22, 2016 ang taping ni Kris para sa bago niyang show, pero hindi ito natuloy.

Nang sumunod na buwan, October 11, 2016 inamin ni Kris ang pinagdaraang professional crisis.

Lubha raw siyang nalungkot sa naranasang "setback" ng inaasahang TV show, pero tumanggi siyang pag-usapan bilang respeto raw sa taong tumutulong sa kanyang TV comeback.

Umaasa pa rin noon si Kris na baka sakali raw magawan pa ng paraan.

Sa isang punto, inamin ni Kris na nakaramdam siya ng panghihinayang sa pinalampas niyang “fair, easy, two-page contract” ng ABS-CBN noong February 2016.

Ayon kay Kris, "Siguro at the time, akala ko pagbalik ko, may space pa. I overestimated my worth."

APT DEAL DID NOT PUSH THROUGH

Usap-usapan noon sa showbiz circles na magkakaroon si Kris ng morning talk show sa GMA-7.

Sa ulat ng PEP.ph noong December 2016, nasa pangangalaga si Kris ng Triple A Management, kunsaan co-owner din si Mr. T.

Continue reading below ↓

Dito rin naiulat na walang katotohanan ang espekulasyong hinarang ang napapabalitang gagawing TV show ni Kris sa GMA-7.

“No, no, hindi siya hinarang ng GMA, definitely,” diin ni Rams David, head of operations ng APT Entertainment at presidente ng Triple A Management.

Gaya ng inaasahan mula sa isang talent manager, sinabi ni Rams na walang kaisyu-isyu sa pagitan ni Kris at ng GMA-7.

Siniguro rin noon ni Rams na maganda ang relasyon ng APT Entertainment sa GMA-7.

Sa kaso ng TV comeback ni Kris, nilinaw naman ni Rams na "wala munang TV."

Ang inihahanda raw ng APT na proyekto para kay Kris ay isang venture sa "digital platform."

Kinalaunan, hindi rin natuloy kung anuman ang proyektong niluluto para kay Kris sa ilalim ng APT Entertainment.

Mayroong one-time appearance si Kris sa GMA-7 noong April 9, 2017, para sa TV special na Trip Ni Kris, pero ang producer nito ay si Rhodora Morales.

Continue reading below ↓

RUMORED TRANSFER TO TV5

Nagkaroon naman ng espekulasyon kung sa TV5 lilipat ng istasyon si Kris.

Lalo itong naging maugong matapos ang one-time stint ni Kris bilang host sa summit ng Go Negosyo, na ginanap sa Davao City, noong November 11, 2016.

Sa PTV4 at TV5 umere ang event na iyon ng Go Negosyo.

May naka-schedule na one-on-one interview si Kris kay Presidente Rodrigo Duterte, pero hindi nakarating ang Pangulo sa summit ng Go Negosyo.

Naiulat noon na sinikap ng Pangulong makadalo, pero inatake raw ito ng migraine. Kababalik lang din daw kasi noon ng Pangulo galing sa pagbisita sa bansang Malaysia.

Nang sumunod na buwan, December 13, 2016, nakapanayam ng PEP.ph ang noo'y bagong TV5 President and CEO Chot Reyes.

Sinabi ni Reyes na naniniwala siyang "asset" si Kris sakaling mapunta ito sa TV5, pero nilinaw ng TV5 executive na walang nangyayaring ganoong negosasyon.

"Na-misunderstand" daw ng mga tao dahil kasi sa TV5 inere ang event ng Go Negosyo.

Continue reading below ↓

WILLIE ATTEMPTS TO BROKER KRIS'S TV COMEBACK

Sa paglipas ng mga buwan, muling sumiwang ang pag-asang makakabalik sa telebisyon si Kris nang tulungan siya ng malapit na kaibigang si Willie Revillame.

Napaisip ang netizens kung magiging co-host si Kris sa blocktimer show ni Willie na Wowowin sa GMA-7.

Lumutang ito matapos inanunsiyo ni Kris sa Instagram na nagkaroon siya ng "5 hour meeting" kasama ang "future boss" niyang si Willie.

Ipinakita pa ni Kris ang litrato nila ni Willie, kasama ang core staff ng Wowowin host, pati na ang noo'y manager ni Kris na si Arnold Vegafria.

Naganap iyon sa isang posh hotel sa Makati noong August 24, 2017.

Kinabukasan, August 25, 2017, kinumpirma ni Willie sa PEP.ph na nais niyang tulungang magbalik-telebisyon si Kris.

Masinsinan daw ang pag-uusap nila, at prinangka raw niya si Kris na dapat nitong pakinggan at seryosohin ang mga payo niya.

Sinabi rin noon ni Willie na minsan nang napag-usapan si Kris sa hiwalay na meeting niya kasama ang big bosses ng GMA-7.

Continue reading below ↓

"Siyempre, kukumbinsihin ko pa sila, baka ganoon, baka ganito. Parang ako rin yan nung kinukuha nila—slowly. And then ang importante, nakabukas na ang pintuan mo.”

Ang plano pa noon ni Willie, i-guest si Kris sa Wowowin bago mag-Pasko ng December 2017.

October 2017 nang muling kumustahin ng PEP.ph kay Kris kung ano ang update sa usapan nila ni Willie.

Ang sabi lang noon ni Kris, sobrang nagpapasalamat siya sa effort ni Willie na tulungan siya.

Pero tila nagpahiwatig din ang actress-TV host na hindi na tuloy ang gagawin nilang collaboration.

"I appreciate him for trying, but ultimately, he's a co-producer.

"I can only say… At sinabi ko ‘to sa kanya, 'Wala ka ever napakinabangan sa pamilya ko. And yet, ginusto mo akong tulungan.'

"So, super grateful ako sa kanya."

MOVIES AND DIGITAL VENTURES

Walang natuloy sa mga nilulutong TV comeback sana ni Kris.

Sa halip ay tinutukan niya ang kanyang digital company na Kris Cojuangco Aquino Productions o KCAP.

Continue reading below ↓

Pinamahalaan ito bilang project director ni Nicko Falcis—dating endorsement closer, talent agent, business partner ni Kris, at sinasabing marketing genius—mula April 2017 hanggang September 2018.

Sa loob ng panahong ito ay nakasungkit si Nicko ng "54 brands" na iinendorso ng aktres, at karamihan ay mapapanood sa webisodes ng social media platforms ni Kris.

Sa ibang salita, nagpayaman nang husto kay Kris ang digital company nito.

Pero hindi pa rin tuluyang maiwan ni Kris ang showbiz.

Nagbalik-pelikula siya sa I Love You, Hater, na pinagbibidahan nina Joshua Garcia at Julia Barretto. Iprinodyus iyon ng Star Cinema, ang film company ng ABS-CBN.

Noong April 20, 2018, muling tumapak si Kris sa ABS-CBN para sa kanyang contract signing, na sinundan ng story conference kasama sina Julia at Joshua.

Nagsilbi rin iyong reunion ni Kris sa Star Cinema, kunsaan nakagawa siya ng walong pelikula bago ang I Love You, Hater.

Mula April 2018 hanggang sa ipalabas ang romance-drama film noong July 2018, tampok ang espekulasyon kung senyales iyon na makakabalik si Kris sa dating home network.

Continue reading below ↓

Pero nilinaw noon ni Kris na one-time project lang ang naging usapan nila ng Star Cinema.

August 2018 naman nang ipalabas ang Hollywood film na Crazy Rich Asians, kunsaan may cameo si Kris bilang si Princess Intan.

Matapos ang mga naturang pelikula ay hindi na ulit napag-usapan ang TV comeback ni Kris.

Patuloy lang si Kris sa paglabas ng webisodes at vlogs sa kanyang social media accounts.

Noong 2019, pagbibidahan niya sana ang Metro Manila Film Fest entry na (K)ampon, kasama si Derek Ramsay bilang leading man.

Pero hindi natuloy ang proyekto dahil nang mag-back out si Derek, hindi umabot sa deadline ng MMFF ang pagpapalista ng bagong leading man ni Kris na si Gabby Concepion.

Nitong taong 2020, buong ECQ period ay namalagi si Kris, kasama ng dalawang anak na sina Bimby at Josh, sa Puerto Galera. Bumalik sila ng Manila noong June 4.

Handa na sanang magbalik-trabaho si Kris nitong Hulyo, pero naudlot ang pag-ere ng kanyang blocktime TV5 show.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kris Aquino on cancelled blocktimer show on TV5: "Let’s let this battle go."
PHOTO/S: Kris Aquino Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results