Frankie and Bianca, Arnold and Chino comment on Howie Severino's arrest for face-mask violation

by Jet Hitosis
Jul 9, 2020
TV personalities (left, clockwise) Frankie Pangilinan, Bianca Gonzalez, and broadcast journalists Chino Gaston and Arnold Clavio weigh in on incident where journalist Howie Severino (right) was apprehended for pulling down his face mask to take a drink.
PHOTO/S: @frankiepangilinan, @iamsuperbianca, @akosiigan on Instagram, Chino Gaston, Luis Liwanag on Facebook

Nakakatawa na nakakainis na mistulang hindi kapani-paniwala.

Ganito ang magkakahalong reaksiyon ng ilang personalidad sa paghuli ng Quezon City law enforcers sa veteran broadcast journalist at COVID-19 survivor na si Howie Severino.

Sinita at binitbit sa seminar si Howie, 58, nitong Miyerkules ng umaga, July 8, dahil sa pagbababa ng suot niyang face mask para uminom.

Nangyari ito habang nagpapahinga sa isang tindahan sa Mother Ignacia si Howie, matapos ang isang oras na pagbibisikleta.

Ayon sa Facebook post ng broadcaster, umiinom siya ng pamatid-uhaw na binili sa tindahan nang sitahin ng mga tauhan ng Quezon City Department of Order and Safety (DPOS).

Nakababa raw kasi ang suot niyang face mask.

Howie Severino wearing gray shirt (

Continue reading below ↓

Dinala si Howie sa Amoranto Stadium sa Diliman.

Ayon sa broadcaster, nadatnan niya roon ang daan-daang iba pa na sasailalim din sa COVID-19 seminar matapos lumabag sa health protocols.

Sinabi ni Howie sa mga empleyado ng city government, na organizers ng seminar, na siya ay isang COVID-19 survivor.

Dahil dito, nag-volunteer siya para magsalita sa seminar.

Pero, kuwento ni Howie, pinauwi na lang siya ng mga empleyado ng city government.

FRANKIE: “HOW ARE WE SUPPOSED TO DRINK?”

Nag-trending sa Twitter ngayong Miyerkules ang kuwento ni Howie.

Napakomento maging ang ilang celebrities sa nangyari sa kanya.

Mistulang hindi makapaniwala si Frankie Pangilinan sa dahilan ng pagkakahuli sa multi-awarded documentarist ng GMA-7 news program na I-Witness.

Napatanong si Frankie, 19, kung paano iinom ang isang tao nang hindi tinatanggal ang suot na face mask.

Tweet ni Frankie: “how are we supposed to drink [three loudly crying face emojis] osmosis??? [three loudly crying face emojis]”

Continue reading below ↓

Ibig sabihin ni Frankie, kailangan bang patagusin ang tubig sa face mask para makainom ang may suot nito?

HOT STORIES

ARNOLD, CHINO’S FUNNY SUGGESTIONS

Ang kapwa Kapuso broadcaster ni Howie na si Arnold Clavio, idinaan sa pagpapakuwela ang reaksiyon niya.

Nag-post si Arnold, 54, sa Instagram ng litrato ng isang improvised mask na binutasan nang malaki sa tapat ng bibig.

Continue reading below ↓

Mensahe ni Arnold kay Howie: “Kapusong Howie Severino baka lang makatulong sa susunod mong pagbibisikleta sa Quezon City, para di ka na hulihin ng Taskforce Disiplina.”

Ang tinukoy ni Arnold na Taskforce Disiplina ay ang DPOS ng Quezon City.

Pagpapatawa rin ang ipinost sa Twitter ng GMA News reporter na si Chino Gaston.

Continue reading below ↓

Nag-post siya ng litrato niya na nakasuot ng disposable face mask.

Iniangat ni Chino nang bahagya ang ibabang bahagi ng suot na mask, na binutasan niya nang maliit.

Itinapat niya sa butas ang pulang straw ng iniinom niyang softdrinks.

Sa caption, sinabi ni Chino na nagawa niyang maresolba ang “QC drinking puzzle,” kaya malakas na raw ang loob niyang uminom sa public place kahit nakasuot ng mask.

Tweet ni Chino: “Finally solved the QC drinking puzzle! Now I can fearlessly drink in public!!!”

Continue reading below ↓

BIANCA COMPARES HOWIE’S MASK TO SENATOR KOKO’S HOSPITAL TRIP

Ang TV host-vlogger na si Bianca Gonzalez, ikinumpara ang naging "paglabag" ni Howie sa naging quarantine violation ni Senator Koko Pimentel.

Noong March, pinutakti ng pambabatikos si Pimentel matapos siyang pumunta sa Makati Medical Center kahit na hinihintay na niya noon ang resulta ng swab test sa kanya.

Ilang oras pagdating sa Makati Med, kung saan manganganak ang asawang si Kathryna Pimentel, nakumpirma ng senador na positibo siya sa COVID-19.

Saad sa tweet ni Bianca: “Howie Severino was detained for pulling down his mask because he had to drink.

“Koko Pimentel breached quarantine protocols with top medical practicitioners denouncing his actions back in March, but no detention.

“.....???”

JAKO TALKS ABOUT COMMON SENSE

Ang YouTube creator na si Jako de Leon, sinabing kinaaasaran niya ang mga taong mali ang pagsusuot ng mask, o hindi talaga nagsusuot ng mask kapag lumalabas ng bahay.

Continue reading below ↓

Pero, aniya, “ridiculous” kung hindi bibigyan ng konsiderasyon ang mga bagay na “practically common sense.”

Malinaw na tinutukoy ni Jako ang paghuli kay Howie dahil lang nakababa ang mask nito matapos uminom.

Tweet ni Jako: “I usually am very annoyed at people who don’t wear their masks correctly or don’t wear at all when theyre in public…

“but it is also just as ridiculous when you don’t give consideration to some things that are practically common sense. [man facepalming emoji]”

Kalakip ng tweet ni Jako—anak ng Eat Bulaga TV host na si Joey de Leon—ang isang litrato ng lalaking tumutungga ng black coffee habang nakasuot ng mask.

Patama sa Quezon City law enforcers, idinagdag ni Jako: “Ano gusto mo gawin n’ya? ganito?”

Continue reading below ↓

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
TV personalities (left, clockwise) Frankie Pangilinan, Bianca Gonzalez, and broadcast journalists Chino Gaston and Arnold Clavio weigh in on incident where journalist Howie Severino (right) was apprehended for pulling down his face mask to take a drink.
PHOTO/S: @frankiepangilinan, @iamsuperbianca, @akosiigan on Instagram, Chino Gaston, Luis Liwanag on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results