Sharon Cuneta shows proof of Rolex watch to naysayers

by Arniel C. Serato
Jul 9, 2020
Sharon Cuneta on Rolex watch she posted on Instagram (right): "You mean people thought I just grabbed the pic of the wrist wearing the watch? Hahahaha! Que babaw.”
PHOTO/S: Courtesy: @reallysharoncuneta / watchshow_rolex_israel on Instagram

“Que babaw.”

Ito ang paglalarawan ni Sharon Cuneta sa mga taong humusga at bumatikos sa kanya dahil sa pagyayabang diumano niya ng kanyang mamahaling Rolex watch.

Ngayong Huwebes, July 9, nag-post si Sharon ng larawan niyang may suot na gold Rolex.

Sabi niya: “You mean people thought I just grabbed the pic of the wrist wearing the watch? Hahahaha! Que babaw.”

Dagdag pa niya, ang mga mababait na tao raw ay binibigyan ng Diyos ng grasya—at hindi lamang ng mamahaling relo.

Sabi pa ng singer-actress, “Good people are blessed—and not just with Rolexes! Unbelievable! But hilarious too!

“Watch my old movies.

“In many where I played wealthy characters, I wore my own watches and jewelry as chosen by my Production Designer.

“Or watch Madrasta na lang if you don’t have gana to watch my other movies.1996 pa yon.”

Continue reading below ↓

“THEY ARE BAD PEOPLE”

Ang pagtatanggol na ito ni Sharon sa sarili ay nag-ugat sa batikos na natanggap dahil sa kanyang Instagram post noong July 5.

Larawan ito ng isang Rolex watch.

Nakalagay sa kanyang caption: “You. They might never have you. Because they are bad people.

“But I love you! And >>> Am wearing you now.”

Continue reading below ↓

Napansin naman ng netizens na may kaparehong post ang ROLEX boutique Ramat Aviv/TLV Israel sa Instagram.

Nakasulat sa caption: “DAY DATE 36 Ref 128235 RBR
"#rolex #rolexshowisrael #daydate #diamonds #classic #elegant #men #women #montre #swiss #beautiful #pink #jewelry

Mapapansing parehong-pareho ang larawan sa post na ito ni Sharon pati petsang nakalagay sa relo.

Continue reading below ↓

Binura kaagad ni Sharon ang kanyang post noon.

HOT STORIES

THE GOLD ROLEX

Noong 2018, nag-post si Sharon tungkol sa dalawang mamahaling Rolex na kanyang pagmamay-ari.

Habang naglilinis daw siya ng safe noong June 26, 2018, nakita ni Sharon ang singsing na may “P” cut diamond.

Regalo raw niya ito sa kanyang namayapang amang si former Pasay City Mayor Pablo Cuneta.

Continue reading below ↓

Kasunod nito ay nahanap ni Sharon ang isang Rolex watch na regalo rin niya sa ama sa selebrasyon ng Father’s Day.

Dagdag ni Sharon, “I remember my Dad and I agreeing to keep it a secret.

“So when Mom noticed the watch and asked from whom it was, Daddy said it was from our dear family friend Mr. Nano Nocom.

“But Mom found out agad na it was from me pala—kasi naman sa City Hall where Dad was working (he was Mayor of Pasay then), pinapagmalaki niya na 'Galing sa anak kong si Sharon ito!' to anyone who cared to listen!”

Nagselos daw ang kanyang inang si Elaine Cuneta kaya binilhan din daw niya ito ng Rolex.

Sabi pa niya, “I am now wearing them both...and feel like my Dad is near. I miss you, my Daddy.

“I wish you were here to hug me and give me a good “talking to” to remind me to fight for myself and to follow my heart, and not always think of other people before “me.”

Continue reading below ↓

“I love you with all my heart, my Daddy. I really miss you...”

Hindi naman malinaw kung ang suot na Rolex ni Sharon sa kanyang Instagram post ay isa sa dalawang Rolex na regalo niya sa yumaong ama, o iba pa.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sharon Cuneta on Rolex watch she posted on Instagram (right): "You mean people thought I just grabbed the pic of the wrist wearing the watch? Hahahaha! Que babaw.”
PHOTO/S: Courtesy: @reallysharoncuneta / watchshow_rolex_israel on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results