Bela Padilla says she's not DDS; explains Sagada trip with Piolo Pascual, Joyce Bernal

by Rachelle Siazon
Jul 10, 2020
Bela Padilla (left) answers queries about how she got included in the group of Joyce Bernal (right) and actor Piolo Pascual (center) that was authorized to shoot video materials for President Rodrigo Duterte's SONA on July 27.
PHOTO/S: Noel Orsal

Binasag na ni Bela Padilla ang pananahimik hinggil sa pagkakadawit niya sa kontrobersiyal na biyahe sa Sagada ng grupo nina Piolo Pascual at Joyce Bernal.

Kumalat sa social media ang kumpletong listahan ng grupong binigyan ng "authorization" para magbiyahe sa mga lugar na kukunan ng footage para sa nalalapit na State of The Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kabilang ang "Baguio (and nearby areas), Sagada, at Kalinga" sa mga nabanggit na lugar na kukunan ng playbacks para sa SONA.

Galing ang authorization letter mula sa Presidential Broadcast Staff-Radio Television Malacanang.

Una sa listahan ang TV at film director na si Joyce, na siyang direktor ng ginanap na SONA noong 2019 at magiging direktor muli nitong SONA 2020.

Kasama rin ang Kapamilya stars na sina Piolo at Bela at Filipino innovator na si Illac Diaz.

Continue reading below ↓

Isang netizen ang nagtanong kung bakit kasama si Bela sa grupo na authorized na maghanda para sa "broadcast/production" ng SONA.

"Wait, is @padillabela a DDS? If so, what a plot twist!" tweet ng netizen.

Ang ibig sabihin ng DDS ay Diehard Duterte Supporter.


Diretsahan itong sinagot ni Bela bandang alas dos ng umaga nitong Biyernes, July 10.

Continue reading below ↓

"Nope not at all," ani Bela kalakip ng smiley emoji.


HOT STORIES

BELA GOES HOME ALONE

Kasunod nito ay nagpaliwanag si Bela kung bakit nakasama siya sa listahan ng authorization letter ng PBS-RTVM.

Ayon kay Bela, hindi raw ang para sa SONA ang ipinunta niya sa Sagada, kundi para sa Liter of Light.

Continue reading below ↓

Ang Liter of Light ay isang social enterprise na layuning makapag-distribute ng low-cost solar light bulbs upang magbigay-liwanag sa mga komunidad na walang kuryente. Ang founder nito ay si Illac.

Nang malaman daw ni Bela na magsyu-shoot ang grupo nina Joyce at Piolo para sa SONA, agad daw umuwi mag-isa ang Kapamilya actress.

Hindi nabanggit ni Bela kung hanggang saang lugar siya umabot at kung saan siya humiwalay sa grupo nina Joyce at Piolo.

"I was told we were going to shoot for Liter Of Light (which we did)...

"but as soon as I found out that us being there could have any connection with the SONA, I went home alone, immediately, because I have no participation in it anyway."

Continue reading below ↓

Sabi pa ng netizen: "In conclusion, you are not a supporter of this admin, and you will not be pariticipating in the SONA in any way. We will take your word for it. Thanks ulit! Cheers!"

Sagot ulit ni Bela, "In the most respectful way to everyone involved, yes. cheers!"


Continue reading below ↓

THE SAGADA INCIDENT

Sa ulat ng PEP.ph noong July 6, nakadetalye na dumating ang grupo nina Piolo at Joyce sa Sagada noong Linggo ng hapon, July 5.

Pero matapos ang isang emergency meeting, hindi pumayag ang SAGADA COVID-19 Task Force na kumuha roon ng video ang grupo nina Joyce at Piolo dahil sa health and safety reasons.

Sa isang official letter, ipinaliwanag ni Sagada Vice-Mayor Felicito Dula na pansamantalang suspendido ang anumang tourism-related activities sa lugar dahil sa pandemya.

Hindi rin daw pinapayagan ang non-residents mula sa red areas na pumasok ng Sagada.

Alinsunod daw ito sa resolusyon ng Sangguniang Bayan upang mapanitiling COVID-19-free ang kanilang bayan.

Lalo pa't bilang "5th Class Community," hindi raw kakayanin ng health facilities sa lugar sakaling lumaganap ang virus doon.

Sa Facebook post ng Sagada Municipality noong July 7, sinabing naintindihan naman daw ni Direk Joyce ang sitwasyon.

Pinayagan din daw ang grupo nina Joyce at Piolo na magpalipas ng gabi sa Sagada Cellar Door cafe and restaurant, dahil humigit kumulang siyam na oras ang pabalik ng Maynila.

Continue reading below ↓

Siniguro naman ng Sagada COVID-19 Task Force na sasailalim ang Cellar Door sa 14-day quarantine pagkaalis ng grupo nina Joyce at Piolo noong Lunes, 6.

Sa hiwalay na ulat ng Rappler noong July 7, nabanggit na kasama si Bela nina Piolo, Bela, at Illac na dumating sa Sagada, Mountain Province.

Mula sa Sagada, bumiyahe rin daw ang grupo patungong Banaue para kumuha ng video sa Batad Rice Terraces.

Pero hindi pinayagang makapasok sa parehong lugar ang grupo.

PIOLO'S EXPLANATION

Sa official statement ni Piolo kagabi, July 9, kinumpirma niyang sinubukan ng kanilang grupo na mag-shoot sa Sagada at Banaue pero nabigo sila dahil sa health protocols.

Ang tanging lugar kunsaan sila pinayagang mag-shoot ng video ay sa Baguio City. Aprubado raw iyon ng tanggapan ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong.

Siniguro ni Piolo na sumunod sila sa safety protocols at kumuha lamang ng nature shots na walang kasamang tao.

Hindi binanggit ni Piolo si Bela sa kanyang statement. Ang tanging kinumpirma niya ay naroon din ang kaibigang niyang si Illac Diaz.

Continue reading below ↓

Depensa ni Piolo, sinamahan lamang nila ni Illac si Joyce sa pagkuha nito ng video materials na ipapalabas bago magsimula ang SONA.

Taliwas sa mga batikos na natatanggap niya, wala raw bahid ng pulitika ang pagsama niya sa biyaheng iyon.

"Loyal" daw siya sa kanyang home network at araw-araw daw na kasama sa kanyang dasal ang ABS-CBN, na dumadaan sa matinding pagsubok sa pag-apply ng panibagong prankisa.

Ayon pa kay Piolo, "I love my country regardless of who the President is and I love my home network which is ABS-CBN."

Alam ng lahat na matindi ang galit ni Presidente Rodrigo Duterte sa ABS-CBN, dahil ang presidente rin mismo ang nag-anunsiyo nito nang makailang ulit.

May pagtingin din ang mga mamamayan na mas maraming kongresista ang hindi papalag sa kagustuhan ng presidente.

HOT STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Continue reading below ↓

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bela Padilla (left) answers queries about how she got included in the group of Joyce Bernal (right) and actor Piolo Pascual (center) that was authorized to shoot video materials for President Rodrigo Duterte's SONA on July 27.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results