Congressman Alfred Vargas inhibits from voting on ABS-CBN franchise; uses "conflict of interest" as excuse

by PEP team
Jul 10, 2020
Congressman Alfred Vargas: conscience or cop-out?
PHOTO/S: Instagram

Nag-inhibit si Quezon City 5th District Representative Alfred Vargas sa pagboto sa franchise renewal application ng ABS-CBN ngayong Biyernes, July 10.

Ito ay kahit pa marami ang umaasang boboto ang 38-year-old lawmaker pabor sa pagpapatuloy ng operasyon ng Kapamilya network, bilang bahagi siya ng entertainment industry.

At iyon pa mismo ang ginawang dahilan ng actor-politician.

May "conflict of interest" daw kasi siya sa usapin kaya kailangan niyang mag-inhibit.

Si Alfred ay miyembro ng House Committee on Legislative Franchises.

Ngayong Biyernes ng hapon, bumoto ng 70-11 ang komite pabor sa rekomendasyon ng technical working group (TWG) ng Kamara na ibasura ang pinagsama-samang panukala para bigyan ng 25-year legislative franchise ang ABS-CBN.

Pitumpu ang bumoto para tuluyang matigil ang operasyon ng network, habang 11 naman ang sang-ayon na mabigyan ito ng prangkisa.

Dalawa ang nag-inhibit sa botohan, kasama si Alfred, habang isa ang nag-abstain, o hindi bumoto.

"I AM DUTY BOUND TO INHIBIT MYSELF FROM VOTING"

Inihayag ni Alfred ang pag-inhibit niya sa botohan sa pamamagitan ng isang official statement.

Continue reading below ↓

Taliwas ito sa report na inilabas ng The Manila Times nitong Miyerkules, July 8, na kabilang si Alfred sa boboto ng "No" sa pagbibigay ng bagong prangkisa sa ABS-CBN.

Sa pahayag ng aktor, sinabi niyang napilitan siyang mag-inhibit bilang pagtalima sa Code of Conduct for Public Officials.

Paliwanag niya, bilang actor-producer ay nagkaroon siya ng "artistic projects" sa ABS-CBN.

"Thus, out of propriety and as dictated by law, I am duty bound to inhibit myself from voting on the application for the franchise of ABS-CBN."


Continue reading below ↓

Hindi naman naging katanggap-tanggap ang paliwanag na ito ng kongresista.

Para sa ilang tagamasid, ang pag-inhibit ni Alfred ay pag-iwas sa malaking responsibilidad na iniatang sa kanya bilang mambabatas, at pag-iwas din sa maiaambag sana niya bilang bahagi ng film and TV industry.

Si Alfred ay kabilang sa ruling party na PDP-Laban, ang partidong pinamumunuan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Hindi lingid sa kaalaman ng publiko ang makailang-ulit na deklarasyon ng Pangulo na hindi niya papayagang mabigyan ng bagong prangkisa ang ABS-CBN.

Bilang nasa iisang partido sila, hindi mahirap isiping nahirapan si Alfred sumuway sa kagustuhan ng Presidente, na mas naging tapat sanang paliwanag ng boto niya.

At kung totoong may "conscience vote" na nangyayari sa Lower House, gaya ng ipinagmamalaki ni House Speaker Alan Peter Cayetano apat na araw bago magbotohan, dapat ay bumoto si Alfred ayon sa kanyang prinsipyo.

Sa huli, pinili ni Alfred na huwag bumoto at hayaan ang kanyang mga kasamahan sa Kongreso magdesisyon sa kapalaran ng ABS-CBN.

Playing safe ang tingin ng iba sa kanyang ginawa.

Continue reading below ↓

ALFRED STARTED AS A STAR MAGIC TALENT

Nagsimula si Alfred sa showbiz bilang bahagi ng Star Magic Batch 10.

Ang Star Magic ang talent management arm ng ABS-CBN.

Sa pangangalaga ng Star Magic, gumawa si Alfred ng mga teleserye sa ABS-CBN, kabilang ang Pangako Sa 'Yo (2002) at Sa Dulo ng Walang Hanggan (2003).

Taong 2004 ay lumipat siya sa bakuran ng GMA-7.

Pagsapit ng 2010, sumabak si Alfred sa pulitika at nahalal na konsehal sa ikalawang distrito ng Quezon City.

Taong 2013 nang naging kongresista si Alfred para sa 5th district ng Quezon City.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Congressman Alfred Vargas: conscience or cop-out?
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results