GMA-7 personalities to ABS-CBN colleagues: "Mahigpit na yakap. Kapit."

by Bernie V. Franco
Jul 10, 2020
Two separate networks, one industry: GMA-7 stars and personalities took to social media to send words of comfort and encouragement to ABS-CBN. (L-R) Janine Gutierrez, Kara David, Bea Binene, Joseph Morong, Chynna Ortaleza, and Raffy Tima. Today, July 10, 2020, Congress junked the Kapamilya network's appeal for franchise renewal.
PHOTO/S: @janinegutierrez, @iamkaradavid,

“Mahigpit na yakap. Kapit.”

Ito ang mga simple pero makabuluhang katagang ipinaabot ng ilang GMA-7 artists and news personalities para sa mga kasamahan sa industriya na nasa ABS-CBN.

Ngayong Biyernes, July 10, 2020, nabigo ang Kapamilya network na makakuha ng franchise renewal mula sa House Committee on Legislative Franchises.

Sa ika-13 at huling House hearing ngayong Biyernes, 70 kongresista ang nag-“Yes” na huwag nang i-renew ang prangkisa ng TV network.

Mayroon lamang 11 kongresista ang nag-“No,” na pumapabor na i-renew ang franchise ang ABS-CBN.

Dalawang kongresista ang nag-inhibit, kabilang si Quezon City 5th District Representative Alfred Vargas, at isa naman ang nag-abstain.

Ilang saglit matapos ianunsiyo ng Kongreso ang desisyon nito, nagsunud-sunod ang social media posts ng mga artista mula sa Kapuso network.

JANINE GUTIERREZ

“Unbelievable,” tweet agad ni Janine Gutierrez.

Mensahe pa ni Janine sa ABS-CBN: “Hoping for the best for you.”

Kasunod nito ang praying emoji, tatlong hearts taglay ang mga kulay ng ABS-CBN logo (red, green, blue), at Philippine flag emoji.

Continue reading below ↓

BEA BINENE

Bago lumabas ang desisyon ng Congress, nag-tweet si Bea Binene: “Dasal para sa ating mga Kapusong kapitbahay.”

Sinundan niya ito ng isa pang mensahe nang matapos ang hearing:

“nasabi ko na ‘to noon, parang mas kailangan ‘to ngayon…

“dasal, mahigpit na virtual yakap at puso. Praying emoji

“kapit lang [ABS-CBN-hearts emoji].

Continue reading below ↓

BARBIE FORTEZA & lauren young

Simple ang tweet ni Barbie Forteza: “Isang mahigpit na yakap. [broken heart emoji]”

Apektado rin si Lauren Young sa sinapit ng kanyang dating home network.

Tweet niya: “No words atm [at the moment] [crying emoji].”

Continue reading below ↓

CHYNNA ORTALEZA & MARK BAUTISTA

Ito naman ang mensahe ni Chynna Ortaleza para sa ABS-CBN:

“My heart will only allow light to come in..

“Nothing bad ever comes from closed doors.

“I know something better will come from this,” ani Chynna.

“@ABSCBNNews [heart emoji] We stay strong together.”

Umapela rin si Chynna na maging mapili sa susunod na halalan.

Continue reading below ↓

Sapul ng tweet ng aktres ang dapat gawin: “Please do not forget how this feels. Please.

“To everyone who can vote. Never take for granted your power to shape the future of the Filipino people.”

Puno rin ang pag-asa ang Kapuso singer na si Mark Bautista, na dating taga-ABS-CBN.

Post ni Mark: “God will restore everything.. Yakap sa lahat ng kapamilya.”

Continue reading below ↓

JOSEPH MORONG

Tuluy-tuloy rin ang pagpapaabot ng words of encouragement ng ilang anchors at reporters ng GMA News and Public Affairs para sa mga kasamahan sa ABS-CBN.

Bago lumabas ang desisyon, nag-tweet ng pakikiisa si Joseph Morong, GMA News senior reporter.

Aniya, “To all my friends over at Mother Ignacia, my thoughts and prayers are with you.

Continue reading below ↓

“As I’ve said before, history will be your guide. You are forged in fire. This, too shall pass.”

KARA DAVID

Nakisimpatiya rin ang GMA-7 senior reporter at documentary host na si Kara David sa kaibigan nitong si Karmina Constantino, host ng ANC (ABS-CN News Channel).

Tweet ni Kara: “Hugs partner [ABS-CBN-hearts emoji] stay strong.”

Continue reading below ↓

Nakakaantig ng damdamin ang kanyang sumunod na mensahe para sa mga “magigiting” na kasamahan sa industriya mula sa kabilang network.

Ani Kara, “Respeto para sa magigiting na kasamahan namin sa media.

“Malungkot na araw, pero tuloy ang paghahatid natin ng katotohanan.

“To my friends in ABSCBN, stay strong.

“Always praying for you [ABS-CBN-hearts emoji].”

Continue reading below ↓

IVAN MAYRINA & connie sison

Nag-tweet muli ang Kapuso anchor-host na si Ivan Mayrina para sa mga kasamahan sa kabilang network.

Aniya sa Kapampangan, “Alang tatabili. Milabas yan, cabalen,” na sa Tagalog ay “walang bibitiw, lilipas ‘yan, kababayan.”

Mensahe ng news anchor-host na si Connie Sison: “Praying for my Kapamilya friends. [ABS-CBN-hearts emoji]”

Continue reading below ↓

Si Connie ay dati ring news reporter at anchor sa ABS-CBN.

Continue reading below ↓

RAFFY TIMA

May reply ang GMA News senior reporter na si Raffy Tima sa post ng ABS-CBN reporter na si Jeff Canoy.

Tweet ni Jeff: “Hindi rito natatapos ang ating kuwento, kapamilya.

“Tuloy ang serbisyo para sa Pilipino.

“Pero yakap muna sa aking mga kasamahan. Mahal na mahal na mahal ko kayo.”

Mensahe ni Raffy: “Ang hirap magsulat ng istorya kung alam mong nanganganib ang iyong mga kasama sa industriya.

“Kapit.”

Continue reading below ↓

Kapuri-puri ang mga mensaheng ito ng mga taga-GMA-7 para sa mga kasamahan sa ABS-CBN.

Ipinaramdam nila ang kanilang pakikiisa sila dahil iisa ang kinabibilangan nilang industriya.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Two separate networks, one industry: GMA-7 stars and personalities took to social media to send words of comfort and encouragement to ABS-CBN. (L-R) Janine Gutierrez, Kara David, Bea Binene, Joseph Morong, Chynna Ortaleza, and Raffy Tima. Today, July 10, 2020, Congress junked the Kapamilya network's appeal for franchise renewal.
PHOTO/S: @janinegutierrez, @iamkaradavid,
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results