Kim, Maja, Liza, Bea heartbroken by the killing of ABS-CBN franchise

by Rachelle Siazon
Jul 10, 2020
Kapamilya leading ladies (from left) Kim Chiu, Maja Salvador, Liza Soberano, and Bea Alonzo express dismay about the overwhelming number of congressmen who voted yes to denying the ABS-CBN franchise.
PHOTO/S: Instagram

Nadurog ang puso ng Kapamilya stars matapos marinig ang desisyon ng Kongreso na ibasura ang hiling ng ABS-CBN na i-renew ang prangkisa nito.

Landslide victory ang nakamit ng mga kongresistang bumoto ng "YES" sa mosyon na hindi dapat bigyan ng lisensiya ang ABS-CBN na mag-broadcast sa radyo at telebisyon.

Ang final votes: 70 ang YES, 11 ang NO, dalawa ang nag-inhibit, at may isang nag-abstain.

KIM CHIU

"Grabe po kayo. sobra po," tweet ni Kim kalakip ng broken heart at crying emojis.

Dagdag niya, "Matinding Yakap mga kapamilya! tinanggalan na nila tayo ng pag asa."


Continue reading below ↓

Tulad ng paninindigan ng ABS-CBN management, naniniwala si Kim na walang nilabag na batas ang Kapamilya Network.

"Wala namang violations na nilabag, nangako naman na aayusin ang mali, para saan pa at nag HEARING??? Para saan yun? Para magpahiya?

"sorry for my words pero sobrang grabe lang po talaga ang nangyari."

Continue reading below ↓

Hindi raw maintindihan ni Kim kung bakit hindi binigyan ng pansin ang paliwanag ng ABS-CBN top executives na dumalo sa 13 hearings sa Kongreso.

Pati raw pagpapatunay ng iba't ibang ahensiya ng gobyerno na walang nilabag na batas ang ABS-CBN ay hindi man lang isinaalang-alang sa desisyon.

Sabi pa ni Kim: "We voted for our law makers into power hoping that they will act for the greater good. But, what happened today?... what happened to the 13 hearings?

"Abscbn proved na walang violations ang nagawa. Why are we experiencing this?

"Why now?. Why not help each other for the better?"

Continue reading below ↓

Bago pa nag-anunsiyo ang Kongreso ng desisyon, umalma si Kim sa nakakalito umanong premise ng pagbobotohan ng mga kongresista.

Una kasing ginamit ng ABS-CBN supporters ang hashtag na "#VoteYesForABSCBNFranchise."

Saka lamang nila ito pinalitan ng "#NoToABSCBNFranchiseDenial" nang mapag-alaman na ang premise ng botohan ay ibasura ang hinihinging franchise renewal ng network.

"Grabe. Nililito nila ang mga tao. #NOToABSCBNFranchiseDenial," tweet ni Kim.


Continue reading below ↓

MAJA SALVADOR

Brokenhearted din si Maja Salvador.

"YAKAP NG MAHIGPIT KAPAMILYA!" tweet ni Maja.

Kalakip ng crying at broken heart emojis, tanong ni Maja, "sa 70 plus na ayaw i-renew ang ABSCBN... bakit po? bakit?"


Nagpasalamat siya sa 11 kongresistang bumoto pabor para ma-renew ang ABS-CBN franchise.

Kabilang dito sina Vilma Santos-Recto, Sol Aragones, Toff de Venecia, Caloi Zarate, Gab Bordado, Lianda Bolilia, Ping Tejada, Beny Abante, Stella Quimbo, Mujiv Hataman, at Edward Maceda.

Continue reading below ↓

Para sa ABS-CBN management, mensahe ni Maja: "sa aming mga Bosses, sa lahat ng empleyado ng ABSCBN... mahigpit na yakap Kapamilya! babangon tayo muli!"


DAN VILLEGAS & ANTOINETTE JADAONE

Ang resident ABS-CBN TV and film directors na sina Antoinette "Tonette" Jadaone at Dan Villegas ay hindi makapaniwalang ganoon na lang ang dami ng kongresistang pabor na hindi magpatuloy ang operasyon ng broadcast giant.

Continue reading below ↓

"T*ng *n*. Wala akong masabi," tweet ni Direk Dan.

Dagdag niya, "70-11. We will never forget."

Nagpasalamat din si Direk sa 11 kongresistang bumoto pabor sa ABS-CBN.


"No words" si Direk Tonet sa mga kongresistang bumoto ng "No."

Aniya, "MGA PASISTA. MAY ARAW DIN KAYO. TATANDAAN NAMIN ITO. SUKDULAN NA."

Continue reading below ↓


GARY VALENCIANO

Umalma rin si Gary Valenciano sa kawalan ng puso ng mga kongresista na hinayaang mawalan ng trabaho ang libu-libong empleyado ng ABS-CBN.

Aanhin daw ang talino kung wala namang kabutihang loob.

Tweet ni Gary, "If there’s one lesson I’ve learned about some men and women with such brilliant minds; you can have such amazing intellect but still have no compassion in your heart.

Continue reading below ↓

"Sad. It makes one resemble a resounding bell making the same noise over and over and over again #kapamilyaforever."

Sa kabilang banda, nagpasalamat din si Gary sa lahat ng mga naghayag ng suporta sa gitna ng kalbaryong dinaranas ng ABS-CBN.

"Even now...I thank all who have shown us their support.

"Thank you for all your words of encouragement, and your constructive criticism.

"Many of you have moved me with your honest care and reasoning. I will continue to do my best for you."


Continue reading below ↓

LIZA SOBERANO

Lubha ring ikinalungkot ni Liza ang desisyon ng karamihan sa mga kongresistang nasa komite.

Mensahe niya sa mga Kapamilya: "Wish I could hug everyone i love from ABS-CBN right now

"To all the employees who are greatly affected by this. I’m sorry.

"I’m sorry they aren’t sorry."

BEA ALONZO

Natulala raw si Bea nang marinig na ibinasura na ang hiling na franchise renewal ng ABS-CBN.

Continue reading below ↓

Ani Bea, "Tapos na ang botohan. Nakakatulala. Parang panaginip. Yakap mga kapamilya."

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapamilya leading ladies (from left) Kim Chiu, Maja Salvador, Liza Soberano, and Bea Alonzo express dismay about the overwhelming number of congressmen who voted yes to denying the ABS-CBN franchise.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results