Vilma Santos surprised by Congress vote on ABS-CBN franchise: "Bakit naman kami naging labing-isa?"

by Arniel C. Serato
Jul 10, 2020
Batangas 6th District Representative Vilma Santos-Recto on landslide votes against non-renewal of ABS-CBN legislative franchise: “Kung nagulat po kayo, maski ako kanina ay nagulat na, 'Bakit kami... very significant naman na, bakit bigla naman kaming naging labing-isa?'"
PHOTO/S: PEP.ph File

Labis na ikinalungkot at ikinadismaya ng veteran actress na si Batangas 6th District Representative Vilma Santos-Recto ang pagkabasura ng franchise application ng ABS-CBN.

Si Vilma ang may akda ng House Bill No. 4305, isa sa 14 panukalang batas na inihain sa House Committee on Legislative Franchises para sa bagong prangkisa ng ABS-CBN.

Isa rin ang actress-politician sa labing-isang (11) mambabatas na bumoto pabor sa aplikasyon ng Kapamilya network ngayong araw, July 10, 2020.

Ang sampu pang mambabatas na bumoto ng “No” sa rekomendasyon ng Technical Working Group (TWG) ng komite na hindi bigyan ng prangkisa ang ABS-CBN ay ang mga sumusunod:

Sol Aragones (Laguna 3rd District), Christopher De Venecia (Pangasinan 4th District), Carlos Zarate (Bayan Muna Party-list), Gabriel Bordado Jr. (Camarines Sur 3rd District)…

Lianda Bolilia (Batangas 4th District), Jose Tejada (North Cotabato 3rd District), Bienvenido Abante (Manila 6th District), Stella Quimbo (Marikina 2nd District), Mujiv Hataman (Basilan), at Edward Maceda (Manila 4th District).

Continue reading below ↓

“Tomorrow is another day,” bungad ni Vilma sa panayam nina Peter Musngi at Pat-P Daza sa DZMM ngayong gabi.

Ikinagulat daw ng 66-year-old lawmaker ang naging resulta ng botohan, kung saan pitumpu (70) ang bumoto ng “Yes” pabor sa pagbasura ng franchise application ng broadcast giant.

Sabi ng tinaguriang Star For All Seasons, “Alam niyo, sa totoo lang po, pareho rin ninyo, ako rin ay nagulat.

“Kasi initially po, maski sa mga pagdinig, lalo na nung mga unang panahon na dinidinig po ito, ay alam ko po na kahit papa'no marami pong sumusuporta sa bill na ito na nilalaban namin—the renewal of franchise sa ABS-CBN.

“Kung nagulat po kayo, maski ako kanina ay nagulat na, 'Bakit kami... very significant naman na, bakit bigla naman kaming naging labing-isa?'

“So, may mga ganyang palakad na kung minsan ay hindi natin basta-basta matatanong o makukuwestiyon.

“E, ganyan ho ang naging palakad, so maski ako, hanggang ngayon, hindi ko pa rin ma-absorb.

Continue reading below ↓

“Pero 'yan na po naging desisyon, so wala na po tayong magagawa.”

Pinanindigan din ni Vilma na sa labintatlong araw na pagdinig—na umabot ng halos dalawang buwan—walang napatunayang paglabag ang ABS-CBN.

Saad ng mambabatas, “Sa mga hearings na pong ginawa, kaya naman po tayo nanindigan, nakita naman po natin yung mga ini-issue na violations.

“Napatunayan naman po ng mga national agencies na wala naman po talagang nalabag.

“Kung meron mang mga administratibong pagkukulang, yun naman po ay nakukorek. Meron naman po tayong proseso sa batas maging administratibo.”

SYMPATHY FOR THE 11,000 EMPLOYEES, TALENTS

Kung may mga paglabag man sa probisyon sa dating prangkisa ng ABS-CBN, hindi raw dapat humantong sa puntong isasara ang istasyon.

Hindi rin daw masasabing ginawang shield ng kumpanya ang 11,000 employees and talents nito.

Sabi ni Vilma, “I believe, hindi ito ginagawang shield, but we really… harapin po natin ang katotohanan.

“Sino po ang nag-iisip na darating ang pandemyang ito? Sino po ang mag-iisip na ilan na po ngayong tao ang wala na pong trabaho?

Continue reading below ↓

“So, ang point ko lang po sana, mabalanse man lang, mabalanse man lang sana yung ini-expect ko na magiging desisyon at mapag-aaralan."

Diin pa niya, “Yung hindi ginagawang shield, but we state the truth—11,000... more than 11,000 muli ang mawalawalan na naman po ng trabaho.

“At haharap na naman po sa... hindi natin alam kung paano ang susunod sa buhay nila with the present situation sa hinaharap ngayon sa pandemya ng COVID-19.

“Maski ako, hindi ko alam kung saan pupulutin ito ngayon, itong bansa natin.

“With the economy natin ngayon na naghihirap, walang trabaho, hindi ho ito madaling isipin."

Ano ang nakikita niyang ikabubuhay ng mga empleyado at talents na napagdaanan din niya bilang isang artista dati?

Bago pa man sumagot si Vilma ay naiiyak na siya.

Saad niya, “Yung sa akin lang po siguro, yung nasa isip ko lang po, yung mga kapwa ko artista, kahit papa'no makaka-survive 'yan.

Continue reading below ↓

“Maraming opportunities ang pupuwedeng dumating sa kanila.

“Pero ang iniisip ko lang din po, yun talagang mga utility men, cameramen, yung mga make-up artists, yung mga ordinaryong empleyado.

“Hindi ganun kadali na sabihin na, ‘Wala ka nang trabaho ngayon, maghanap ka na bukas.’

“Hindi po ganun kadali yun. Again, let me reiterate, iba ang panahon ngayon.

"Hindi ngayon ang panahon na ang tao ay maging heartless."

Diin pa ni Vilma, “Iba ang buhay ngayon, mahirap ang buhay, ang daming walang trabaho. Ang daming nagsarang kumpanya.”

Sa ngayon, may dalawang options ang ABS-CBN para sa kanyang prangkisa.

Una, ang mag-file ng motion for reconsideration sa Legislative Franchises committee sa loob ng dalawampu’t apat na oras.

Ang ikalawa, ang mag-apply muli ng prangkisa sa pagbubukas ng sesyon sa katapusan ng Hulyo.

Ngunit sa dami ng mga mambabatas na bumoto para huwag bigyan ng prangkisa ang ABS-CBN, mukhang wala ring silbi ang ganitong hakbang sa kasalukuyang administrasyon.

Alam ng lahat na ang galit sa ABS-CBN ay si Pangulong Rodrigo Duterte mismo. Siya rin kasi ang makailang-ulit nagsabi nito sa publiko.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Batangas 6th District Representative Vilma Santos-Recto on landslide votes against non-renewal of ABS-CBN legislative franchise: “Kung nagulat po kayo, maski ako kanina ay nagulat na, 'Bakit kami... very significant naman na, bakit bigla naman kaming naging labing-isa?'"
PHOTO/S: PEP.ph File
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results