Gretchen Barretto disowns Twitter account criticizing Duterte, 70 congressmen

by Rachelle Siazon
Jul 11, 2020
Gretchen Barretto, a supporter of President Duterte, stays away from ABS-CBN franchise issue. She says, "I Have Not made a single statement regarding congress & abs cbn."
PHOTO/S: @gretchenbarretto Instagram

"I AM PRO DUTERTE."

Ito ang pahayag ni Gretchen Barretto.

Sinamahan pa niya ito ng tatlong fist bump emojis na trademark hand gesture ni Pangulong Rodrigo Duterte noong panahon ng 2016 elections.

Kasabay nito, mariing pinabulaanan ni Gretchen na siya ang may gawa ng isang tweet gamit ang hashtag na "#oustdutertenow."

Mayroon itong handle na @realgretchenb.

Imposible raw na siya iyon dahil open supporter siya ng Pangulo.

Paglilinaw ni Gretchen, "This is a FAKE Twitter ACCOUNT! I DO NOT HAVE A TWITTER ACCOUNT."


Continue reading below ↓

HOT STORIES

POSER'S TWEETS AGAINST PRESIDENT, 70 CONGRESSMEN

Kung susuriin ang @realgretchenb account, mayroon itong mahigit 3,000 followers.

Mayroon itong mga tweets na binabatikos ang Pangulo at ang pamahalaan sa iba't ibang isyu sa gobyerno.

At nito ngang Biyernes ng gabi, July 10, nakalagay sa pinned tweet ang pahayag nitong "The hashtag is the tweet. #OustDuterteNow."

Sunud-sunod din ang pagkondena ni @realgretchenb sa pagbasura ng Kongreso sa hiling na prangkisa ng ABS-CBN.

Ayon sa isa niyang tweet: "Remember these 11 brave congressmen who truly represents the people. We will never forget. You will have our support #Halalan2022

"And the 71 pigs who voted YES to ABS CBN DENIAL, your day will come.

"#yestoABSCBNFranchiseRenewal #IbalikAngABCBN"

Sa botohan sa Kongreso, 70 ang bumotong hindi bigyan ng prangkisa ang ABS-CBN, 11 ang pabor sa ABS-CBN, may dalawang nag-inhibit, at isang nag-abstain.

Sa sumunod na tweet ni @realgretchenb, kinorek niya ang "71" at ginawang "70 congressmen," pero disgustado pa rin siya at ginawa raw "joke" ng mga ito ang hearings sa ABS-CBN franchise.

Continue reading below ↓

Diin niya, "the 70 pig congressmen are mere puppets ng poon ng kulto. im not sorry. #yestoABSCBNFranchiseRenewal #Halalan2022"

GRETCHEN: NO SUCH STATEMENT ABOUT 70 CONGRESSMEN

Sa official Instagram account ni Gretchen, nilinaw niyang hindi siya nakikisali sa isyu ng ABS-CBN at Kamara.

Ipinost din niya ang screenshot mula sa poser niyang @realgretchenb, na tinawag na "pigs" ang mga kongresistang bumoto ng "YES" sa pag-junk ng franchise application ng Kapamilya network.

Paglilinaw ni Gretchen: THIS IS A FAKE TWITTER ACCOUNT!!!

"I Have Not made a single statement regarding congress & abs cbn."

Continue reading below ↓

RITA AVILA REACTS

Sa comments section, nag-iwan ng mensahe ang aktres na si Rita Avila.

"You are right, no single statement made," ani Rita, na hindi mawari kung sumasang-ayon lang ito o may iba itong mensaheng nais iparating kay Gretchen.

Ang interpretasyon ng ibang netizens, simpleng pananabla raw iyon ni Rita kay Gretchen.

"Savage" at "palaban" daw ang dating ng komento ni Rita.

Continue reading below ↓

Hirit pa ng isang netizen, "The battle of the former Seiko stars."

Makalipas ang ilang oras, nagkomento muli si Rita at nilinaw na hindi niya tinatabla si Gretchen.

"Hmmm, I think some didn’t get my comment right. I am supporting Gretchen for her truthful caption. Tutoo ang sinabi nya."

Noong 2010, napanood si Gretchen sa ABS-CBN primetime series na Magkaribal, kasama sina Bea Alonzo, Angel Aquino, at Derek Ramsay.

Continue reading below ↓

Si Rita ay huling napanood sa ABS-CBN weekly series na The Haunted, na pinagbidahan nina Jake Cuenca at Shaina Magdayao. Asawa ni Rita ang ABS-CBN resident TV drama director na si FM Reyes.

RITA'S LATEST INSTAGRAM POST

Bukas si Rita sa paglabas ng hinaing tungkol sa panggigipit sa ABS-CBN at 11,000 employees nito sa gitna ng pandemya.

Sa kanyang latest Instagram post nitong July 10, ibinahagi ni Rita ang quote card na naglalaman ng banta ni Pangulong Duterte laban sa ABS-CBN noong December 2019.

Sabi rito: "Ang ABS-CBN franchise ay mag-end next year. If you expect na ma-renew 'yan, I'm sorry. I will see to it that you're out."

Inihayag ito ng Pangulo sa isang talumpati sa oath-taking ng newly appointed officials sa Malacañang.

Komento ni Rita ukol dito: "Eh ganun na nga po. Pinatay na po sa gitna ng sobrang kahirapan ng mga Pilipino."

Continue reading below ↓

Sa official statement ng Malacañang, nakasaad na "neutral" ang posisyon nito hinggil sa pag-deny ng Kongreso sa franchise renewal application ng ABS-CBN.

"Sole prerogative" raw ito ng Kongreso, na nirerespeto raw ng Malacañang.

HOT STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gretchen Barretto, a supporter of President Duterte, stays away from ABS-CBN franchise issue. She says, "I Have Not made a single statement regarding congress & abs cbn."
PHOTO/S: @gretchenbarretto Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results