Lawmakers worried for ABS-CBN workers; say killing franchise sends warning to media: “Toe the line or get shut down.”

by Jet Hitosis
Jul 11, 2020
(L-R) Senators Grace Poe, Risa Hontiveros, Joel Villanueva, and Francis Pangilinan sympathize with more than 11,000 employees of ABS-CBN who will go out of work after the network loses bid for franchise renewal on July 10.
PHOTO/S: Grace Poe, Senator Risa Hontiveros, Kiko Pangilinan on Facebook, @joelvillanueva on Instagram

“The pandemic of intolerance has claimed another victim.”

Ito ang inihayag ni Senator Grace Poe kasunod ng pagbasura ng Kamara sa franchise renewal application ng ABS-CBN nitong Biyernes, July 10.

Sa botong 70-11-2-1, tuluyan nang magtitigil-operasyon ang 66-anyos na network matapos na tanggihan ng House Committee on Legislative Franchises ang hinihingi nitong bagong prangkisa.

Dahil dito, mawawalan ng trabaho ang mahigit 11,000 empleyado ng pinakamalaking network sa bansa.

“Thousands of breadwinners will lose their jobs, millions their source of entertainment and information,” saad sa official statement ni Poe.

Sinabi ng 52-year-old senator na bagamat may mga naging pagkukulang ang network, dapat daw ay binigyan ito ng pagkakataong ituwid ang mga mali nito.

“The correct – and constitutional – response is to allow it to remedy them, the same chance extended to thousands of franchise applicants,” aniya.

“This is so because a media organization that occasionally commits mistakes is in the nation’s interest than one that is permanently muzzled,” dagdag ni Poe.

Continue reading below ↓

Si Poe ay anak ng yumaong "King of Philippine Movies" na si Fernando Poe Jr. at ng aktres na si Susan Roces.

Si Susan, 78, ay napapanood sa Kapamilya teleseryeng FPJ's Ang Probinsyano.

CONGRESSIONAL HEARING ON ABS-CBN FRANCHISE

Ang Senate Committee on Public Services ni Poe ang nanguna sa franchise renewal hearing ng ABS-CBN noong February 24, 2020.

Sa pagdinig, kinumpirma ng mga kinatawan ng Department of Justice (DOJ), National Telecommunications Commission (NTC), at Securities and Exchange Commission (SEC) na walang nilabag na batas ang network.

Karapat-dapat daw itong bigyan ng panibagong 25-taong prangkisa.

Pero hindi magkapareho ang naging resulta ng pagdinig ng dalawang Kapulungan ng Kongreso.

Sa committee level pa lang ng Kamara ay hindi na naaprubahan ang prangkisa ng ABS-CBN.

ARAGONES GETS EMOTIONAL

Kaya naman sa interview ng DZMM Teleradyo nitong Biyernes, hindi napigilang maging emosyonal ni Laguna 3rd District Representative Sol Aragones (Nacionalista Party).

Isa si Aragones, 42, sa mga naghain ng franchise renewal bills sa Kamara para sa network.

Continue reading below ↓

Dati siyang reporter ng ABS-CBN News.

“Sana maunawaan naman po ng mga tao kung saan ako nanggagaling,” napaiyak na sabi ni Aragones. “Thirteen years… thirteen years ho ako sa ABS-CBN na naghanapbuhay.

“Pero sabi ko nga, hindi na po ito kuwento ko. Ito ay kuwento na ng mga manggagawa ng ABS-CBN na umaasa ng kanilang trabaho.”

Congresswoman Sol Aragones (

Continue reading below ↓

Ayon kay Aragones, ginawa ng lahat ng sponsors ng franchise renewal bills ang kanilang makakaya.

“Pero kung ito ay hindi naipagkaloob sa pagkakataong ito ay tingin ko kailangan nating tanggapin—mahirap man—at mag-move on,” ani Aragones.

RELATED STORIES

ATIENZA, HONTIVEROS: NETWORK SHUTDOWN IS AN ISSUE OF PRESS FREEDOM

Ang kapwa kongresista ni Aragones na si Buhay Party-list Representative Lito Atienza, naniniwalang usapin ng press freedom ang ABS-CBN shutdown.

“If ABS-CBN is not given franchise, kiss credibility goodbye; we would rather have a defective media than have politicians controlling media,” matapang na pahayag ni Atienza sa ABS-CBN News.

Isa si Atienza sa mga kongresistang masugid na nakasuporta sa pagbibigay ng bagong prangkisa sa network.

Panganay na anak niya ang Kapamilya TV host na si Kim Atienza.

Sinegundahan naman ni Senator Risa Hontiveros (Akbayan) ang observation ni Congressman Atienza.

Sa isang statement, sinabi ni Hontiveros na malinaw na babala sa mga mamamahayag ang naging “political persecution” sa ABS-CBN.

Continue reading below ↓

Ito raw ang warning ng gobyerno sa media: “Toe the line or get shut down.

“May takot at pagbabanta ang mensaheng inihahatid ng gobyerno. Kapag kaaway ka, puwede kang ipasara.”

11K MORE ADD UP TO 7.3M JOBLESS FILIPINOS

Kung maituturing na kamatayan ng ABS-CBN ang pagpapasara rito, “kamatayan” din daw ito ng source of income ng libu-libong manggagawa ng network.

Iyan ang mababasa sa Facebook post ni Senator Francis Pangilinan (Liberal Party), asawa ng Megastar na si Sharon Cuneta.

“Itong hatol ng kamatayan para sa pinakamalaking estasyon sa bansa ay kamatayan din sa kabuhayan ng higit 11,000 nitong manggagawa at sa lahat ng mga tauhan nito at mga pamilya nila.”

Continue reading below ↓

Madadagdag ang libu-libong ABS-CBN employees sa 7.3 milyong walang hanapbuhay ngayong may COVID-19 pandemic.

Tweet ito ni Senator Joel Villanueva (CIBAC), chairman ng Senate Committee on Labor, Employment and Human Resources Development.

Saad sa tweet ni Villanueva: “Lubos tayong nababahala sa kapakanan ng higit na 11,000 na manggagawa at kanilang mga pamilya na maaaring magutom dahil sa kawalan ng trabaho, matapos ang desisyon ng Kongreso ngayong araw.

Continue reading below ↓

“Hirap na nga tayong lumikha ng trabaho para sa ating mga manggagawa at magbigay ng tulong sa kanila, nadagdagan pa po ulit ang 7.3 milyong manggagawang walang trabaho ngayong panahon ng pandemya."

Iginiit ng 44-year-old senator na mga manggagawa at mga pamilya nila ang “talo sa desisyon” ng Kamara.

Sana raw, ayon kay Villanueva, tulungan ng gobyerno ang mga mawawalan ng hanapbuhay dahil sa ABS-CBN shutdown.

Continue reading below ↓

ANGARA PAYS TRIBUTE TO “THE BRAVE 11”

Sa Twitter din idinaan ni Senator Sonny Angara (Laban ng Demokratikong Pilipino) ang kanyang pagpupugay sa 11 kongresistang bumoto para muling buksan ang ABS-CBN, na isinara nitong May 5.

Ayon kay Angara, nanindigan ang 11 para sa trabaho ng 11,000 katao, at para sa malayang pamamahayag.

Continue reading below ↓

Ang 11 kongresistang bumoto pabor sa pagbabalik-operasyon ng ABS-CBN ay sina Aragones; Manila 6th District Rep. Bienvenido Abante (Asenso Manileño); Batangas 4th District Rep. Lianda Bolilia (Nacionalista); Camarines Sur 3rd District Rep. Gabriel Bordado Jr. (Liberal); Pangasinan 4th District Rep. Christopher De Venecia (Liberal).

Nakasuporta rin sa franchise renewal ng network sina Basilan Rep. Mujiv Hataman (Liberal); Manila 4th District Rep. Edward Maceda (Partido ng Masang Pilipino); Marikina 2nd District Rep. Stella Quimbo (Liberal); Batangas 6th District Rep. Vilma Santos-Recto (Nacionalista); North Cotabato 3rd District Rep. Jose Tejada (Nacionalista); at Party-list Rep. Carlos Zarate (Bayan Muna).

Continue reading below ↓

DENYING NETWORK’S FRANCHISE IS HOUSE’S “SOLE PREROGATIVE”

Samantala, iginiit ni Presidential Spokesperson Harry Roque na “sole prerogative” ng Kamara at ng Committee on Legislative Franchises nito ang pagbasura sa franchise application ng ABS-CBN.

“Much as we want to work with the aforesaid media network, we have to abide by the resolution of the House committee,” saad sa official statement ni Roque mula sa Malacañang.

Kinuhanan ng reaksiyon ang Malacañang sa issue dahil, simula pa 2017, ay ilang beses nang nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte na haharangin niya ang prangkisa ng ABS-CBN sa Kamara.

Inakusahan ng Pangulo ang Kapamilya network ng panggagantso sa kanya nang hindi nito iniere ang kanyang campaign ads noong 2016 kahit pa bayad na ang mga ito.

Naihingi na ito ng paumanhin ni ABS-CBN President-CEO Carlo Katigbak sa Pangulo.

Tinanggap naman ni Duterte ang pagso-sorry ng ABS-CBN.

Ngunit mukhang walang pagbabago sa posisyon ni Duterte tungkol sa franchise ng network.

Continue reading below ↓

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(L-R) Senators Grace Poe, Risa Hontiveros, Joel Villanueva, and Francis Pangilinan sympathize with more than 11,000 employees of ABS-CBN who will go out of work after the network loses bid for franchise renewal on July 10.
PHOTO/S: Grace Poe, Senator Risa Hontiveros, Kiko Pangilinan on Facebook, @joelvillanueva on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results