Frustrated Angeline Quinto swears: "P***** ***! ginawa niyo sa aming lahat." 

by Rachelle Siazon
Jul 12, 2020
Kapamilya singer Angeline Quinto becomes very emotional after 70 congressmen voted to kill ABS-CBN's application for franchise renewal.
PHOTO/S: @loveangelinequinto Instagram

Hindi napigilan ni Angeline Quinto ang mapamura sa Twitter dahil sa kalbaryong kinakaharap ng ABS-CBN na bunsod ng pagkitil sa prangkisa ng network.

Si Angeline ay mainstay ng ASAP Natin 'To ng ABS-CBN, ang longest-running musical variety show sa bansa.

Noong Biyernes, June 10, 2020, naganap ang landslide votes ng 70 kongresistang pabor na hindi payagang mag-operate ang TV at radio ng pinakamalaking network sa bansa.

Malaki ang agwat ng mga boto dahil 11 lamang ang kongresistang pabor sa ABS-CBN, habang may dalawang kongresistang nag-inhibit, at isang nag-abstain sa botohan.

Naghihirap ang kalooban ni Angeline dahil kabuhayan niya at ng 11,000 empleyado ng ABS-CBN ang apektado ng desisyon.

Aniya (published as is): "Hindi aq perpektong tao. Nasasaktan po aq. Hihingi napo aq ng tawad sainyo. PUTANG INA! ginawa niyo sa aming lahat."


Continue reading below ↓

Nagpahiwatig din si Angeline na nakadagdag pa sa personal niyang problema ang nangyari sa kanyang home network.

"Hindi pa aq nakaka move on sa lovelife, pinatay niyo nanaman aq," tweet pa ni Angeline noong July 10.

Kagabi, July 11, isang netizen ang sumita sa pagmumura ni Angeline.

Pangontra nito kay Angeline, "makamura siya kala mo hindi sila nang api. Pwe!"

Continue reading below ↓

Buwelta ni Angeline, "Hoy sira ulo! Lakas mo ah!"


HOT STORIES

"DUN NA PO TAYO SA TOTOONG PROBLEMA NG BANSA"

Nagpatutsada si Angeline na inuna pa ng gobyernong ipasara ang ABS-CBN kaysa mag-focus sa pagbibigay-solusyon sa krisis na kinakaharap ng bansa dala ng COVID-19.

Aniya, marami ang mawalan ng trabaho at mahirap kumita ng pera dahil laganap pa rin ang virus.

Continue reading below ↓

Tweet ni Angeline: "Okey na ho. Naipasara na ang Abs-Cbn.

"Dun na po tayo sa totoong problema ng bansa.

"Ung mga nawalan ho ng trabaho, ung bawat pamilya ho na hindi alam paano bukas.

"At lalo ho sa Covid paano na ho natin ito susulosyunan."


"napakarami niyong inulila"

Sa sobrang sakit na nararamdaman, inihambing ni Angeline ang pagkitil sa prangkisa ng ABS-CBN sa pagkawala ng ina ng libu-libong Kapamilya.

Continue reading below ↓

Hindi lang daw basta kabuhayan ang inaasahan nila sa ABS-CBN, dahil para na rin itong pangalawang tahanan nila.

"SA LAHAT NG KAPAMILYA SA BUONG MUNDO, HINDI NATIN KAKALIMUTAN ANG ARAW NA ITO.

"NAPAKASAKIT NG GINAWA NIYO SA PANGALAWANG TAHANAN NAMIN. SA MGA KATRABAHO KO.

"NAPAKARAMI NIYONG SINAKTAN! NAPAKARAMI NIYONG INULILA.

"NASAAN ANG PUSO NIYO."

Continue reading below ↓

Ngayong araw, July 12, mas kalmado na si Angeline sa kanyang Instagram post, kung saan patuloy siyang nagdarasal na malalampasan ng ABS-CBN at ng mga kapwa niya Kapamilya ang pagsubok na ito.

"Ama, kahit kailan hindi mo kami pinabayaan. Maraming salamat po sa pagmamahal mo sa aming lahat. Salamat Ama."

Continue reading below ↓

Sa kanyang Instagram Story, nagbahagi si Angeline ng poster na mapapanood pa rin ang ASAP Natin 'To sa Kapamilya Channel via Sky Cable Channel 8 sa SD at Channel 1677 sa HD.

Gayundin sa Cable Link Channel 8 at GSAT Direct TV Channel 2.

Available rin ang TFC Channel at iWant sa digital platform.

Siyam na taon na ang lumipas mula nang unang mailunsad ang singing career ni Angeline, matapos niyang manalo sa ABS-CBN reality show na Star Power: Sharon's Search for the Next Female Pop Superstar noong 2011.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapamilya singer Angeline Quinto becomes very emotional after 70 congressmen voted to kill ABS-CBN's application for franchise renewal.
PHOTO/S: @loveangelinequinto Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results