Kathryn Bernardo, Daniel Padilla stand by ABS-CBN: "Hindi ka namin iiwan..."

by Rachelle Siazon
Jul 13, 2020
Daniel Padilla (left) and Kathryn Bernardo (right) vow to remain solid Kapamilya despite vetoed ABS-CBN franchise. Liza Soberano, Enrique Gil, Angel Locsin, Melai Cantiveros, and other Kapamilya stars flock to ABS-CBN compound for a noise barrage on Sunday night, July 12.
PHOTO/S: @bernardokath Instagram

Walang iwanan.

Ito ang madamdaming mensahe ng magkasintahang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa kanilang home network, ang ABS-CBN.

Nakiisa ang magkasintahan sa vigil na ginanap sa tapat ng ABS-CBN compound sa Mother Ignacia Street, Quezon City.

Ibinahagi ni Kathryn ang litrato nila ni Daniel madaling-araw ng Linggo, July 12.

Pahayag ni Kathryn sa caption: "Ang dami mong pinagdaanan nitong mga nakaraang buwan. Ang daming sumubok sa 'yo— nangmaliit at kumutya.

"Pero hindi ka sumuko.

"Nandito ka pa rin, patuloy na nagbibigay ng pag-asa sa aming lahat."

Malaking dagok sa ABS-CBN ang tigil-operasyon sa radyo at free TV, pero nangako si Kathryn na sila raw ni Daniel ay solid Kapamilya.

"Kami naman ngayon, hayaan mong kami ang magbigay ng liwanag sa 'yo sa panahong pinaka-kailangan mo kami.

"Hindi pa dito nagtatapos ang lahat.

"Hindi ka namin iiwan hanggang sa makabangon ka muli. Magpakatatag ka.

"Kakayanin natin 'to nang magkakasama. Mahal kita, ABS-CBN. Tandaan mo 'yan."

Continue reading below ↓

Sa hiwalay na Instagram post ni Bianca Gonzalez, Linggo, July 12, ibinahagi niya ang pakiusap ni Daniel na huwag idaan sa bashing ang diskurso hinggil sa ABS-CBN franchise.

Mensahe raw ni Daniel: "Sa lahat ng mga pumupuna, nagsasalita, alam ko po magkakaiba tayo ng opinyon.

"Alam ko na kung anuman ang halaga sa amin ng ABS-CBN ay maaaring hindi iyon ang halaga nito sa inyo.

"Pero sana po huwag tayong makalimot na rumespeto sa pinagdadaanan ng iba."

HOT STORIES

HOMEGROWN ABS-CBN STARS

Bata pa lang si Kathryn, 24, nang una siyang lumabas bilang young Bea Alonzo sa ABS-CBN primetime series na It Might Be You noong 2003.

Naging mainstay siya ng kiddie gag show na Goin' Bulilit mula 2005 hanggang 2008.

Si Daniel, 25, ay unang napanood sa weekly teen-oriented series na Gimik 2010.

Una silang nagtambal sa isa pang weekly teen-oriented series, ang Growing Up, noong 2011, at nasundan ito ng first full-length series nila na Princess and I noong 2012.

Continue reading below ↓

Mula noon ay pumatok ang tambalang KathNiel, at sunud-sunod na ang kanilang proyekto, mapa sa telebisyon man o pelikula.

FIGHTING FOR ABS-CBN

Kabilang sina Daniel at Kathryn sa prized ABS-CBN stars na naging bukas sa panawagang bigyan ng license to broadcast ang network.

Noong Mayo, nag-trending ang inilabas nilang video kaugnay ng napasong prangkisa ng ABS-CBN.

Nanindigan noon si Kathryn na nasisikil ang malayang pamamahayag sa pagpapasara sa ABS-CBN, dahil sa laki ng audience na nawalan ng koneksyon sa mga balita at impormasyong inuulat ng network.

Ipinagtanggol naman ni Daniel ang mga kapwa Kapamilya stars na pinutakti ng batikos sa social media dahil lang sa paghayag nila ng saloobin tungkol sa libu-libong empleyado ng ABS-CBN na posibleng mawalan ng trabaho.

At noong Biyernes, July 10, nakisama si Kathryn sa rally na isinagawa ng ABS-CBN employees at supporters sa harap ng Kongreso, ilang oras bago ibinaba ang desisyong patayin ang ABS-CBN franchise.

Continue reading below ↓

noise barrage at ABS-CBN COMPOUND

Isa namang noise barrage ang isinagawa ng ABS-CBN employees at supporters, Linggo ng gabi, July 12.

Continue reading below ↓

Ito ay upang ipakita ang protesta nila laban sa pagbasura sa mga panukalang bigyan ng franchise ang ABS-CBN.

Maraming artista ang lumahok.

Kabilang sina Angel Locsin, Enchong Dee, Liza Soberano, at Enrique Gil.

Continue reading below ↓

Naroon din sina Melai Cantiveros, Bianca Gonzalez, at Robi Domingo.

RELATED STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Daniel Padilla (left) and Kathryn Bernardo (right) vow to remain solid Kapamilya despite vetoed ABS-CBN franchise. Liza Soberano, Enrique Gil, Angel Locsin, Melai Cantiveros, and other Kapamilya stars flock to ABS-CBN compound for a noise barrage on Sunday night, July 12.
PHOTO/S: @bernardokath Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results