Charo Santos "beyond heartbroken" after Congress voted to kill ABS-CBN franchise

by Arniel C. Serato
Jul 13, 2020
Charo Santos on House Committee on Legislative Franchises rejection of ABS-CBN franchise renewal: "I am beyond heartbroken. Hindi lang po para sa akin kundi para po sa aming libo-libong mga Kapamilya dito at sa buong mundo.”
PHOTO/S: Courtesy: @charosantos on Instagram / Jerome Ascano

“I am beyond heartbroken.”

Ito ang pakiramdam ni Charo Santos matapos “patayin” ng komite ng Kongreso ang franchise renewal application ng ABS-CBN.

Noong Biyernes, July 10, “laid on the table”—na ibig sabihin ay patay na—ang anumang usapin sa bagong prangkisa ng ABS-CBN, matapos bumoto ng 70-11 ang mga miyembro at ex-officio members ng House Committee on Legislative Franchises.

Si Charo, 64, ang kasalukuyang chief content officer ng broadcast giant.

Bago nito, si Charo ang presidente at CEO ng ABS-CBN. Pinalitan siya ni Carlo Katigbak.

Post ng lady executive sa Instagram noong Sabado, July 11:

“I am beyond heartbroken.

“Hindi lang po para sa akin kundi para po sa aming libo-libong mga Kapamilya dito at sa buong mundo.”

Saludo naman si Charo—na siyang host ng longest-running weekly drama anthology Maalaala Mo Kaya—sa mga ehekutibo ng istasyon na dumalo, sumagot, at nakipagtalastasan sa mga mambabatas sa loob ng labindalawang araw na hearing.

Continue reading below ↓

Binanggit niya sina Carlo Katigbak (ABS-CBN President and CEO), Cory Vidanes (COO for Broadcast), Mark Lopez (ABS-CBN Chairman), at Ging Reyes (Head, News and Current Affairs).

"...maraming maraming salamat for your courage, humility and strength. I am so proud of all of you!”

Bago tuluyang ibinasura ng Kongreso ang franchise application ng ABS-CBN, naipasara na ng National Telecommunications Commission (NTC) noong May 5, 2020, ang istasyon.

Ito ay pagkatapos mapaso ang prangkisa ng istasyon noong May 4.

Nakapag-broadcast man ang ABS-CBN gamit ang digital transmission ng ABS-CBN TV Plus, ipinatigil din ito ng NTC dahil, ayon sa mga mambabatas, labag ito sa batas.

June 30, habang dinidinig pa ang isyu ng prangkisa, tuluyan nang ipinasara ang digital broadcast ng istasyon.

“TAYO PO AY MULING MAGKIKITA”

Malaki naman ang pasasalamat ni Charo sa mga Kapamilyang patuloy na nagpapakita ng pagmamahal sa gitna ng kanilang mapait na pinagdadaanan.

Naniniwala rin daw ang actress-TV executive na muling magtatagpo ang landas nila at ng kanilang mga masugid na tagapanood.

Continue reading below ↓

Saad niya, “Sa aking mga Kapamilya sa ABS-CBN na pinuno ang langit ng dasal, it is with great pride that I call all you Kapamilya.

“Sa amin pong mga tagasubaybay, kayo po ang aming naging inspirasyon... hindi namin kayang suklian ang inyong pagmamahal. Maraming Salamat po.

“Hinding-hindi po mabubura sa aming mga puso ang ating pinagsamahan! Naniniwala po ako na tayo po ay muling magkikita.

“To our dear God, ikaw po ang aming magiging lakas sa mga darating na araw.

#InTheServiceoftheFilipino
#MaramingSalamatKapamilya #SaMulingPagkikitaKapamilya

Continue reading below ↓

Sa ngayon, sa cable, online, at iWANT app na lang napapanood ang ABS-CBN.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Charo Santos on House Committee on Legislative Franchises rejection of ABS-CBN franchise renewal: "I am beyond heartbroken. Hindi lang po para sa akin kundi para po sa aming libo-libong mga Kapamilya dito at sa buong mundo.”
PHOTO/S: Courtesy: @charosantos on Instagram / Jerome Ascano
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results