Inigo Pascual answers “Abias cbn wont be back” comment

by Arniel C. Serato
Jul 14, 2020
Inigo Pascual dares netizen to "list all the facts" of the alleged violations of ABS-CBN of its expired franchise.
PHOTO/S: Courtesy: @inigopascual on Instagram / Jerome Ascano

Kahit may pinagdaraanang sakit, takot, at pangamba ang talents at empleyado ng ABS-CBN, may mga taong wala pa ring tigil sa pamba-bash.

Katulad na lamang ng isang netizen na nakasagutan ng singer-actor na si Inigo Pascual, 22.

Sa Instagram post ni Inigo gabi ng July 12, ibinahagi niya ang kanyang mga larawan na kuha sa idinaos na Star Magic noise barrage sa labas ng ABS-CBN broadcasting complex.

Una na rito ang larawan sa Instagram Stories kung saan kasama niya ang ilang katrabaho sa ABS-CBN.

Continue reading below ↓

Sa kanya namang feed, ibinahagi ni Inigo ang kanyang larawan kung saan makikita sa background ang transmitter tower ng ABS-CBN.

Simpleng caption ng anak ni Piolo Pascual: “#IbalikAngABSCBN

Isang netizen ang nagkomento nang paangas dito.

Sabi nito: “No. Abias cbn wont be back.dami nyo violations .yan bagay sa inyo”

Continue reading below ↓

Sinagot agad ito ng singer-actor.

Sabi ni Inigo, “baka ikaw ang kulang sa research boy. Pnuorin [mo] lahat ng hearing ah… isa isa.”

Dagdag pa niya, “go ahead and list all the “facts.”

Continue reading below ↓

Hindi pa rin siya tinantanan ng nag-comment.

Sabi nito, “@inigopascual go to the website of congress or use youtube its all there.

“Do it yourself inigo. im sure you have a lot of time.”

Hindi na sumagot si Inigo.

Nagsara ang ABS-CBN noong May 5, matapos hainan ng National Telecommunications Commission (NTC) ng cease and desist order.

Continue reading below ↓

Napaso na ang prangkisa ng istasyon noong May 4, 2020.

THE NETWORK’S ALLEGED VIOLATIONS

Ayon sa inilabas na report ng Technical Working Group (TWG) ng House Committee on Legislative Franchises, may mga paglabag ang ABS-CBN sa alituntunin ng kanilang dating prangkisa.

Una, ang citizenship ng Chairman Emeritus nitong si Gabby Lopez III.

Nakasaad sa Konstitusyon na dapat ang nagmamay-ari ng broadcast media sa bansa ay 100 percent Filipino.

Napatunayang tunay na Filipino si Lopez ngunit may dual citizenship.

Ikalawa, ang pagbenta umano ng network ng Philippine Depository Receipts (PDRs) sa mga banyaga.

Bawal daw ito dahil ang diumano’y “corporate layering” ay nagbibigay ng impresyong may pag-aari ang mga banyaga sa istasyon.

Wala namang kasong nakahain laban sa ABS-CBN ang Securities and Exchange Commission (SEC), na namamahala sa corporate issues ng bansa.

Ikatlo, ang paggamit ng pay-per-view sa pamamagitan ng KBO (Kapamilya Box Office) sa ABS-CBN TV Plus.

Bawal daw ito dahil labag sa free-to-air franchise ng AMCARA Broadcasting Network, na ginamit ng ABS-CBN para sa digital broadcast ng TV Plus.

Hindi naman naging isyu ito sa NTC nang napakaraming taon, na maaaring mangahulugang hinabol na lang ito para sa pagdinig ng prangkisa.

Continue reading below ↓

Ikaapat, ang pagkabigo umano ng management mag-regularize ng mga tauhang ilang taon nang nagsisilbi sa kanila.

Nauna nang nasabi ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa Senado na walang violation ang network.

Ikalima, ang pag-iwas umano ng kumpanya sa pagbayad ng tamang buwis.

Nauna na ring nasabi ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Senado na walang kaso sa buwis ang ABS-CBN.

Ayon kay Representative Carlos Zarate (Bayan Muna Party List), walang nahanap na ebidensiya sa hearing na may nilabag ang ABS-CBN.

Ganunpaman, noong Biyernes, July 10, 2020, ang report ng TWG ay nakakuha ng 70 Yes Votes, mula sa 85 members present, na nangangahulugang sang-ayon sila sa rekomendasyon ng TWG na huwag bigyan ng bagong prangkisa ang network.

Meron lamang 11 No Votes, na ibig sabihin ay pabor mabigyan muli ng prangkisa ang network.

Noong araw ding iyon, dineklarang “laid on the table” na ang panukalang batas, o "patay na" ang usapin.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Inigo Pascual dares netizen to "list all the facts" of the alleged violations of ABS-CBN of its expired franchise.
PHOTO/S: Courtesy: @inigopascual on Instagram / Jerome Ascano
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results