Arjo Atayde hits Senator Bato dela Rosa: "Dada ng dada."

by Rachelle Siazon
Jul 13, 2020
Kapamilya star Arjo Atayde (left) is irked by Senator Bato dela Rosa (right) who told ABS-CBN employees even before Congress junked the network's franchise appeal: "Hanap na lang sila ng ibang trabaho para mabuhay ang pamilya ninyo."
PHOTO/S: @arjoatayde Instagram / Senator Bato dela Rosa Facebook

Tinabla ni Arjo Atayde ang pambabalewala ni Senator Ronald "Bato" dela Rosa sa 11,000 ABS-CBN employees na namimiligrong mawalan ng trabaho.

Nainis si Arjo matapos mabasa ang isang ulat ng mga binitiwang pahayag ng senador tungkol sa ABS-CBN.

"Dada ng dada.. mauna ka," tweet ni Arjo noong July 9.

Ibig sabihin, mauna na raw maghanap ng ibang trabaho ang senador.

Continue reading below ↓

Noong July 9—o isang araw bago nagdesisyon ang Kongreso hinggil sa ABS-CBN franchise renewal—nakapanayam si Dela Rosa ng ilang news outfits.

Nang hingan ng opinyon tungkol sa kalbaryong hinaharap ng Kapamilya network, pinayuhan niya ang ABS-CBN employees na maghanap na lang ng ibang trabaho.

"Hanap ng ibang trabaho para mabuhay, magsumikap... May ibang paraan pa naman siguro para mabuhay tayo. Hanap ng ibang jobs," kaswal na saad ni Dela Rosa.

Dugtong niya, "Alangan namang sabihin ko sa kanila na, 'Maghimagsik kayo, magwala kayo.' Hindi naman puwede yun.

"Hanap na lang sila ng ibang trabaho para mabuhay ang pamilya ninyo."

Naniniwala rin si Dela Rosa na hindi kawalan ang ABS-CBN.

"Wala akong nakikitang epekto. Dahil kung sabihin niyo, mawalan din ng news, meron pa man din yung ibang news outfits na nagpe-perform.

"So wala akong nakitang epekto sa akin. Sa buong ABS-CBN as a whole, wala akong nakikita."

Sabi pa ni Dela Rosa, "Hindi naman ako apektado dahil hindi naman ako ABS-CBN. Yung taga-ABS-CBN ang apektado."

Continue reading below ↓

Taliwas ito sa paninindigan ni ABS-CBN News and Current Affairs Chief Ging Reyes na malaki ang epekto sa malayang pamamahayag ng pagpatay sa prangkisa ng ABS-CBN.

Sa Congress hearing noong July 6, ipinaliwanag ng news chief na ang press freedom ay karapatan hindi lang ng tagapagdala ng balita kundi pati ng mga mamamayang may karapatan sa access sa impormasyon.

Ani Reyes, ang pagkawala sa ere ng ABS-CBN News ay nangangahulugang nawalan ng access sa balita ang malaking chunk ng viewers na sumusubaybay sa istasyon.

Liban dito, marami nang mga kababayan natin ang nawalan ng trabaho at pagkakakitaan dahil sa mga kumpanyang nagsara o di kaya'y nagbawas ng mga empleyado dahil sa pandemic.

ARJO reposts mr. m's statement

Noong June 8, nag-tweet pa si Arjo ng "#VoteYEStoABSCBN #IbalikAngABCBN Forever a Kapamilya!"


Continue reading below ↓

Si Arjo ay isa sa roster of talents ng Star Magic, ang talent-management arm ng ABS-CBN.

Ni-repost din niya ang matapang na pahayag ni Star Magic chairman emeritus Johnny Manahan, o Mr. M kung tawagin sa showbiz circles, tungkol sa ABS-CBN franchise.


Naniniwala si Mr. M na tama lang na naungkat sa Kongreso ang "true conditions of the workplace," gaya ng kakarampot na suweldo ng technical crew at mga artistang nagkakandakuba sa trabaho sa produksyon.

Continue reading below ↓

Pero umapela si Mr. M na sana ay hindi umabot sa pagpapasara sa ABS-CBN dahil wala naman daw perpektong organisasyon, at handa raw itama ng network ang anumang pagkukulang nito.

Diin pa niya, huwag sana maulit ang pagnanakaw sa ABS-CBN ngayon, gaya ng pagnanakaw dito noong panahon ng martial law.

"GREATEST COVER UP"

Bihira man magsalita si Arjo sa social media, malaman ang mga paisa-isa niyang pahayag hinggil sa lagay ng ABS-CBN.

Noong May 5, ang araw na ipasara ng National Telecommunications Commission ang ABS-CBN, sinang-ayunan ni Arjo ang mainit na pahayag ni Enchong Dee sa Twitter.

Tweet noon ni Enchong, "Welcome to the greatest cover up in Philippine History’s government failure to save the Filipino people from the pandemic.

"What a show. Abangan... Ang Nakaraan..."

Ni-repost ni Arjo ang tweet ni Enchong.

Sabi ni Arjo, "MISMO!"


Continue reading below ↓

ARJO JOINS abs-cbn NOISE BARRAGE

Linggo ng gabi, July 12, nag-tweet si Arjo ng tatlong hearts na kulay red, green, at blue bilang simbolo ng ABS-CBN.

Isa rito ay broken heart emoji, na nagpapahiwatig ng lungkot niya sa pagbasura sa hinihiling na franchise ng network.

Isa si Arjo sa mga namataang Kapamilya stars na nakiisa sa noise barrage sa tapat ng ABS-CBN compound.

Continue reading below ↓

Nakunan ng litrato si Arjo at nakababatang kapatid na si Ria, base sa Instagram account ng Star Magic.

Kalakip nito ang hashtags na "#IbalikAngABSCBN" at "#WeNeedABSCBN."

Patuloy na nagdarasal at umaapela ang ABS-CBN workers at pati na ang mga lumahok na artista na sana ay ibalik ang TV at radio operations ng network.

Continue reading below ↓

Ilan pa sa mga dumalo ay sina Liza Soberano, Enrique Gil, Melai Cantiveros, Robi Domingo, Bianca Gonzalez, Enchong Dee, Angel Locsin, at Neil Arce.

Noong Sabado ng gabi, July 11, unang nilunsad ang noise barrage sa ABS-CBN compound.

Dumalo noon ang reel-and-real-life sweethearts na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapamilya star Arjo Atayde (left) is irked by Senator Bato dela Rosa (right) who told ABS-CBN employees even before Congress junked the network's franchise appeal: "Hanap na lang sila ng ibang trabaho para mabuhay ang pamilya ninyo."
PHOTO/S: @arjoatayde Instagram / Senator Bato dela Rosa Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results