Vilma Santos prepared to face "consequences" for voting in favor of ABS-CBN franchise

by Rachelle Siazon
Jul 14, 2020
Deputy Speaker Vilma Santos on voting according to what her "conscience" dictates: "Siyempre if you're part of the super majority, kailangan in a way nakasuporta ka rin sa mga matatawag nating mga major na batas na ipatutupad. But again, at the end of the day, conscience vote."
PHOTO/S: Mark Atienza / @iamkarendavila Instagram

Aminado si Vilma Santos na posibleng may "consequences" ang pagboto niya pabor sa pag-renew sana ng prangkisa ng ABS-CBN.

Si Vilma ay representative ng 6th district ng Batangas at isa sa deputy speakers sa Kongreso.

Kabilang siya sa 11 kongresistang bumoto ng "NO" sa resolusyon ng Kongreso na ibasura ang application ng ABS-CBN na magkaroon ng panibagong 25-year franchise.

Noon pa man ay "independent thinker" na raw siya kahit pa kabilang siya sa "super majority" sa Kongreso.

Katunayan daw, naranasan niyang maalis sa puwesto bilang chairman ng House committee on civil service and professional regulation noong 2017.

Ito ay matapos niyang bumoto na huwag ipatupad ang death penalty sa drug-related offenses.

"Well it happened to me already when I voted 'NO' dun sa death penalty.

"Sinabi nila, kailangan masuportahan yung major bill na yun.

"And unfortunately, I stood my ground and I voted no, so I lost my chairmanship."

Sa kaso ng pagboto niya sa ABS-CBN franchise renewal, tatanggapin daw ni Vilma anuman ang epekto nito sa kanyang posisyon bilang kongresista.

Continue reading below ↓

"Pero kung ano man ang naging desisyon ko dito sa renewal ng franchise ng ABS-CBN, at magkakaroon uli ng mga ganoong consequences, I think I'm prepared for that.

"Ganun talaga, e. So tanggapin natin yun."

Inihayag ito ni Vilma sa panayam ni Karen Davila, news anchor ng Headstart sa ANC, kahapon, July 13.

HOT STORIES

"CONSCIENCE VOTE"

Tinanong si Vilma kung may naganap na "lobbying" para maimpluwensiyahan ang isang kongresista kung ano ang iboboto nito.

Ang final decision ng Kongreso sa ABS-CBN franchise denial: 70 congressmen ang bumoto ng "NO," 11 ang "YES, tatlo ang nag-inhibit.

Noong araw na lumabas ang desisyon, inanunsiyong dalawa ang nag-inhibit at isa ang nag-abstain, pero kinorek din iyon na tatlo ang nag-inhibit at walang nag-abstain na kongresista.

Ani Vilma hinggil dito, "To be honest, Karen, maski ako nagulat din. Kasi may mga authors na umatras din bigla.

"Hindi ko masabi kung may mga lobbying.

"Siyempre, if you're part of the super majority, kailangan in a way nakasuporta ka rin sa mga matatawag nating mga major na batas na ipatutupad."

Continue reading below ↓

Sa kaso ni Vilma, bumoto siya alinsunod sa kanyang paniniwala.

Kabilang si Vilma sa nag-file ng isa sa 13 bills para sa franchise renewal application ng ABS-CBN.

"But again, at the end of the day, conscience vote.

"So, hindi ko alam kung anong nangyari sa iba, rerespetuhin ko kung anong desisyon nila.

"Pero ako, conscience vote, naniniwala kasi ako sa bill ko na dapat talagang mabigyan ng franchise renewal ang ABS-CBN."

ON 40-PAGE TWG REPORT

Umabot sa 13 hearings sa Kongreso ang pagtalakay sa application ng ABS-CBN franchise renewal.

Noong June 10, inanunsiyo sa Kongreso na may nabuong technical working group (TWG) na naatasang alamin ang "likely consensus" ng mga kongresista hinggil sa isyu.

Saka binuo ang 40-page report ng "findings and recommendations" hinggil sa pagbasura sa ABS-CBN franchise franchise renewal.

Naka-attach ang TWG report sa resolusyon ng Kongreso matapos magbotohan ang mga kongresistang bahagi ng House committee on legislative franchises.

Continue reading below ↓

Nang hingin ang opinyon ni Vilma ukol dito, sinabi nitong napansin niyang hindi naidetalye nang husto ang paninindigan ng ABS-CBN na walang nilabag na batas ang network.

"Parang na-set aside yung masasabi natin na information na sinabi ng mga government agencies.

"Kasi sinabi ng mga government agencies na wala silang nakitang nilabag na batas. Yun ang sa tingin ko na-set aside.

"Parang masyadong nagkaroon ng leaning doon sa parang mga against."

Ipinagtaka raw ni Vilma na naisumite agad ang TWG report isang araw matapos ang 13th hearing sa Kongreso tungkol sa ABS-CBN franchise renewal.

"Kasi to be honest, I got the report ng TWG an hour before dun sa voting namin.

"I will be honest to you, hindi ko talaga nabasa 'yan nang detalye."

Sabi pa ni Vilma, "Natural 'yan sa isang committee na nagko-convene ng TWG.

"Pero first time ko makaeksperiyensiya ng isang TWG na natapos overnight, at hanggang dun lang ang masasabi ko, Karen, period."

Continue reading below ↓

HOT STORIES

"UNJUST TAX AVOIDANCE SCHEMES"

Base sa 40-page TWG report, nakasaad ang siyam na matitinding isyu na ibinato sa ABS-CBN sa 13 Congress hearings.

Kabilang umano ang "questionable and unjust, if not immoral, tax avoidance schemes" ng ABS-CBN.

Bagamat nakapagsumite raw ang ABS-CBN ng tax clearance mula sa Bureau of Internal Revenue, maaari pa rin daw mag-imbestiga ang gobyerno kung kuwestiyonable ang pagbabayad ng buwis ng isang kumpanya.

Kinuwestiyon ng Kongreso ang pag-aaring kumpanya ng ABS-CBN na Big Dipper, na nagpapasok ng malaking income sa ABS-CBN.

Ang Big Dipper ay isang ABS-CBN subsidiary na namamahala sa pag-digitize ng video content ng ABS-CBN para ma-play ito sa iba-ibang media platforms kapag ipinalabas sa Pilipinas o sa ibang bansa.

Entitled ang Big Dipper sa minimum five percent tax na singil sa kumpanya dahil nakarehistro ito sa PEZA o Philippine Economic Zone Authority. Aprubado ng PEZA dahil mayroon itong produkto o serbisyo na ine-export sa ibang bansa.

Continue reading below ↓

Sa ginanap na Congress hearing noong July 2, ipinaliwanag ni ABS-CBN Chief Financial Officer Aldrin Cerrado na ang serbisyo ng Big Dipper ay "50 percent for export" at "50 percent for local companies like ABS-CBN."

Pero kinuwestiyon ng Kongreso na ang tanging kliyente lamang ng ABS-CBN sa ibang bansa ay ang ABS-CBN Luxembourg, na pag-aari rin ng network. Ang Ang ABS-CBN Hungary Kft., na isa ring subsidiary ng ABS-CBN, ang nag-iisyu ng license para ma-distribute ang digitized content mula sa Big Dipper.

Sa Pilipinas, ang kliyente ng Big Dipper ay ang ABS-CBN Corporation, ABS-CBN Films Production Inc., Sarimanok News Network Inc., at Creative Programs Inc.

Kaya hindi raw nasusunod ng ABS-CBN ang purpose nito, bilang PEZA-registered company, na mag-"promote ng flow of investors" o palaguin ang "financial and industrial cooperation" sa pagitan ng Pilipinas at ibang bansa.

Sabi sa TWG report, "Big Dipper has no other business but serving ABS-CBN or all entities fully owned by it.

Continue reading below ↓

"This act of ABS-CBN, while not necessary illegal, is nonetheless less than exemplary, and borders on being immoral when views in light of the billions of pesos of lost revenue for Philippine government which could have funded much needed basic services for the Filipino people."

USE OF AMCARA AS "DUMMY"

Isa pa sa mga kontrobersiyal na isyu sa Congress hearings, na naisama sa TWG report, ay ang ugnayan sa pagitan ng ABS-CBN at AMCARA Broadcasting Network.

Sa Congress hearing noong June 29, sinabi ni ABS-CBN President and CEO Carlo Katigbak na ang ABS-CBN ay may "blocktime arrangement" sa AMCARA na nagmamay-ari ng Channel 43.

Sa Channel 43 umeere ang digital broadcast ng ABS-CBN, kasabay sa analog broadcast ng network sa Channel 2.

Ang digital broadcast mula sa Channel 43 ang nakukuhang signal sa ABS-CBN TVPlus, ang digibox set-up ng ABS-CBN.

Ani Katigbak: "Yung AMCARA Broadcasting po is not owned by ABS. We don't have any ownership in AMCARA today.

Continue reading below ↓

"The reason that you continue to see our channels in ABS-CBN TVplus is because we have a blocktime arrangement with AMCARA."

Bahagi raw ng industry practice ang pagbili ng airtime sa isang channel ng isang independent producer, sa kasong ito ay ang pagbili ng ABS-CBN ng airtime sa AMCARA.

Pero kinuwestiyon ng Kongreso ang diumano'y monopoliya ng ABS-CBN sa Channel 43 ng AMCARA.

Tanging ABS-CBN lang daw ang kliyente ng AMCARA sa loob ng 23 taon, ayon sa TWG report.

Mula pa raw noong unang broadcast ng AMCARA sa pag-aari nitong Channel 23 ay ABS-CBN na raw ang nakinabang sa AMCARA.

Ni-rebrand ang Channel 23 bilang Studio 23 noong 2010 at ABS-CBN Sports+Action noong 2014.

Sabi pa sa TWG report, panay ABS-CBN shows ang mapapanood sa channel ng AMCARA sa loob ng "21 hours per day, 7 days a week, for 365 days of the year."

Binanggit din na may panahong nagmay-ari ang ABS-CBN ng "49% stake" sa AMCARA, at binalik lamang ito ng ABS-CBN sa AMCARA noong January 2019.

Continue reading below ↓

Pati ang kawalan ng equipment ng AMCARA para sa transmission ng digital signal— nang magkaroon ito ng blocktime arrangement para sa ABS-CBN TVplus—ay tinalakay nang husto sa mga pagdinig sa Kongreso.

Ayon sa TWG report: "This is not just a mere usufruct allowing ABS-CBN to enjoy the fruits of AMCARA's franchise, but a fraudulent machination which allowed ABS-CBN to exclusively and totally control the legislative franchise granted to AMCARA.

"This is an outright violation of AMCARA's legislative franchise which in effect illegally extended ABS-CBN's broadcast services beyond the expiration of its own franchise."

Dagdag pa rito, "There is thus sufficient reason for this Committee to believe that AMCARA is a mere dummy of ABS-CBN which should warrant the piercing of the veil of corporate fiction."

Ang mga awtor ng TWG report ay sina Pablo John Garcia (3rd District, Cebu City), Xavier Jesus Romualdo (Lone District, Camiguin), at Stella Luz Quimbo (2nd District, Marikina City).

Continue reading below ↓

Si Quimbo ay nag-note ng "I dissent" sa kanyang pirma sa report.

Matapos ang botohan sa Kongreso, napagkayarian na maging "co-authors" ng pinal na resolusyon ang lahat ng 70 congressmen na bumotong mabasura ang franchise renewal application ng ABS-CBN.

RELATED STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Deputy Speaker Vilma Santos on voting according to what her "conscience" dictates: "Siyempre if you're part of the super majority, kailangan in a way nakasuporta ka rin sa mga matatawag nating mga major na batas na ipatutupad. But again, at the end of the day, conscience vote."
PHOTO/S: Mark Atienza / @iamkarendavila Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results