Kathryn Bernardo's father reveals how Daniel Padilla won his approval

by Bernie V. Franco
Jul 14, 2020
Teddy Bernardo (far right) on daughter Kathryn's boyfriend Daniel Padilla (center): "Hindi rin mayabang. Swabe lang, okay lang."
PHOTO/S: YouTube Kathryn Bernardo (Kathryn and Teddy) / ABS-CBN Talk (YouTube, Daniel)

Ibinahagi ng ama ni Kathryn Bernardo ang naging reaksiyon niya nang ipaalam sa kanya ng anak na kasintahan na nito si Daniel Padilla.

Nabanggit din ng ama ni Kathryn, 24, na si Teodoro "Teddy" Bernardo, 67, kung ano ang ibinilin niya kay Daniel, 25, nang makapag-usap sila.

Noong Lunes, July 13, in-upload nI Kathryn sa YouTube ang 31-minute video interview niya sa ama.

Ilan sa mga tanong na ibinato ni Kathryn sa ama ay mula sa kanyang supporters at ang iba naman ay galing mismo sa Kapamilya actress.

Inusisa si Teddy kung ano ang sinabi niya kay Kathryn nang aminin ng aktres na boyfriend na niya si Daniel.

Sixteen years old lang noon si Kathryn.

Sagot ni Teddy: “Sabi ko, pag-isipan niya munang mabuti.

“Kilalanin niyang mabuti, then kung okay, then go. It’s your feeling.”

Kinontra naman ito ni Kathryn.

“Hindi yun yung sinabi mo sa akin,” sabi nito sa ama. “Nasa kuwarto ako nun, sabi mo, ‘Sigurado ka na ba diyan? Pag-isipan mo ‘yan.'”

Continue reading below ↓

Nilinaw ni Kathryn na hindi naman kumontra noon ang ama. “Sinabi lang niya, ‘Sigurado ka ba diyan?’”

Hindi itinanggi ni Mr. Bernardo na nakaramdam siya ng takot nang aminin sa kanya ni Kathryn na may boyfriend na ito. “Halo. Takot, natuwa,” sabi nito.

Ito naman ang naging impression ni Teddy kay Daniel noon: “Sabi ko, mukhang okay naman siya, ‘tapos parang totoo naman.

“So, kasi, pag wala ka namang ginagawa [na masama], wala ka namang magagawa sa kanilang dalawa.

“It’s all up to them. Lalo na ngayon. They’re right age and nakita ko mukhang maganda naman ang relasyon nila.”

Walong taon nang magkarelasyon sina Kathryn at Daniel.

HOT STORIES

HOW DANIEL GAINED THE TRUST OF KATHRYN’S PARENTS

Napanatag daw ang loob ni Mr. Bernardo nang makita niyang marespeto si Daniel.

“Show of respect lang. Alam niya yung lugar niya,” sabi ng ama ni Kathryn.

“Hindi naman siya matanong, hindi rin mayabang. Swabe lang, okay lang.

Continue reading below ↓

“Saka yung porma naman niya, hindi naman yabang yun, natural, e.

“Pag nga yung iba, pag nakita mo, sabihin mo, mayabang. Hindi naman. Okay lang siya. Swabe.”

Ganunpaman, hindi raw siya nagkukulang sa paalala kay Daniel na alagaan si Kathryn.

“Parang ganun lang, lagi lang bwelo na, ‘O, baby ko ‘yan. Alagaan mo ‘yan.’”

Inalala rin ni Mr. Bernardo nang sabihan siya ni Kathryn na gusto na nitong maging independent nang tumapak ang anak ng 18-anyos.

“Kasi, sabi niya nung mag-debut siya, she can go her own.

“Pero she being my baby, sabi ko [kay Daniel], ‘In-endorse ko lang sa ‘yo. Ingatan mo lang.’ Yun lang sinabi ko.”

Si Kathryn ang bunso sa apat na magkakapatid.

Sundot naman ni Kathryn sa ama, “Iniingatan naman, di ba, Papa? Hahaha!”

Sagot ng tatay kay Kathryn, “Sabi ko, bugbugin ko siya.”

Pagkatapos ay nagtawanan ang mag-ama.

Continue reading below ↓

Ayon kay Kathryn, taon ang inabot bago nakuha ni Daniel ang tiwala ng mga magulang ng aktres na sina Teddy at Min.

“Ako naman, hindi naman na-gain ni DJ overnight ang trust nina Mama at Papa. It took him years.

“And kailangan talaga ipakita ng lalaki yung intensiyon niya sa babae na hindi lolokohin, aalagaan.

“Kasi mapi-feel yun ng magulang. And feeling ko, pag naging magulang ako some day, ganun din siyempre, protective ka.

“So, sa mga boyfriend, trabahuhin lang. Hindi siya mabilis, pero yun ang mga bagay na di minamadali.

“Kasi kunwari nasa posisyon ka ng parents, iisipin mo ang hirap din mag-let go ng isang anak. So you have to earn that trust and yung respect.

"Respect is very important."

DADDY TEDDY ON DANIEL: "PARANG BOY SCOUT 'YAN, E..."

Inusisa ni Kathryn ang ama kung ano masasabi niya kay Daniel, na siyang tumingin sa kanila noong may enforced community quarantine (ECQ).

Continue reading below ↓

Paliwanag ni Kathryn, nakabiyahe lang ang kanyang ama sa Maynila nang isailalim na sa general community quarantine (GCQ) ang Luzon noong June.

Noong mga unang buwan ng pandemya, hindi nila kasama ang ama. Si Kathryn, mga kapatid niya, at si Mommy Min ay nasa Maynila. Nasa Canabatuan naman si Teddy.

Tatlong buwan din daw ang inabot bago nakita ni Kathryn ang tatay niya.

“Parang Boy Scout 'yan, e, laging handa,” sabi ni Teddy tungkol kay Daniel. “Yung pagtulong niya, laging nandiyan para ibigay sa iyo. Handang itulong, ganyan.

“Hindi ko alam kasi because of Kathryn lang yun, pero mukhang hindi naman. Natural lang.”

Pagbibida naman ni Kathryn kay Daniel, “So, very good yun, sa ginawa ni DJ... Kahit nandito ka na, nagtsi-check siya."

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Teddy Bernardo (far right) on daughter Kathryn's boyfriend Daniel Padilla (center): "Hindi rin mayabang. Swabe lang, okay lang."
PHOTO/S: YouTube Kathryn Bernardo (Kathryn and Teddy) / ABS-CBN Talk (YouTube, Daniel)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results