Enchong Dee to fellow Kapamilya stars: “Hindi ito ang oras para manahimik.”

Enchong Dee promises to speak his mind against those who "killed" ABS-CBN.
by Arniel C. Serato
Jul 14, 2020
Enchong Dee promises to speak his mind against those who "killed" ABS-CBN: "Hindi ako titigil sa pananalita laban sa kasamaan na pumapaligid satin. Being bashed is a small price to pay to be in the right side of history.”
PHOTO/S: Courtesy: @starmagicphils on Instagram / Jerome Ascano

“Maging totoo tayo sa salitang #kapamilya.”

Ito ang bahagi ng mensahe ni Enchong Dee, 31, para sa mga kapwa niya ABS-CBN stars.

Kaugnay ito sa tuluyang pagbasura ng Kongreso sa aplikasyon ng bagong prangkisa ng ABS-CBN noong July 10.

Nayong hapon ng Martes, July 14, nag-post si Enchong sa Instagram ng larawan niya sa isang swimming competition na sinalihan noon.

Bahagi ang aktor ng Philippine swimming team na sumali noon sa SEA Games at 2006 Asian Games.

Sabi ni Enchong sa caption, “I’ve been fighting for my country since I was 13.

“Hindi madali at walang kasiguraduhan pero masarap sa puso.”

Ganito rin daw ang gagawin niya sa kompanyang naging tahanan niya sa loob ng 15 taon.

Pangako pa ng 31-anyos na aktor, "Hindi ako titigil sa pananalita laban sa kasamaan na pumapaligid satin.

“Being bashed is a small price to pay to be in the right side of history.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nanawagan din si Enchong sa mga kapwa niya Kapamilya stars na huwag tumahimik sa panahong ito na tila nawalan sila ng pangalawang tahanan.

Saad niya, “Sa mga kasamahan ko sa ABSCBN, kasama nyo ko hanggang muling magbukas ang tahanan natin.

“At sa mga kapwa ko artista, hindi ito ang oras para manahimik, maging totoo tayo sa salitang #kapamilya.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

ABS-CBN FRANCHISE “KILLED” IN CONGRESS

Sa botong 70 na “Yes” at 11 na “No,” pinatay ng House Committee on Legislative Franchises ang apela ng ABS-CBN Corporation na mabigyan sila ng bagong 25-year legislative franchise.

Sa mga unang bahagi ng congressional hearing, inakala ng marami na hati ang komite sa kanilang magiging desisyon pagdating ng botohan.

Ngunit noong idinaos na ang botohan para rito, landslide ang nakuhang boto para sa pagbasura ng franchise application ng broadcast giant.

Ikinagulat ni Batangas 6th District Representative Vilma Santos-Recto kung bakit kaunti ang botong nakuha nila.

Si Vilma ang may akda ng House Bill No. 4305, isa sa 14 panukalang batas na inihain sa House Committee on Legislative Franchises para sa bagong prangkisa ng ABS-CBN.

Saad ng veteran actress sa panayam sa kanya nina Peter Musngi at Pat-P Daza sa DZMM matapos ang botohan, “Alam niyo, sa totoo lang po, pareho rin ninyo, ako rin ay nagulat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kasi initially po, maski sa mga pagdinig, lalo na nung mga unang panahon na dinidinig po ito, ay alam ko po na kahit papa'no marami pong sumusuporta sa bill na ito na nilalaban namin—the renewal of franchise sa ABS-CBN.

“Kung nagulat po kayo, maski ako kanina ay nagulat na, 'Bakit kami... very significant naman na, bakit bigla naman kaming naging labing-isa?'”

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Enchong Dee promises to speak his mind against those who "killed" ABS-CBN: "Hindi ako titigil sa pananalita laban sa kasamaan na pumapaligid satin. Being bashed is a small price to pay to be in the right side of history.”
PHOTO/S: Courtesy: @starmagicphils on Instagram / Jerome Ascano
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results