Maja Salvador, boyfriend Rambo Nuñez join ABS-CBN noise barrage

by Arniel C. Serato
Jul 14, 2020
Actress Maja Salvador (left) speaks during the noise barrage of ABS-CBN talents and employees yesterday, July 13. Her boyfriend Rambo Nunez (right photo, partly hidden) joins the actress in lighting candles in front of the network's gate.
PHOTO/S: Courtesy: @rambonunez / @iammajasalvador on Instagram

Nakiisa si Maja Salvador sa mga empleyado at talents ng ABS-CBN na nagsagawa ng noise barrage sa compound ng istasyon kagabi, July 13.

Sa Instagram, ibinahagi ni Maja ang kanyang larawan habang nagsisindi ng kandila sa may Sgt. Esguerra gate ng ABS-CBN complex.

Kasama niya sa larawan ang nobyong si Rambo Nuñez.

Mensahe ng aktres sa caption: “Araw araw po naming ipagdarasal na sana ay makabalik na ulit on-air ang ABS-CBN.”

Nagpasalamat din si Maja sa mga taong patuloy na nagmamahal at sumusuporta sa kanila.

“sa aming mga Fans/Supporters/Kapamilya

“salamat sa lahat ng suporta at pagmamahal.

“salamat rin sa pakikipaglaban at paninindigan niyo para sa ABS-CBN.

“mahigpit na yakap para sa lahat.

#IbalikAngABSCBN
#PrayforABSCBN
#PrayforPH

Ilang gabi nang nagdadaos ng noise barrage ang mga artista at empleyado ng ABS-CBN sa bakuran ng istasyon, kasunod ng pagbasura ng Kongreso sa aplikasyon ng bagong prangkisa nito.

Noong Biyernes, July 10, “laid on the table” na sa House Committee on Legislative Franchises ang usapin sa bagong prangkisa ng ABS-CBN Corporation.

Continue reading below ↓

Ibig sabihin, tuluyan na itong pinatay sa committee level pa lang sa botong 70-11.

“KAPIT LANG KAPAMILYA”

Sa kanya namang Instagram, nakikidalamhati rin ang boyfriend ni Maja na si Rambo.

Sabi niya sa kanyang post noong Sabado, July 11, “Masakit mawalan ng Kapamilya.

“This is what all of my friends in ABS-CBN are feeling right now and i want you to know that I really feel your pain. Nakikiisa ako sa inyong lahat @iammajasalvador

Dagdag ni Rambo, “Pero alam kong hindi kayo titigil sa pagpapasaya at pagbibigay serbisyo sa bawat pilipino. More than a network, alam kong kayo ay isang malaking Pamilya.

“Kapit lang Kapamilya, naniniwala ako na sama sama kayong babangon muli. Hindi natin makakalimutan ito. Mahigpit na yakap sa inyong lahat”

Continue reading below ↓

Sa isa pa niyang post noong Linggo rin, ibinahagi ni Rambo ang larawan ni Maja na kuha sa noise barrage ng Kapamilya stars and employees.

Ang caption lang niya ay three heart emojis na kulay ng ABS-CBN: pula, berde, at bughaw.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress Maja Salvador (left) speaks during the noise barrage of ABS-CBN talents and employees yesterday, July 13. Her boyfriend Rambo Nunez (right photo, partly hidden) joins the actress in lighting candles in front of the network's gate.
PHOTO/S: Courtesy: @rambonunez / @iammajasalvador on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results