Angel Locsin calls out 70 congressmen who pulled the plug on ABS-CBN

by Arniel C. Serato
Jul 14, 2020
Angel Locsin: "Bakit dinamay ang karamihan sa personal vendetta ng iilan?"
PHOTO/S: Courtesy: Angel Locsin / House of Representatives on Facebook

Ngayon lamang daw nag-sink in kay Angel Locsin, 35, ang pagkabigo ng ABS-CBN na makakuha ng bagong prangkisa mula sa Kongreso.

Biyernes, July 10, tuluyan nang "pinatay" ng House Committee on Legislative Franchises ang franchise application ng ABS-CBN Corporation sa botong 70-11.

Pitumpong kongresista ang bumoto ng "Yes" pabor sa report ng Technical Working Group (TWG) ng komite, samantalang labing-isa lamang ang bumoto ng "No."

Sari-saring emosyon daw ang naramdaman ni Angel mula noong Biyernes.

Pahayag ng Iba 'Yan host sa Instagram post niya ngayong araw, July 14, "It took a while before I was able to compose myself and feel how I actually felt about the situation.

"Alam ko I am sad, alam ko i am angry.

"Pero may pakiramdam ako ng panghihinayang na hindi ko naiintindihan kung saan nanggagaling nung simula.

"Ngayon po na-realize ko kung saan nanggagaling ang lahat ng emosyon na ito."

Dahil "laid on the table" na ang mga panukalang batas ukol sa prangkisa ng ABS-CBN, tuluyan na rin daw naglaho ang kakarampot na pag-asa upang magkaroon ng mga pagbabago sa industriya ng pelikula at telebisyon.

Continue reading below ↓

Saad ni Angel, "Ito na sana ang chance para maayos ng ating gobyerno ang entertainment industry.

"I was genuinely hoping that we could turn this into an opportunity to fix the industry’s issues.

"Hindi lang po sa ABS-CBN, kundi ang kabuuan.

"Though, to be honest, malaki na po ang improvement kumpara nung nagsisimula pa lang po ako. Katulad ng working hours, contracts, etc.

"Pero aminado po ako na marami pa rin pong bagay sa entertainment industry ang kailangan pang ayusin, gaya ng ibang nirereklamo ng ibang laborers."

70 CONGRESSMEN WHO VOTED AGAINST ABS-CBN FRANCHISE

Kasunod nito, pinasaringan ni Angel ang pitumpong mambabatas na piniling patayin ang isang istasyon sa halip na tulungan ang mga manggagawa at maisaayos kung may nagawa mang kamalian.

Hindi rin daw niya lubos maisip kung ano ang naging layunin ng mga testimonya ng resource persons sa hearing kung binalewala lang pala ang mga ito sa huli.

Continue reading below ↓

Himutok ng aktres, "But those 70 congressmen chose to shutdown the network instead of standing up for the people and fix those problems.

"What’s the purpose of those testimonies from laborers fighting for their rights kung dito lang magtatapos?

"Hindi rin naman sila natulungan. Pinagsalita lang pero iniwan lang rin sa ere.

"In the end, we, in the entertainment industry, especially the day to day earners, kagaya ng crew, were still denied of the opportunity to work in better labor conditions."

Dagdag niya, "Kumbaga sa health, may sakit po ang entertainment industry. At nalagay ang ating mga kongresista sa sitwasyon na gabayan at ayusin sana.

"But sadly, the congress chose a rigid path, pulled the plug and ignored the plea of the entertainment people.

"They chose the easy way out instead of curing the disease."

Kinuwestiyon din ni Angel ang motibo ng ilang mambabatas na tingin niya'y pinairal ang personal na paghihiganti laban sa ABS-CBN.

Continue reading below ↓

Aniya, "Bakit dinamay ang karamihan sa personal vendetta ng iilan?

"Totoong serbisyo para sa tao ba ang ginagawa o gumaganti lang dahil na-expose ang ilang pagkakamali nila?

"Kaya ako lumalaban, kahit mahirap at tagilid, kailangan ng mga kasama ko ang karamay ngayon, higit kailan man."

Diin pa ni Angel sa huli: "Naniniwala akong hindi mawawalan ng saysay ang lahat...dahil tatatak ito sa kasaysayan and we, the Filipino people will never forget."

Continue reading below ↓

HOT STORIES

WHO VOTED TO KILL THE FRANCHISE?

Marami ang nagulat sa resulta ng botohan noong July 10.

Landslide kasi ang numero pabor sa pagbasura sa franchise application ng ABS-CBN-CBN.

Narito ang mga pangalan, distrito, at party-list organizations ng mga kongresistang nagdesisyon sa kapalaran ng ABS-CBN:

THE 70 YES VOTES

  1. Rep. Abraham Tolentino (Cavite 8th District)
  2. Rep. Antonio Albano (Isabela 1st District)
  3. Rep. Faustino Michael Dy (Isabela 5th District)
  4. Rep. Jose Antonio Sy-Alvarado (Bulacan 1st District)
  5. Rep. Cyrille Abueg-Zaldivar (Palawan 2nd District)
  6. Rep. Faustino Dy (Isabela 6th District)
  7. Rep. Dale Malapitan (Caloocan City 1st District)
  8. Rep. Eric Martinez (Valenzuela City 2nd District)
  9. Rep. Divina Grace Yu (Zamboanga del Sur 1st District)
  10. Rep. Julienne Baronda (Iloilo City)
  11. Rep. Anthony Peter Crisologo (Quezon City 1st District)
  12. Rep. Luis Ferrer IV (Cavite 6th District)
  13. Rep. John Marvin Nieto (Manila 3rd District)
  14. Rep. Strike Revilla (Cavite 2nd District)
  15. Rep. Samantha Louise Alfonso (Cagayan 2nd District)
  16. Rep. Rolando Valeriano (Manila 2nd District)
  17. Rep. Joaquin Chipeco Jr. (Calamba City, Laguna)
  18. Rep. Eduardo Gullas (Cebu 1st District)
  19. Rep. Eleandro Jesus Madrona (Romblon)
  20. Rep. Frederick Siao (Iligan City, Lanao del Norte)
  21. Rep. Ian Paul Dy (Isabela 3rd District)
  22. Rep. Gil Acosta (Palawan 3rd District)
  23. Rep. Weslie Gatchalian (Valenzuela City 1st District)
  24. Rep. Precious Castelo (Quezon City 2nd District)
  25. Rep. Alyssa Sheena Tan (Isabela 4th District)
  26. Rep. Christian Unabia (Misamis Oriental 1st District)
  27. Rep. Raymond Mendoza (TUCP Party-list)
  28. Rep. Jericho Nograles (PBA Party-list)
  29. Rep. Yedda Romualdez (Tingog Sinirangan Party-list)
  30. Rep. Eric Yap (ACT-CIS Party-list)
  31. Rep. Claudine Bautista (Dumper-PTDA Party-list)
  32. Rep. Esmael Mangudadatu (Maguindanao 2nd District)
  33. Rep. Enrico Pineda (1-PACMAN Party-list)
  34. Rep. Dulce Ann Hofer (Zamboanga Sibugay 2nd District)
  35. Rep. Sharon Garin (AAMBIS-OWA Party-list)
  36. Rep. Arnolfo Teves Jr. (Negros Oriental 3rd District)
  37. Rep. Janette Garin (Iloilo 1st District)
  38. Rep. Paulo Duterte (Davao City 1st District)
  39. Rep. Ferdinand Hernandez (South Cotabato 2nd District)
  40. Rep. Conrado Estrella III (ABONO Party-list)
  41. Rep. Prospero Pichay (Surigao del Sur 1st District)
  42. Rep. Roberto Puno (Antipolo City 1st District)
  43. Rep. Aurelio Gonzales (Pampanga 3rd District)
  44. Rep. Johnny Pimentel (Surigao del Sur 2nd District)
  45. Rep. Luis Villafuerte Jr. (Camarines Sur 2nd District)
  46. Rep. Raneo Abu (Batangas 2nd District)
  47. Rep. Dan Fernandez (Laguna 1st District)
  48. Rep. Rodante Marcoleta (SAGIP Party-list)
  49. Rep. Henry Oaminal (Misamis Occidental 2nd District)
  50. Rep. Pablo John Garcia (Cebu 3rd District)
  51. Rep. Deogracias ‘DV’ Savellano (Iloco Sur 1st District)
  52. Rep. Michael Romero (1-PACMAN Party-list)
  53. Rep. Ferdinand Martin Romualdez (Leyte 1st District)
  54. Rep. Jesus Crispin Remulla (Cavite 7th District)
  55. Rep. Juan Miguel Macapagal Arroyo (Pampanga 2nd District)
  56. Rep. Cristal Bagatsing (Manila 5th District)
  57. Rep. Juan Pablo Bondoc (Pampanga 4th District)
  58. Rep. Elpidio Barzaga Jr. (Cavite 4th District)
  59. Rep. Bernadette Herrera-Dy (BH Party-list)
  60. Rep. Xavier Jesus Romualdo (Camiguin)
  61. Rep. Josephine Lacson-Noel (Malabon City)
  62. Rep. Wilter Palma II (Zamboanga Sibugay 1st District)
  63. Rep. Ma. Theresa Collantes (Batangas 3rd District)
  64. Rep. Ria Christina Farin?as (Ilocos Norte 1st District)
  65. Rep. Camille Villar (Las Pinas City)
  66. Rep. Roger G. Mercado (Southern Leyte)
  67. Rep. Sharee Ann Tan (Samar 2nd District)
  68. Rep. Joseph Stephen Paduano (Abang Lingkod Party-list)
  69. Rep. Bayani Fernando (Marikina City 1st District)
  70. Rep. Jose Singson Jr. (Probinsyano Ako Party-list)
Continue reading below ↓

THE 11 NO VOTES

  1. Rep. Sol Aragones (Laguna 3rd District)
  2. Rep. Christopher De Venecia (Pangasinan 4th District)
  3. Rep. Carlos Zarate (Bayan Muna Party-list)
  4. Rep. Gabriel Bordado Jr. (Camarines Sur 3rd District)
  5. Rep. Vilma Santos-Recto (Batangas 6th District)
  6. Rep. Lianda Bolilia (Batangas 4th District)
  7. Rep. Jose Tejada (North Cotabato 3rd District)
  8. Rep. Bienvenido Abante (Manila 6th District)
  9. Rep. Stella Quimbo (Marikina 2nd District)
  10. Rep. Mujiv Hataman (Basilan)
  11. Rep. Edward Maceda (Manila 4th District)

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angel Locsin: "Bakit dinamay ang karamihan sa personal vendetta ng iilan?"
PHOTO/S: Courtesy: Angel Locsin / House of Representatives on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results