Kris Aquino reactivates Instagram; has no “clear facts” about TV show not airing

by Jet Hitosis
Jul 15, 2020
Actress-TV host Kris Aquino is back on Instagram June 12. Her lengthy post looks headed to building a new image of Kris with these qualities she puts out in all caps: "PATIENCE," "PAIN," "SELFLESSNESS," "SILENCE."
PHOTO/S: @krisaquino on Instagram

Bagamat nakabalik na sa Instagram si Kris Aquino, wala siyang paliwanag kung bakit ipinagpaliban—sabi ng iba'y kinansela—ang kanyang bagong show para sa TV5.

June ngayong taon nang mapaulat na July 25 na ang takdang pagbabalik-telebisyon ng actress-TV host-endorser.

Pero nitong July 6, kumalat ang balitang hindi na tuloy ang show ng 49-year-old TV personality mula sa prominenteng angkan ng mga Cojuangco-Aquino.

Nagmula raw sa executive tier ng TV5 ang desisyong kanselahin ang pagpapalabas ng show ni Kris.

Kasunod nito, nag-deactivate si Kris ng kanyang Instagram account.

Subalit nitong July 9, nilinaw ng isang ayaw magpangalanang prodyuser, na siyang source ng PEP Troika, na hindi totoong kanselado ang show ni Kris.

“Deferred” o ipinagpaliban lang daw ito at hindi kinansela.

NO “CLEAR FACTS” ABOUT SHOW NOT AIRING

Mahaba ang post ni Kris sa Instagram nitong Linggo, July 12.

Tungkol ito sa realizations niya sa buhay sa nakalipas na mga taon.

Pero ang nakabungad sa post ay ang pagpapaliban sa kanyang TV comeback project.

Continue reading below ↓

Ayon sa dating Kapamilya TV host, hindi siya makapagbigay ng “EXPLANATION” sa 4.6 million Instagram followers niya tungkol sa nangyari.

Ito raw ay dahil "i don’t possess clear facts," sabi ni Kris.

Gayunman, pagpapaliwanag pa rin ang mga sumunod na pahayag ni Kris, hindi nga lang tungkol sa dahilan ng pagkaudlot ng kanyang show.

Imbes na ito, nagpaliwanag si Kris kung bakit pinili niyang manahimik sa gitna ng pagkapurnada ng kanyang pagbabalik-telebisyon.

KRIS MENTIONS A “HUGE CONGLOMERATE THAT TOOK A RISK WITH ME”

Ikinuwento ni Kris na ang TV station kung saan magba-blocktime ang kanyang show ay bahagi raw ng “huge conglomerate that took a risk with me with their prized jewels when i embarked on my digital journey in 2017.”’

Naianunsiyo nang sa TV5 eere, bilang blocktimer, ang bagong show ni Kris.

At ang TV5 ay bahagi ng grupo ng mga kumpanya ng business tycoon na si Manny V. Pangilinan, o mas kilala sa bansag na “MVP.”

Continue reading below ↓

Mahihinuhang ang “prized jewels” na tinutukoy ni Kris ay ang mga hawak na telecommunications companies ni MVP: ang Philippine Long Distance Telephone (PLDT) Company at ang Smart Communications.

Taong 2017 nang ilunsad ni Kris ang kanyang digital production company na Kristina Cojuangco Aquino Productions o KCAP.

Kabilang noon ang PLDT at Smart sa mga brands na unang sumugal nang ilunsad ni Kris ang KCAP.

Continue reading below ↓

INDEBTED TO A LEADER WITH “INTEGRITY”

Sa parehong post, pawang capital letters ang pagkakabanggit ni Kris na “BELIEVE” siya sa “INTEGRITY” ng leader ng conglomerate.

Mahihinuhang si MVP ang tinutukoy niya.

Sabi pa ni Kris tungkol sa leader: “When others turned their backs on me, his group opened their doors…”

Pagkatapos ay idinugtong ni Kris: “kaya simple lang, smart na ko…”

Sa pahayag ni Kris, isinaalang-alang daw niya si MVP nang hindi siya magsalita tungkol sa naharang na pag-ere ng kanyang show.

Simula nang pumutok ang balitang hindi na ipapalabas ang blocktimer show ni Kris sa scheduled date nito ngayong buwan, hindi nagbigay ng anumang pahayag sa media ang actress-TV host.

At dumating nga sa puntong nag-deactivate pa siya ng Instagram account.

HOT STORIES

LEARNING THE VIRTUES OF SILENCE, PAIN, PATIENCE

Dahil sa pagkakabanggit sa conglomerate ni MVP, maaaring dalawa ang ipakahulugan sa sinabi ni Kris na "smart na ko."

Pupuwedeng tinutukoy niya ang telco na Smart, na hawak ni MVP at dating inendorso ni Kris.

Continue reading below ↓

O maaari rin namang ang simpleng tinutukoy ni Kris ay ang pagiging “smart” o wais niya ngayon sa buhay.

Ang ikalawang pakahulugan ang naging sentro ng mga sumunod na photo statements ni Kris.

Aniya, kung dati ay “incapable” siya sa “SILENCE,” posible na raw ito ngayon.

Nagagawa na raw kasi ngayon ni Kris kontrolin ang kanyang emosyon.

Isang halimbawa ay ang pananahimik niya sa isyu ng naudlot na TV comeback.

Noon, kilala si Kris sa detalyadong pagkukuwento ng kanyang buhay sa publiko.

Wala rin siyang kontrol sa pagpapahayag ng saloobin, kaya tinagurian siya noon sa showbiz na “Taklesa Queen.”

Ang taklesa ay hinalaw sa English word na “tactless,” na ang ibig sabihin ay kawalan ng pag-iingat o konsiderasyon sa binibitawang salita.

Aminado rin ang actress-TV host na dati ay hindi maiuugnay sa kanya ang "admirable quality" na “SELFLESSNESS."

Nakaka-relate na raw siya ngayon sa katangiang ito.

Dito ay umangkla siya sa kanyang ama, ang pinaslang na Senator Benigno “Ninoy” Aquino Jr.

Continue reading below ↓

Ang kantang “Impossible Dream” ni Richard Kiley daw ang paboritong awitin ng ama.

Naging rallying song ito ng oposisyon—kunsaan leading political figure si Ninoy—laban sa 14-taong diktadurya ni Pangulong Ferdinand Marcos (1972-1986).

Binaril sa tarmac ng Manila International Airport si Ninoy noong August 21, 1983.

Binanggit din ni Kris ang tungkol sa “PAIN: that which gives us a clearer vision of who we are, and what we are made of.”

Continue reading below ↓

At ang “PATIENCE” na natutuhan daw niya sa nakalipas na apat na taon ng kanyang buhay.

Ang binabanggit na nakalipas na apat na taon ay panahong walang TV project si Kris, simula nang umalis siya sa ABS-CBN.

Dalawampung taong Kapamilya star si Kris hanggang sa nilisan niya ang network noong September 2016, nang hindi niya pinirmahan ang kontratang ino-offer sa kanya.

Sa pamamagitan ng KCAP, nag-full time si Kris nang mga panahong ito sa social media at sa sariling YouTube channel.

KRIS HINTS ABOUT FAMILY’S “RECENT STORY”

Sa realizations ni Kris tungkol sa “FAMILY,” binanggit niyang mananatili ang “UNITY” sa kanilang magkakapatid.

Ito raw kasi ang ipinangako nila sa ina nilang si Pangulong Corazon Aquino (1986-1992), bago ito pumanaw noong August 1, 2009.

Continue reading below ↓

Si Kris ay bunsong anak nina Senator Ninoy at Pangulong Cory.

Kapatid niya sina Ballsy, Pinky, Viel, at Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III (2010-2016).

Kuwento pa ni Kris, ilang linggo bago ang 11th death anniversary ng kanilang ina sa August 1, 2020, “we had to be reminded by trials that would break even the strongest, that we were born SURVIVORS.”

Kasunod nito, may pahaging si Kris tungkol sa “recent story” ng pamilya Aquino.

Hindi nagbigay ng detalye si Kris, pero sinabi niyang darating ang panahon na ibabahagi niya ito sa publiko.

TWO SONS “REASON FOR NOT GIVING UP”

Sa huli, binigyang-diin ni Kris na ang dalawang anak ang dahilan niya “for not giving up.”

Ngayon ay 25 years old na ang panganay ni Kris na si Joshua, ang anak niya sa dating karelasyon, ang multiawarded actor na si Phillip Salvador.

Ang bunso ni Kris, si James o Bimby, 13, ay anak niya sa dating asawa, ang professional basketball player na si James Yap.

Continue reading below ↓

Sina Joshua at Bimby din ang pinasalamatan ni Kris “for allowing me to see that there’s no need to keep holding on, because i must just let myself be held in the warmth of their love.”

Mababasa ito sa caption ng mahabang Instagram post ng actress-TV host.

Bukod dito, nag-thank you si Kris sa suporta ng kanyang mga kapatid na babae at ng kaibigang si Atty. Gideon Peña.

Continue reading below ↓

Nagpasalamat din siya sa Cornerstone, ang kasalukuyang nagma-manage sa kanya, "for finding a new, more EXCITING path for me to take.”

Tinangka ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na hingan ng paglilinaw o update ang kampo ni Kris tungkol sa latest post niyang ito.

Ngunit gaya nang kunan siya ng pahayag sa isyu ng hindi eereng TV5 show, walang ibinigay na detalye si Kris o ang kampo nito.

Continue reading below ↓

TELEVISION COMEBACK

Hindi na mabilang kung ilang beses naudlot ang TV comeback ni Kris sa nakalipas na apat na taon.

Napabalita noon na magkakaroon siya ng programa sa GMA-7 at TV5, pero parehong hindi natuloy.

Taong 2018 nang napanood siya sa pelikulang I Love You, Hater ng Star Cinema, ang film production unit ng ABS-CBN.

Ngunit naging one-time project lang ito ni Kris sa dating home network.

August 2018 naman nang napanood si Kris sa Hollywood film na Crazy Rich Asians, kung saan may cameo siya bilang si Princess Intan.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress-TV host Kris Aquino is back on Instagram June 12. Her lengthy post looks headed to building a new image of Kris with these qualities she puts out in all caps: "PATIENCE," "PAIN," "SELFLESSNESS," "SILENCE."
PHOTO/S: @krisaquino on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results