Gerard Salonga distances himself from colleagues cheering ABS-CBN's woes

by Arniel C. Serato
Jul 15, 2020
Gerard Salonga on colleagues who poke fun at non-renewal of ABS-CBN franchise: "Miski hindi tayo sumasang-ayon sa isang bagay, pwede pa naman tayo magpakita ng malasakit at pagmamahal sa isa't isa.”

Mainit na sinabi ni Gerald Salonga sa isang Facebook post nito na pakatatandaan niya ang mga musikerong natutuwa sa sinapit ng ABS-CBN.

Ngayon ay nanindigan siyang iyon pa rin ang kanyang posisyon.

Si Gerard, nakababatang kapatid ni Lea Salonga, ang music director ng ABS-CBN Philharmonic Orchestra

Sabi ni Gerard sa Facebook kagabi, July 14, dahil lumabas na rin lamang ang nauna niyang pahayag, isasapubliko na niya ang saloobin.

Saad niya, “We may not all agree on certain issues, and that's ok. Lahat naman tayo pwedeng magkaroon ng kanya-kanyang pananaw.

“Maganda naman yun. Miski hindi tayo sumasang-ayon sa isang bagay, pwede pa naman tayo magpakita ng malasakit at pagmamahal sa isa't isa.”

Ayon kay Gerard, may mga kaibigan siyang pabor sa naging desisyon ng Kongreso, pero nakikisimpatiya pa rin sa kahihinatnan ng mga empleyado at talent ng ABS-CBN.

“May mga kaibigan akong nag PM na nagsabi na subali't sang-ayon sila sa desisyon ng ating kongreso, nakikiramay sila sa mga kaibigan at kapwa na nawalan ng hanap-buhay.

Continue reading below ↓

“Nagpapasalamat ako sa kanila.”

Pero may iba raw na ikinatutuwa at ginagawa pang biro ang sinapit ng mga kaibigan at kasamahan na taga-ABS-CBN.

Saad ni Gerard, “When friends or colleagues who agree with the decision gloat about it, or make fun of their friends or colleagues who were casualties of this, then that's difficult to take.

“When someone very insensitively tells their grieving friend 'eh di maghanap ka ng iba' in the middle of a worsening pandemic, it's not going to make them feel better.

“Matagal-tagal pa po iyan bago makahanap ng mapapasukan."

Sa kasong ito, ani Gerard, “Naturally a line needs to be drawn somewhere, resulting in a possible loss of friendship, which is also a reality we all need to accept.

“I think we can all agree that there's a whole lot of healing that will need to happen. Naniniwala ako na balang araw, magkakaisa pa rin tayo.”

Continue reading below ↓

July 10, ibinasura na nang tuluyan ng House Committee on Legislative Franchises ang aplikasyon ng network para sa panibagong prangkisa.

70-11 ang resulta ng botohan.

LEA THANKS GERARD

Ibinahagi ni si Lea Salonga sa kanyang Instagram ang Facebook post ng nakababatang kapatid.

Caption ni Lea, “Love. Compassion. Empathy. Humanity. Thanks for this, @gerardsalonga.”

Nagkomento rito ang isang netizen. Ayon dito, kahit sumasang-ayon siya sa desisyon ng Kongreso ay naaawa pa rin siya sa mga apektado ng non-renewal ng franchise ng ABS-CBN.

Hinikayat din ng netizen si Gerard na ipagpatuloy lamang ang ginagawa nito at maaayos din ang lahat.

Continue reading below ↓

Tugon ni Gerard, “there we go. You are the change.”

Samantala, ngayong Miyerkules ng hapon, July 15, gaganapin ang town hall meeting ng ABS-CBN management sa kanilang mga empleyado at talents.

Dito ay malalaman kung ano ang mangyayari sa libo-libong empleyado ng network.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gerard Salonga on colleagues who poke fun at non-renewal of ABS-CBN franchise: "Miski hindi tayo sumasang-ayon sa isang bagay, pwede pa naman tayo magpakita ng malasakit at pagmamahal sa isa't isa.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results