Gloria Diaz confirms indecent proposals in beauty pageants: “I mean, it’s not mind-boggling or anything."

by Bernie V. Franco
Jul 15, 2020
Miss Universe 1969 Gloria Diaz, 69, reveals that even at her age, she continues to receive indecent proposals: “I just enjoy the attention and I go on with it."
PHOTO/S: YouTube (ABS-CBN News)

Hindi na raw nagugulat si Miss Universe 1969 Gloria Diaz kung nakakatanggap ng indecent proposals ang mga contestant sa beauty pageants.

Ayon sa 69-anyos na veteran actress, mas ikagugulat pa niya kung walang nakukuhang indecent proposals ang mga kandidata sa beauty contests.

Sa katunayan, sa edad daw ni Gloria ay nakakatanggap pa rin siya ng ganito.

Noong Hunyo ay pinag-usapan ang tungkol sa maruming kalakaran sa beauty pageant industry nang ibunyag ito sa isang dokumentaryo ng titleholder na si Janina San Miguel.

Sa dokyu ay may mga witness ding nagpatotoo tungkol sa ganitong kalakaran sa mga pageant ng lalaki o babae.

Si Janina ay kinoronahang Bb. Pilipinas-World noong 2008.

GLORIA SAYS INDECENT PROPOSALS ARE ALL OVER

Kaugnay ng isyung ito, hiningan ng pahayag si Gloria kung ano ang maipapayo niya sa mga kandidatang nakakakuha ng indecent proposals.

Si Gloria ang kauna-unahang Pinay na Miss Universe.

Kinoronahan siyang Miss Universe sa Miami Beach, Florida, USA, noong July 19, 1969.

Continue reading below ↓

Ayon kay Gloria "S.O.P." o standard operating procedure sa beauty pageants ang indecent porposals.

Malinaw na gustong tumbukin ni Gloria na hindi na dapat ipagtaka pa ang mga ganitong “alok” sa mga sumasali sa beauty pageants.

Dugtong niya, naglilipana raw ang mga D.O.M. o “dirty old men” kapag may mga beauty pageant.

“I think, in a beauty contest, talagang maraming D.O.M. around.

“And in fact, I’d be surprised kung walang D.O.M. or young, old men, or whatever," sabi ng former Miss Universe sa virtual presscon ng Beauty Queens, ang online series na mapapanood sa iWant, ang web-based content platform ng ABS-CBN.

Ginanap ang presscon noong Martes, July 14.

Ang connotation ng “D.O.M.” ay mga matatanda at mayayamang lalaki na may intensiyong gamitin ang pera nila para sa sexual favors.

Giit pa ni Gloria, “And there’s always indecent proposals all over.”

Ganito rin ang katwiran ng pageant enthusiasts na nagsalita tungkol sa isyu via online video kamakailan.

Continue reading below ↓

Sabi ng mga host, ang indecent proposals ay nangyayari rin sa showbiz at sa sports industry, gaya ng basketball.

Kung si Gloria ang tatanungin, may paraan naman para tanggihan ang mga ganitong alok.

Sabi niya, “Most of the beauty contestants almost expect it.

"And when they’re [D.O.M.] around, it’s okay, it doesn’t insult me, I don’t feel pressured.

“I just enjoy the attention and I go on with it.

“I mean, it’s not mind-boggling or anything.

“And hindi ka naman binabastos, e, at walang pilitan, di ba?”

Maging siya man daw ay nakakatanggap pa rin ng indecent proposals.

“There are a lot of indecent proposals, and even at my age, they all want to be on top of the universe, right?

“So I don’t think anything wrong with that.

“That’s the usual Filipino type of a guy. They always try. Nothing to be lost.”

HOT STORIES

WINWYN MARQUEZ: "IT'S NOT WORTH IT."

Nagsalita rin tungkol sa isyu ang co-stars ni Gloria sa Beauty Queens na sina Winwyn Marquez at Maxine Medina, na pareho ring titleholders.

Continue reading below ↓

Sabi ni Winwyn, 28, napanood ng kanyang ama na si Joey Marquez ang documentary ng Undercover Asia tungkol sa isyu.

Tinawagan daw ni Joey si Winwyn tungkol episode na iyon na pinamagatang “The Hidden Side of Philippines Beauty Pageants.”

Lahad ni Winwyn, “It’s just really unfortunate and sad na may ibang tao na tinatarget yung weakness ng mga sumasali sa beauty pageant, kasi gusto nilang manalo.

“Ginagawa nilang reason yun para sa indecent proposal nga.”

Suwerte raw si Winwyn na hindi siya nakaranas ng ganito.

“Wala rin akong narinig na kaibigan ko na ganun yung nangyari.

“Pero kung na-experience ng ibang candidates yun, ang sad lang na may mga tao na ganun ang tingin nila sa mga candidates.

“Siguro saludo rin ako sa mga babae na tumatanggi at upfront na sinasabi na ayaw nila.

“And sana tumanggi sila, kasi walang magandang kalalabasan yun, even ipangako nila na mananalo ka or siguro bibigyan ka ng money.

Continue reading below ↓

“It’s not worth it.”

Si Winwyn ang kinoronahang Reina Hispanoamericana Filipinas 2017 sa Miss World Phillippines 2017 pageant.

Siya rin ang hinirang na Reina Hispanoamericana sa pageant na ginanap sa Bolivia noong 2017.

MAXINE MEDINA: "WALA AKONG NA-EXPERIENCE NA BAD THINGS."

Ayon naman kay Maxine Medina, 30, “Actually, I don’t have any bad experience prior to pageants.

"Like, nag-Binibini ako, nag-Miss Universe ako, wala akong na experience na bad things.

"So I don’t think may nangyayaring ganun, I’m not sure…”

Si Maxine ay kabilang sa Top 6 sa Miss Universe 2016 pageant na ginanap dito sa Pilipinas.

Sabi pa niya, “Ako kasi, pinalaki ako ng magulang ko nang maayos, and I know what is right from wrong.

"So, nagdi-distance ako if I know that’s not right and I know that it’s not good for the public and for myself.”

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss Universe 1969 Gloria Diaz, 69, reveals that even at her age, she continues to receive indecent proposals: “I just enjoy the attention and I go on with it."
PHOTO/S: YouTube (ABS-CBN News)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results